Chapter 32.2

1.2K 23 0
                                    

(Spg! warning)

Nasa sala silang tatlo at nakaupo sa couch. Magkatabi ang mag-lolo na nakaharap sa tv habang si Yasmin ay nasa kabilang upuan at nagbabasa ng libro. Katahimikan ang bumalot saglit sa buong bahay. Nakakunot noong nanonood ang binata ng palabas na halatang wala sa mood. Seryoso itong nakaharap sa tv. Ang matanda naman ay pabigla-biglang natatawa at natutuwa sa pinapanood sa tv na isang comedy show.

Tumatawa nang malakas ang lolo habang ang katabi ay walang imik. Si Yasmin naman ay pasulyap-sulyap sa seryosong binata.

Hanggang, humikab na ang matanda.
"Inaantok na ako..."
Napalingon si Arthur sa kanyang lolo na nag-stretching ng kanyang kamay. Napatingin na rin si Yasmin sa kanila.

"Matutulog na siguro ako.."

"Mukhang inaantok na kayo lolo."

Tumayo ang matanda at nagtanong, "Kayo, hindi pa ba kayo matutulog?"

"Huh?"
"Matutulog na rin po kami.."

Napatingin ang matanda kay Yasmin.
"Baka mahirapan ka sa pagtulog rito, hija. Palit nalang tayo, ikaw sa kwarto at magsasama kami ng apo ko rito sa sala."

"Po!?" reaction ni Yasmin.

"Huh? Ano lo?" Napatayo si Arthur.

"Nagbago na ang isip ko. Pwede na ako rito sa sala at kasama ka. Para sa magiging apo ko sa tuhod, pwede akong magsakripisyo." Nakangiti nitong sabi.

"Nagpapatawa po ba kayo lo.."sarcastic na sagot ng binata.

Agad tinabihan sa upuan at inakbayan ni Arthur si Yasmin, " Dito po siya matutulog at magsasama kami rito sa sala."

Naging seryoso ang mukha ng matanda. "Sige, kayo ang bahala.."

Umalis ang matanda sa sala. Pumunta na siya sa kwarto at sinamahan ni Arthur saglit.

Lumipas ang ilang minuto at lumabas ang binata sa kwarto. Nasa sala si Yasmin at nakaupo. Nagbabasa ito ng libro bago lumabas ng kwarto si Arthur. Pagkalabas nito ay isinara na niya ang librong binasa.

"Nakatulog na siya.." sabi ni Arthur na papunta sa kinaroroonan ni Yasmin.

Tumayo si Yasmin at hinarap ang binata. "So, pwede na tayong matulog. Tulog na tayo." Yaya nito..

Nagkaharap silang dalawa at nagkatitigan. Tinitigan ni Arthur ang mukha ni Yasmin.

"Bakit? Bakit ganyan ka makatingin?"

"Mas napapahanga ako sa iyo.."sabi ni Arthur.

"Huh? Ano ba ang pinagsasabi mo?"
Napangiti si Arthur na hindi na maalis ang tingin sa dalaga.

"Matulog na nga tayo!" wika ni Yasmin.

Tatalikod na sana si Yasmin ng biglang hinawakan ni Arthur ang braso ng dalaga.
"Huh?" Nabigla si Yas. Napatingin siya sa binata. "Bakit?"

"Let's do it first. Ang naudlot na gagawin natin.."pabulong ni Arthur.

"Pero, nariyan sa kwarto ang lolo mo. Paano kung.."

Lumapit pa ng kaunti si Arthur sa dalaga. Mas nagkalapit ang kanilang mga mukha at nagkadikit ang mga noo. Hinawakan ni Arthur ang magkabilang pisngi ni Yasmin.

"Huwag muna nating intindihin si lolo."

"Arthur.."

"I love you Yasmin!"
Hinalikan ni Arthur ang labi ni Yasmin. Marahan lamang ang pasimulang halik ng binata.

"Ang lolo mo.."

"Tulog na siya!"

Napakapit ang mga kamay ni Yasmin sa may batok ng binata. Hindi na nila mapigilan ang umuusok at umiinit na damdamin. Ang mahinhing mga halik ay unti unting naging marahas. Ipinikit nila ang kanilang mga mata para masmadama ang init na dumadaloy sa kanilang mga labi.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon