Chapter 40

1K 28 5
                                        


Pinuntahan ni Arthur si Marga sa kabilang branch. Nakasalubong ang mga kilay niya at seryoso itong naglalakad patungo sa opisina ni Marga. Binati naman siya ng mga employees na nadadaanan niya.

"Good morning sir!"
"Good morning sir!"
"Good morning sir!"
Seryosong naglalakad sila na nakasunod si Leo sa kanya. Hindi sumagot si Arthur sa mga bati nila at mukha talaga siyang galit. Napansin naman ito ng mga tauhan at employees niya at natahimik nalang pagkatapos bumati.

Si Marga ay nasa loob ng opisina niya at busy nag-mamanicure ng sariling kamay. Pumasok ang secretary niya at sinabing, "Miss Marga, patungo po rito si Sir Arthur.." nag-aalalang sabi nito.

Napatingin si Marga sa kanyang secretary at halatang hindi niya inaaasahan na darating si Arthur.
"Really?" Masayang wika nito.

"Yes ma'am.."
Napangiti si Marga at napatayo. "Do I look pretty? Okay na ba?" Inaayos niya ang kanyang sarili. "I know he will come.. nagkalabuan na siguro sila.."
Pangiti-ngiti itong napapaisip na baka naghiwalay na ng tuluyan ang mag-asawa.

"Pero Ms. Marga.."

Hanggang, bigla nalang binuksan ni Arthur ang pinto na malakas. Pumasok ito na iba ang aura na para bang umuusok sa galit. Medyo nagulat sila sa pagpasok nito na pabigla. Nanatili lamang sa labas si Leo.
"Good morning sir, "bati ng secretary.."
Napaatras siya ng dadaan ang boss nito.

"Arthur napadalaw ka!"

Huminto ito sa may mesa ni Marga. Umalis naman ang secretary at iniwan silang dalawa roon.

Inilabas ni Arthur ang mga larawan sa isang brown envelope. Pagkatapos ay inilapag niya sa mesa nito. Napakunot - noo si Marga na nakatingin sa mga larawan.

"Itigil mo na ang kahibangan mo Marga!"
"Tsk! Ano na Arthur? Hindi ka pa rin ba nagigising?" tanong ni Marga na desperada.

"Ano ba ang binabalak mo? Paghiwalayin kami? Ganoon ba ang gusto mo!?" galit na tanong ni Arthur.

Pasigaw na sumagot si Marga, "Oo! Gusto kong maghiwalay kayo!"

"Kaya ginawa mo iyan at pinasundan mo ang asawa ko? Sinisiraan mo siya!!"

"Ginawa ko nga para malaman mo kung anong klaseng babae si Yasmin. Kung ano siya! Kung sino ang nilalandi niya!"

Sa galit ni Arthur ay napagtaasan niya ng kamay si Marga at muntik ng masampal pero napigilan niya ang sarili. Nagpipigil ito.
Pero matapang pa rin si Marga at hindi natitinag.
"Sige, sampalin at saktan mo ako!"
"Salamat ka at nangako ako kay Yasmin na hindi ka sasaktan."

"Si Yasmin na naman.."

Natawa si Marga na para bang nababaliw na. "Ano ba ang meron si Yasmin at baliw na baliw kayo sa kanya. Bakit ninyo siya pinagtatanggol?"

"Iba si Yasmin sa iyo!"

"Ako ang nauna sa inyo..dapat sa akin kayo pero ano ang nangyari, nakuha niya lahat kayo at nabaling ang inyong tingin sa kanya."

Hinawakan ni Marga ang balikat ni Arthur.
"Anong meron siya at bakit siya ang pinili mo at pinakasalan mo? Ako ang gusto mo, di ba? Ibinigay ko ang lahat para sa iyo, ibinigay ko ang sarili ko... ang katawan ko."

"Baka nakakalimutan mo, walang tayo. You gave yourself dahil may intention ka. Dahil iyon sa kasakiman mo sa kapangyarihan."

"Wala ba talagang halaga sa iyo ang lahat ng iyon? Noong ibinigay ko ang katawan ko sa iyo..ang ibinigay sa iyo na sarap at init."

"Wala! Ang lahat ng iyon ay pawang walang kahulugan. We just s*x without love. We just s*x for pleasure and lust.. but no love."

Inalis ni Arthur ang kamay ni Marga sa kanyang balikat.
"Stop daydreaming na naging tayo.."

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon