Nakarating na rin sila. Welcome back to the city. Nagising na rin si Yasmin.
" Ihahatid na kita sa inyo," sabi ni Xian habang nagdrive." Kain muna tayo," suggested ni Yasmin na kumakalam na ang sikmura.
Huminto sila sa isang fastfood chain at kumain. After ilang minuto at natapos na sila." tara, hatid na kita pauwi." he said while going to the car and opening the door.
" huwag na Xian. May pupuntahan muna ako. Medyo malapit lang naman rito," wika ni Yasmin na nakangiti.
" samahan na kita,"
" Huwag na! Kaya ko naman ang sarili ko," sabi ni Yasmin na itinutulak si Xian para umalis na.
"huh? Teka,"
Yasmin's pov
Pupunta ako sa malapit na hospital para magpacheck-up. At kung totoo man, gusto kong sorpresahin ka!" Sige na, umuwi ka na tapos kita na lang tayo mamaya."
" okay! Basta mag -ingat ka," sabi ni Xian.
Pumasok na sa loob ng sasakyan si Xian. Bago pinaandar ang kotse ay kumaway pa ito.Kumaway rin si Yasmin na nakangiti.
Umalis na ang sasakyan ni Xian.Yasmin's pov
Mamaya, sasabihin na namin kay Marga ang lahat. Sana maging okay lang. Sana nga!Kinakabahan si Yasmin habang iniisip ito.
Umalis na rin si Yasmin sa kinatatayuan niya. Habang naglalakad ay binuksan niya ang kanyang cellphone na matagal ng off simula noong nasa malayo sila.
Pagkabukas niya, panay tumunog ito dahil sa mga mensaheng pumapasok." oh my!" nagulat si Yasmin sa mga mensahe. Napakarami.
Naalala niya tuloy nag pangako niya kay Harrold na magtitext pagkauwi niya mula sa reunion.
Harrold: Yasmin, nasaan ka ba? Bakit hindi ka nagtext?
Harrold: yasmin, nasaan ka? Bakit wala ka sa bahay?
Harrold: text back naman! Nag -aalala ako!
Harrold: Hinahanap ka ni Marga! Nasaan ka ba at di ka macontact?
Harrold: Yasmin pls reply..
Harrold: di ko rin macontact si Xian.. Magkasama ba kayo?
Harrold: Nasaan ba kayong dalawa?Napakaraming text messages ni Harrold.
" Naku, nakalimutan ko! sorry Harrold," nakokonsensya si Yasmin.
Pagkatapos nakita rin niya ang mga mesaages ni Marga." Marga.." kinakabahang sabi niya.
Nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa malapit na hospital.
" Hinahanap rin ako ni Marga," bulong niya sa kanyang sarili. Dahil sa walang signal sa lugar na pinuntahan nila, kaya naisipan nalang ni Yasmin na i-off ang cellphone niya. Ngayon na nakabalik na sila, unti unti nang pumapasok ang lahat ng mga mensahe.
" Sorry Marga.."
Suddenly..
Tumunog ang cellphone ni Yasmin at nagulat ito. Nasa may harapan na siya ng hospital at napahinto siya sa paglalakad.
" Marga?" nanlaki ang kanyang mga mata ng mabasa ang pangalan ni Marga na tumatawag sa kanya.
" sasagutin ko ba?" pagdadalawang -isip ni Yasmin. Hindi maiwasang hindi siya kabahan. Hawak -hawak niya ang cellphone at nag -iisip siya kung sasagutin niya ba ito.
Missed call-
" Anong gagawin ko?"Tumunog ulit ito.
Omg!Sa pangalawang pagkakataon,tumunog ito at napilitan si Yasmin na sagutin.
" Hello Marga?" seryoso na medyo malungkot ang boses ni Yasmin.
" Yasmin?" nagsalita sa kabilang linya si Marga. Ang boses nito ay mahina.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...