(warning!!))
Nagsimula na silang kumain ng tanghalian. Sinaluhan nila ang inihanda ni Justin na mga pagkain para sa kanyang birthday.
"Kumain pa kayo!" aya ni Justin sa mga katrabaho na siyang mga bisita niya.
"Ang sarap Justin. Salamat ha! Happy birthday!" bati ni Ford na lumalamon na ng todo.
Nakatayo si Arthur at dala ang plato nito nang lapitan siya ni Rizma.
"Sir, sorry po.." mahinang sabi ni Rizma. "Nabigla lang talaga ako."
"Don't mind it."sagot ni Arthur.
Inabot ni Rizma ang isang slice ng cheese cake kay Arthur. "Sir, tanggapin ninyo po ito.""It"s okay! Panay tanggi ni Arthur.
"Sige na sir...nakakahiya kasi ang ginawa ko. Peace offering na po ito." pamimilit ni Rizma.
Si Yasmin naman ay nanonood lang sa dalawa pati ang iba habang kumakain sa may pool.
"Gusto mo sir, subuan pa kita?" pangiti-ngiti naman si Rizma."Sorry but may magagalit!"
"Sir naman.. wala naman po rito ang asawa ninyo. Mga kasamahan ko lang naman sila kaya okay lang. Wala naman siguro magagalit sa kanila," paliwanag ni Rizma na inaakit ang boss.
In Yasmin's mind," Tama na iyong kanina na hinayaan kita babae! Huwag mo ng akitin si Arthur sa pasweet mong cheese cake!"
Kumuha ng isang slice ng chocolate cake si Yasmin. Mukhang may binabalak siya. Hindi na siya magpapatalo sa babaeng malandi.
Pinuntahan ni Yasmin ang dalawa na talagang ang paglalakad ay parang model na dala ang platong may cake.
Pagkaharap niya sa dalawa ay ningitian niya muna si Rizma. Tinaasan ng kilay ni Rizma si Yasmin.Nakaabang ang iba sa mangyayari.
"Ano kayang mangyayari?" tanong ni Fatty.
"Oh my, the legal wife!" bulong ni Jess..
Binalewala niya agad ni Yas si Rizma at itinuon ang pansin sa asawa na nakatitig sa kanya.
"Sir, baka gusto ninyo ng chocolate cake? Kinunan ko na po kayo!" malambing na sabi ni Yasmin.
Mas nainis si Rizma at pinatulan ito. Hindi rin siya susuko, "Sir, mas gusto ninyo ang cheese cake..tikman ninyo!"
"He likes chocolate cake!" ani ni Yasmin.
"He likes more the cheese cake!"wika ni Rizma.
"Mas gusto niya ito kaysa sa dala mo!" mahinahong sabi ni Yasmin.
Natawa si Rizma, "Really? Paano mo naman nasabi, asawa ka ba?" Mayabang na tono ng boses ni Rizma.
Napataas noo si Yasmin pero nagpipigil lang ito. Nanggigigil talaga siya. Sinusubukan talaga siya nito.
Si Arthur naman ay nanonood lang sa dalawa pero pangiti-ngiti sa asawang nakikipagtarayan kay Rizma. He likes to see Yasmin na nagiging matapang at kayang ipaglaban ang bawat isa."Huwag ka na ngang makipaglandian sa taong may asawa!" payo ni Rizma.
Napatingin si Arthur kay Rizma at lumipat kay Yasmin pagkatapos."Aba nagsalita, ano pala ang ginagawa mo, di ba lumalandi ka rin sa taong may asawa na!" mataray na sagot ni Yasmin.
"Eh ako, single.. eh ikaw, di ba married ka na? Bakit ka pa lumalandi!?" mataray rin nitong sabi.
Hindi na nahiya si Rizma sa pinagsasabi sa harap ng boss."Tsk tsk tsk.. tama na nga iyan!" sermon ni Arthur. "Itigil na ninyo iyan!"
Nagpa-cute agad si Rizma sa boss, "Sir, pagsabihan mo nga si Ms.Yasmin na lumayo na sa iyo!"
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...