Chapter 55.1

454 21 6
                                    


Pagkatapos ng gabi ng selebrasyon ay nagsimula ng maging maalalahanin ni sir Leam kay Yasmin. Iba na ang pakikitungo nito kay Yas na pinagtataka ng lahat. Kung hindi lang may asawa si Sir Leam ay iisipin nilang nanliligaw ito sa byudang si Yasmin.

"Coffee?" Alok ni Leam sabay inabot ang isang tasa ng kape kay Yasmin habang nakaupo ito sa upuan.

"Thank you sir pero.."

Inilapag ni Leam ang tasa sa mesa ni Yas kaya wala na itong magawa.
"Take it para di ka antukin!"

Ang ibang kasamahan niya ay panay sa panonood. Nagbubulung-bulungan na sila na tila pinag-uusapan sila. Napansin nila ito pareho pero binalewala na lang ni Leam at mukhang gusto pa niya ito.
Pangiti-ngiti si Leamnang umalis siya sa may mesa ni Yasmin at bumalik sa opisina niya. Agad namang lumapit sina Sandy at Gray kay Yasmin.

"Miss Yasmin, pansin ko lang... May kakaiba kay sir!" ani ni Sandy.

"Oo nga! Aminin mo Miss Yas, nanliligaw ba si sir?" Usisa ni Gray na medyo mahina ang boses.

"Ano? Hindi ah!" Direktang sagot ni Yas. "Huwag kayong mag-isip ng ganyang bagay. Sa opisinang ito, para na tayong magkapamilya!"

"Kapamilya!?" Reaction ng dalawa.

Sa pag-uwi ay gusto ni Leam na sumabay na si Yas sa kanya para maihatid niya ito sa kanila.
"Sumakay ka na!" Aya ni Leam sa kanyang sasakyan.

"Hindi na, sabay kasi kami nila Sandy sa pag-uwi.." pagtanggi ni Yas sa alok ng boss at dumating na si Sandy na nakangiti.

Ang katabing si Sandy ay biglang itinulak si Yas patungo kay sir. "Sumabay ka na!"
Napayakap si Yas ng di sinasadya kay Leam. Hinawakan naman ni Leam ang balikat at bewang ni Yasmin.

"Ayiee.." tukso ni Sandy.

"Sorry!" Sambit ni Yasmin na napalayo sa boss.

"Sumabay ka na Sandy sa amin!" Aya ni Leam na alam na hindi sasama si Yas hanggat hindi sasama ang kaibigan.

"Sasakay kami!" Sagot ni Sandy.

"Sasama ako!" Sigaw ni Jetty na tumatakbo patungo sa kanila. "Wait for me!"

Walang magawa si Yasmin at sumama sa mga kaibigan.

Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong nakatuon ang pansin ni Leam kay Yasmin. Mas lalo itong nagpapakita ng kanyang nararamdaman. Kaya naman dumidistansya na ang mga kasamahan ni Yas para sila'y magkaroon ng oras at lugar. Pero kahit ganoon ay umiiwas pa rin si Yasmin at ayaw niyang bigyan ng malisya ang lahat na ginagawa ni Leam.

Pinapadalhan na ni Leam ng bouquet sa bahay si Yasmin.

"Paki-received po.." sabi ng tagahatid na siyang may dala ng bulaklak.

"Pwede bang hindi ireceived?" Tanong ni Yas na nakatayo may gate.
Lumapit si Lin. "Wow, ang gandang bulaklak! Sana all may pa- bouquet!"

"Sorry maam, nautusan lang.." paliwanag ng tagahatid.

"Okay."
Napilitan nalang si Yas na tanggapin at pumirma sa papel. Pinahawak nila kay Lin ang bouquet siya ay nagsusulat.

"Ang ganda! Kanino galing Yas?" usisa ni Lin na nagagandahan sa mga bulaklak.

"Heto.."
Ibinalik na ni Yas ang papel na pinirmahan niya.

"Yas wala kang naiikwento na may nanliligaw sa iyo. Kilala ko ba? Sino? Gwapo ba?"

"Gusto mo ba ang bulaklak? sa iyo na!" Ani ni Yas at bumalik na ito sa loob. Habang naglalakad si Yas ay hinahawakan niya ang suot na kwentas.

------
"Sigh! Kailan ba niya ako titigilan?" Tanong ni Yas sa sarili habang nakaharap sa salamin ng comfort room ng opisina nila. "Hindi ba niya ako titigilan!" Naiinis na ito. Hindi niya gusto ang pinaggagawa ni Leam.
"Haist!"

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon