Chapter 57.3

418 25 9
                                        


"Nakakainis!" Galit na sabi ni Arthur sabay tapon ng unan sa may mesa kung saan maraming mga palamuti at plorera. "Nakakaasar ang lalaking iyon!"
Sa huling unan na kanyang itinapon ay biglang bumukas ang pinto ng silid kung saan naroon si Arthur. Napatingin si Arthur sa pinto at isang babae ang nakatayo roon.
Natigilan si Arthur nang makita niya ang naroon.

"Arthur.."

Hindi makapaniwala si Yasmin sa kanyang nakita. Si Arthur ay nasa kama at nakaupo roon. Napatakip ng bibig ito at bumuhos ang luha sa kanyang pisngi.

"Yasmin.."
Nagulat si Arthur na nasa harapan niya si Yasmin. Maluha-luha na ang kanyang mga mata sa nga oras na iyon.

Hinakbang nang dahan-dahan ni Yas ang mga paa patungo sa kama. Napakalakas ng pagkabog ng dibdib na halos sasabog na. Ngumingiti siyang umiiyak habang tinititigan ang asawa na naluluha na.

"Buhay ka nga. Buhay ka nga Arthur, asawa ko!"

"Yasmin..." Sambit ni Arthur na tuluyan ng naiyak.

"Arthur!"

Tumakbo na si Yas patungo sa asawa. Niyakap niya ng husto si Arthur at gayundin ito.
"Nahanap na rin kita! Arthur! Mahal ko!"
Napapikit pareho ang dalawa habang yakap ang isa't isa. Ang mga yakap nila ay nagbibigay init sa bawat isa.
Bumalot sa  buong silid ang saya kasabay ng mga luha ng galak. Hindi mapaliwanag na emotion ang naramdaman nila pareho. Napakalakas ng kabog ng mga dibdib nila at kasabay ang init ng kasabikan.

"Arthur!"

"Yasmin!"

Idinilat nila ang kanilang mga mata at tinitigan ang bawat isa. Hinawakan ni Arthur ng kanyang dalawang kamay ang magkabilang pisngi ng asawa. Nakangiti si Yas habang patuloy sa pagtulo ng kanyang mga luha.

"Nananaginip ba ako? Yasmin.." Di makapaniwala si Arthur na nasa harapan na niya ang asawa.

"Hindi ka nananaginip. Totoo ito. Sa wakas ay nahanap na kita!" Sagot ni Yasmin.

Kahit may kasunduan sina Arthur at Leam ay di napigilan ni Art ang kanyang sarili. Sinunggaban na niya ng halik ang asawa at tumugon din si Yasmin. Pumikit pareho sila at naglapat ang mga labi nila sa isa't isa. Tila nasasabik at uhaw sa bawat isa. Pinagsaluhan nila ang matatamis na mga halik. Mas bumuhos pa ang emosyon. Para yatang ayaw na ng mga labi nilang maghiwalay at patuloy ito naghahalikan. Ilang minuto ay kinalimutan nila ang mga nangyaring hindi maganda bagkos ay nilasap nalang ang umaapaw na bugso ng damdamin at kasabikan.

"Arthur.."

"Yasmin.."

Tumigil ang dalawa sa paghahalikan. Ang tuyong mga labi ay  namasa masa na. Di pa rin makapaniwala si Arthur gayundin si Yasmin sa mga nangyayari. Hinawid ni Arthur ang buhok ni Yas at tinitigan ang asawa. Matutunaw na yata si Yas sa tindi ng titig ni Art sa kanya.

"Yasmin.."

"Masaya ako at buhay ka." Nakangiting sabi ni Yasmin at umayos ito sa pagkaupo sa kama.

"Paano mo nalaman?" Usisa ni Art.

"Sinabi ni Handsome." Ani ni Yas sabay sulyap sa may paa ni Arthur na may kumot.
Bumakas ang lungkot sa mukha ni Yasmin.

"Alam mo na ba?" Tanong ni Art nang napansin niya na sumulyap si Yas sa mga paa niya. Bigla nalang siyang nakaramdam ng awa sa sarili.

Tumango lang si Yas. "Sinabi niya rin."

"Alam mo na di ako nakakalakad." Malungkot na wika ni Arthur.

"Alam ko! Alam ko rin kung sino ang may pakana nito. Ang tita mo ang gumawa nito." Kunot noong sabi ni Yas.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon