Lumipas ang 15 minuto sa paghihintay nila kay Yasmin. Unti unti nang naiinip ang matanda. Hindi na maguhit ang mukha nito. Napansin na ito ni Arthur at nagsimula na siyang kabahan.
Nakatayo sa gilid ni Arthur si Leo kaya tinawag niya ito." Puntahan mo nga si Yasmin doon." Pabulong nitong utos kay Leo.
" Yes sir!"
Pinuntahan ni Leo si Yasmin sa ladies room.
Matiyaga namang naghintay pa sila ng ilang minuto." What's the name of the girl again?" tanong ng tita niya.
" Yasmin.."
" Nice name. Saan mo naman siya nakilala?" Nagsimula ng magtanong si Tita Nanacy at na-curious na ito.
" I met her sa Pilipinas but we met again here at dito kami mas nagkakilala," kwento ni Arthur.
" Interesting!" reaction ng tita.
Bumalik na si Leo na walang kasama. Napatingin silang lahat sa kanya habang naglalakad patungo sa kanila.
Bumulong siya kay Arthur.
At biglang..
" Ano!?" reaction ni Arthur.
Napatayo si Arthur at nakapagmura tuloy, " Sh*t"
Agad itong umalis sa hapag kainan kasama si Leo. Nagmamadali silang dalawa at mukhang pupunta sila sa may toilet." What's going on?" tanong ng matanda.
-------
Sa labas ng ladies room ay naroon ang isang babaeng waiter. Siya ang pinapasok ni Leo sa loob ng ladies room." Nasaan si Yasmin?" pasigaw na tanong ni Arthur.
" Sir, wala pong tao sa loob ng ladies room.." mahinahong sabi ng babae.
" Ano!? What do you mean?"
Hindi na napigilan ni Arthur at pumasok siya sa ladies room.
" Sir!"
" Yasmin! Yasmin!" sigaw nito.Inisa- isa niya ang cubicle at wala talagang tao.
" Yasmin!"
Napahilamos siya ng mukha habang hinahanap si Yasmin. Wala ang dalaga! Nasaan siya?
Binalikan ni Arthur si Leo at hinila ang kwelyo ng binata, " Nasaan si Yasmin? Di ba sabi mo nagCR lang siya. Bakit ngayon wala siya rito?"" Sir, nakita ko pong pumasok siya sa ladies room. Bago po ako pumunta sa inyo ay talagang inihatid ko pa siya rito," paliwanag ni Leo na medyo kinakabahan.
Binitawan naman agad ng binata si Leo at mukhang hindi na niya alam saan hahanapin ang dalaga.
Dumating ang guard at sinabing, " Sir, iyong babaeng nakaputi po ay lumabas na po kani kanina lang. Mag-isa lang po siyang umalis."
" Ano!?"
Agad tumakbo palabas si Arthur na nagbabasakaling makita ang dalaga sa labas. Sumunod naman si Leo sa kanya.
Palingon lingon si Arthur sa paligid pero walang Yasmin sa labas ng restaurant.
Napatanong si Arthur kay Leo, " Anong nangyari kanina bago kayo nakarating rito?"
" Wala naman po sir.."
" Eh bakit siya umalis na hindi nagpapaalam?"
Halatang gulong gulo na si Arthur at di mapakali. Di maiwasang mag-alala siya kay Yasmin dahil na rin sa mga nangyayari." Nasaan ka ba Yasmin?"
May naalala si Leo na palaging tinatanong ni Yasmin kanina.
" Sir, kanina panay tanong po siya kay Ms. Marga... Nagtatanong po siya tungkol kay Ms. Marga."
Napalingon si Arthur kay Leo na nakakunot ang noo.
" Ano? Tungkol kay Marga?"" Iyon po ang naaalala ko po na medyo natahimik po siya bigla sa sasakyan."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...