Araw ng Sabado at nasa bahay si Yasmin kasama si Aya para mag-aral. Tinuturuan niya ang anak ng mga aralin niya sa paaralan. Nakaupo sila sa sahig at may ginagamit na maliit na mesa. Matiyagang tinuturuan ni Yas si Aya at madali namang natututo ang bata. Masunurin din si Aya at gutso niyang maging proud ang mama niya kaya ginagawa niya ang lahat para mataas ang kanyang marka."Wow! Ang galing mo anak!" Papuri ni Yas kay Aya. Tuwang tuwa naman ang bata na masagutan niya ang mga aralin ng tama. "Ngayon heto na naman ang sagutan mo."
"Okay po!" Sagot ni Aya na agad sinagutan ang mga tanong.
Kumatok sa pinto si Sissy bago niya binuksan ang pinto. Napalingon si Yasmin sa may pinto at nakita si Sissy roon.
"Bakit Sissy, may kailangan ka ba?" Tanong ni Yas.
"Ate Yas, may bisita po kayo." Ani ni Sissy.
"Huh? Bisita? Sino naman?" Pagtatakang reaction ni Yasmin.
"Nasa sala po siya. Ang sabi niya po ay boss ninyo siya."
"Huh? Boss ko? Si sir Leam?"
Napatayo agad si Yasmin. "Anong ginagawa niya rito?" Tanong ng isip ni Yasmin."Ikaw muna bahala kay Aya."
"Opo ate."
Lumabas ng kwarto si Yas para puntahan ang boss niya na nasa sala. Nagtataka talaga siya kung bakit siya dumalaw at napunta sa bahay nila. Pagkarating niya sa sala ay nakita niya ang isang lalaki na nakatayo paharap sa mga photoframe nila sa may mesa sa gilid. Tinitigan niya ang kaliwang tagiliran ng lalaki, ang mukha na kita lamang ang kaliwang bahagi ng pisng. Habang pinagmamasdan niya ito, biglang may naalala siyang isang tao. Kamukhang kamukha niya ang isang tao na naging parte noon ng buhay niya. Hindi pa siya nakalapit ay napalingon na ang lalaki sa kanya.
"Sir Leam.." sambit ni Yasmin nang nakita na ang kabuuan ng mukha nito.
"Miss Yasmin!"
Humakbang pa si Yasmin at tinanong ang boss. "Ano po ang ginagawa ninyo rito?"
"May mga naiwan kang mga papeles sa opisina na kailangan mo kaya dinala ko!" Seryosong sabi ni Leam sabay turo sa bag na nasa upuan.
"Po? Hindi na sana po kayo nag-abala sir. Pwede ko namang kunin iyon. Naabala tuloy kayo."
"Don't you worry,hindi iyon abala." Ani ni Leam at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.
"Nakakahiya naman sir. Salamat po." Nahihiyang sagot ni Yas.
Lumibot ang paningin ni Leam sa buong sala. Pinagmasdan niya ang bawat sulok nito. "Matagal na kayo rito?"
"Uhm.. yes sir!"
"Hmmm.. I see.."
Kakarating lang ni Leo mula sa kanyang trabaho nang napansin niya ang dalawang kotse; ang isa ay itim na kotse sa may kapitbahay nila at ang isa ay nasa bakuran nila.
"Kanino kaya ang mga kotseng ito? Ang gaganda naman." Ani ni Leo habang papasok sa kanila. Pagpasok niya ay nakita niya sina Yas at kausap ang isang lalaki.
"Ay, may bisita pala tayo. Kaya pala may kotse sa labas," wika ni Leo na narinig ng dalawa kaya napatingin sila sa binatang si Leo.
"Dumating ka na pala Leo. Siya nga pala, boss ko si sir Leam.." Pagpapakilala ni Yas kay Leo.
"Magandang hapon sir."
"Magandang hapon din!"
Yumuko ang ulo ni Leo at dahan - dahang umalis sa sala at pumunta sa kanyang kwarto. Lumabas naman si Aya sa kwarto niya at pinuntahan ang mama niya na nasa sala.
"Mommy! Tingnan niyo po ang ginuhit ko!" Masayang pagbabalita ni Aya na dala ang papel na may guhit. Nang nakalapit na sa ina ay ipinakita niya ito. Lumuhod naman si Yas sa harap ng anak para makita ang drawing na hawak nito.
"Patingin nga.."
"Heto po mommy.."
Pinagmasdan lamang ni Leam ang mag-ina.
"Ginuhit ko po na kasama na natin si daddy. Hawak kamay po tayong naglalakad patungo sa school para kunin ang report card ko. Matutuwa kayo sa mga marka na nakuha ko!"
"Wow! Ang ganda naman. Siguradong matutuwa ang daddy mo nito.."
"Talaga mommy?"
"Sympre naman!"
"Sige po, tatapusin ko na po ang pagkukulay."
"Sige anak."
Dali daling bumalik si Aya sa kanyang kwarto. Tumayo naman agad si Yasmin.
Isang hindi inaasahang tanong ang narinig ni Yas mula sa kanyang boss."Namimiss mo na ba ang asawa mo?" Seryosong tanong ni Leam.
Nanlaki ang mga mata ni Yas at natahimik ito. Nagtanong ulit si Leam.
"Bakit hindi ka mag-asawa ulit?"
Humakbang papalapit si Leam patungo ay Yas habang biglang kinabahan si Yasmin sa di mapaliwanag na dahilan."Ayaw mo bang magkaroon ng bagong daddy ang anak mo? Mukhang gustong -gusto na niyang magkaroon ng daddy!"
Napakunot noo si Yas at sinagot si Leam nang direkta. "Iisa lang ang daddy ni Aya at wala na akong balak na mag-asawa ulit sir!"
"Ganoon ba.."
"Siya nga po pala sir, may itatanong lang po ako.."
"Ano iyon?"
"Kilala ninyo ang asawa ko hindi ba?"
Napatingin si Leam kay Yasmin at hindi ito nakasagot. Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Yas.
"Noon, nagkita na tayo at nabanggit ka rin na ng asawa ko. Naaalala niyo po ba iyon?" Usisa ni Yas. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi sumagot si Leam. Bagkos ay nagpaalam na ito para umalis.
"Mauuna na pala ako. May mga dapat pa akong tapusin na mga papeles.
"Sige po, ihahatid ko kayo sa labas."
Hinatid ni Yas si Leam sa labas patungo sa kotse ni Leam.
"Salamat po sir sa paghatid. Naabala tuloy kayo.""Walang anuman.."
Pumasok na si Leam sa loob ng kotse nya. Nang nakaalis na ang kotse ay napansin niya ang isang itim na kotse sa labas na katulad sa nakita niya sa may opisina.
"Kanino kayang kotse iyon? Parang pamilyar.. katulad ito sa kotse sa may opisina." Kinakausap ni Yas ang sarili.
Dumating naman si Lin at kasama niya ang anak. Napatingin din siya sa tinitingnan ni Yasmin.
"May problema ba Yas?" Tanong ni Lin.
"Huh? Nandito na pala kayo!"
"Ano ang tinitingnan mo?" Tanong ni Lin. "Ang kotse ba?"
"Uhmm....Tara na sa loob." Aya ni Yasmin. Hinawakan niya ang braso ni Lin. "Huwag mo ng pansinin iyon. Sa kapitbahay yata iyon."
"Okay."
--------
Nakauwi na si Leam sa kanila. Tahimik itong nakadungaw sa bintana. Minamasdan niya ang bawat dahon na nahuhulog sa sanga."Sa pagkakataong ito, babawiin na kita." Bulong nito sa sarili.
To be continued...
A/N: ano ang lihim ni Leam? Ano ang kanyang binabalak!?
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...