Chapter 17.2

1K 23 1
                                    


Nagmamadaling pumunta ng hospital si Marga hindi dahil sa nag-aalala siya kay Yasmin kundi para puntahan si Xian. Nakapagbihis na ito ng chic dress match with high heels. She walks too fast na para bang may hinahabol. She was accompanied by her office friend Leny. Hindi alam ni Marga kung ano ang kanyang nararamdaman sa mg aoras na iyon. Naiinis siya na galit dahil sa nangyaring pag-iwan ni Xian sa simbahan. Nagulo ang pinapangarap niyang wedding dahil hindi ito natuloy.

Pumunta agad sila sa information desk para tanungin kung nasaan ang kwarto ni Yasmin.

" Excuse me Nurse, maaari mo bang ibigay sa akin ang room number ni..." pataray na sabi ni Marga.

Tumingin ang nurse sa kanila na natatarayan sa bisita, " Ano pong pangalan?"

"uhm-" sasabihin na sana ni Marga ang pangalan ni Yasmin ng biglang narinig niya ang boses ni Carlos na dumaan sa kanilang likuran. Kasama ni Carlos si Zack.

" Nakakabigla naman ang nangyari kay Yasmin, buntis pala siya!" sabi ni Carlos.

Pagkarinig ni Marga ay nanlaki ang kanyang mga mata. Napalingon siya at tinawag si Carlos,
"Carlos!"

Napahinti ang dalawa at napalingon. Nabigla sila sa kanilang nakita.

" Marga?"
------------

Sa kwarto ni Yasmin, naroon si Xian.

Nakaharap na nakangiti si Xian kay Yasmin. Nakaupo na ito sa silya malapit sa kama.
"Ang saya ko alam mo ba iyon."

Nakangiti naman si Yasmin habang hinahaplos ang tiyan niya. Hindi makapaniwala si Xian na magiging ama na siya.

" Ano kaya ang magandang pangalan niya? Lalaki kaya siya o kaya babae?" excited na sabi ni Xian. Natatawa naman si Yasmin sa pinagasasabi ni Xian. Hindi na siya makapaghintay na mapanganak ang baby.

" Junior kaya?" tanong ni Xian.

Bakas sa mukha ni Xian ang kasiyahan at excitement. Panandalian na nawala sa isip ni Yasmin ang tungkol kay Marga.

---------
Tuluyan ng nakansela nag kasalan. Nagsipag-uwi na na ang mga bisita.

Nakangiti naman si Odette habang pinagmamasdan ang paligid na unti unting tumahimik.
" Simula pa ito Marga!" bulong niya sa sarili.

Ang iba ay naawa at naghihinayang.

"Kawawa naman ang bride."
" Emergency naman ang nangyari!"
" Ano ba naman!"

Sari -saring konklusiyon ang naisip ng mga panauhin.

Bago pumasok sa sasakyan si Arthur ay sinabihan niya ang kanyang secretary, " book me a flight!" seryosong sabi niya. Pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng sasakyan.

" yes sir!" sagot ni France, ang secretary niya.

Napatanong si Odette kay France, " Saan na naman pupunta si Sir?"
" Business meeting at the same time vacation leave," sabi ni France at tumungo na sa sasakyan at sumakay na ito.

Naiwan si Odette roon na nakatayo.

--------
" She's pregnant!" nakangiting sabi ni Marga habang dinidial ang number ni David.
Nakaalis na sina Carlos at Zack. Dahil na rin sa narinig ni Marga tungkol kay Yasmin ay nasabi nila ito sa kanya.

At the lobby ng hospital ay naroon sina Marga at Leny. Nakatayo lamang silang dalawa. Tinatawagan ni Marga si David para ihatid ang ang balita. Si Leny naman ay hindi mapakali at mukhang may malalim na iniisip.

" Ano ba ang iniisip mo Leny?"
" huh?" nabigla sa pagpansin ni Marga sa kanya.
" tinatanong kita!"
Napaisip ulit si Leny at sinabing, " Maaari kayang si Xian ang ama?"

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon