Chapter 58.1

411 21 5
                                    


Bumalik na sa trabaho si Yasmin. Halata sa mukha nito na masaya dahil sa kakaibang ngiti sa mga labi at kislap ng mga mata. Napansindin ito ng mga kasamahan niya ang pagiging blooming.

"Ang blooming ni Miss Yasmin, ano?"

"Oo nga."

"Mas lalo siyang gumanda.."

Pinag-uusapan si Yas ng mga kasamahan niya kung gaano ka-blooming ito simula pagbalik niya. Iba ang aura niya at charm na nakabighani. Masaya rin sila na makita na masigla si Yas at ngumingiti na.

"Si Sir Leam kaya ang dahilan kung bakit masaya siya?"

"Baka... Di ba nanliligaw siya kay Ms. Yas?"

"Pero may asawa si sir Leam, si Madam Emily."

Di maiwasang di magtaka ang mga kasamahan ni Yasmin. May kakaiba rin kay Leam sa mga nagdaang mga araw. Nagiging mas seryoso ito at bihirang kumibo at magsalita. Nasa opisina lang si Leam at tahimik na nakaupo. Mukhang may malalim na iniisip ito.

Sumama naman si Yas sa mga kasamahan niya na kumain ng lunch sa carenderiang malapit sa opisina. Sa pag-alis nila, lumabas naman si Leam sa kanyang opisina. Pinuntahan niya ang mesa ni Yas. Napakaseryoso nitong tiningnan ang mga gamit nito. Nakita niya ang shoulder bag na nasa gilid ng mesa. Tinitigan niya ito at mukhang may binabalak. Habang nakatitig roon ay may hinablot siya mula sa kanyang bulsa.

------
Umuwi na si Yasmin sa kanila. Iniwan niya ang kanyang shoulder bag sa may upuan bago pumunta ng kusina para tulungan si Lin na maghanda ng hapunan. Masayang nagkwekwentuhan ang dalawa habang nagluluto. Pumasok na rin sina Aya at Lenard sa sala mula sa labas.

"Ang sarap talaga ang simoy ng hangin sa labas. Salamat Lenard at sinamahan mo ako." Ani ni Aya sa kaibigan.

"Walang anuman. Alam ko na nababagot ka na sa kwarto mo kaya kailangan mo ng sariwang hangin," nakangiting tugon ni Lenard.

Napangiti si Aya gayundin si Lenard.

Biglang tumunog ang cellphone ni Yasmin na nasa loob ng shoulder bag. Narinig iyon nina Lenard at Aya na naroon sa sala. Napalingon sila sa may sofa at nakita ang bag ng ina ni Aya.
Sumulyap sila sa kanilang mga magulang na nagtatawanan sa kusina. Hindi yata narinig ni Yasmin na tumutunog ang cellphone niya.

Nilapitan ni Aya ang bag at binuksan ito. May isang di kilalang numero ang tumatawag sa kanyang ina. Kinuha ni Aya ang cellphone at pinagmasdan lang ang numerong nakasulat.

"Aya, bigay mo na iyan kay tita Yasmin," utos ni Lenard.

Habang nasa kamay ni Aya ang cellphone ay bigla nalang itong tumigil. Kaya naisipan nalang niyang ibalik ito sa loob. Sa pagbalik niya ay biglang may umagaw sa kanyang pansin sa loob ng bag. Isang singsing ang nakita ni Aya. Kinuha niya ang singsing sa loob ng bag. Ang desinyo ng singsing ay infinity at may nakaukit na 143.

"Ang ganda.." sambit ni Aya habang hawak ang singsing. Nakangiti itong tinitigan ang hawak.

"Oo nga, ang ganda Aya. Sa mommy mo ba iyan?" Usisa ni Lenard.

Napansin ng dalawa na may kakaiba sa mga anak.
"Lenard?" Tanong ni Lin na napatigil sa ginagawa.
Pinuntahan agad nila ang mga anak. Nakatayo pa rin ang dalawa sa may sofa malapit sa bag ni Yasmin.

"Aya, kumusta ang pakiramdam mo anak?"

"Okay na po ako mommy.." sagot ni Aya.

"Mabuti naman.. teka, ano iyang hawak mo Aya?" Usisa ni Yasmin na napatingin sa kamay ni Aya.

Habang inaabot ni Aya ay nagsalita si Lenard. "Tita, may nakita po si Aya na isang singsing sa loob ng bag ninyo."
"Singsing?"

Tinanggap ni Yas ang inabot ng anak. Nanlaki ang mga mata nang makita ang singsing. Ito ang singsing na minsan ng naitapon. Ito ang singsing na binigay ni Xian noon.
Natahimik si Yas habang nakatitig sa singsing na nasa kanyang palad.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon