Chapter 7.1

1.2K 27 0
                                    


Tinawagan ni Marga si Yasmin na magkita sila sa park dahil kailangan niya ng makakausap na kaibigan. Hindi nagdalawang - isip si Yasmin na pumunta sa park. Sa malayo, nakita na niya si Marga na nakaupo sa isang bench sa lilim ng isang puno. Malungkot ito at umiiyak.

Napatigil si Yasmin at pinagmasdan niya ang kaibigan sa malayo. Naaawa siya. Hindi man niya alam ang dahilan sa pagtatalo nila pero para kay Yasmin naging biktima si Marga sa kagagawan ng lalaki na ang pangalan ay Bert.

Nilapitan ni Yasmin si Marga.

" Marga..."

Napatingin si Marga kay Yasmin na nakatayo sa harapan niya. Agad niya itong niyakap at umiiyak siya.

Bakas sa mukha ni Yasmin ang awa at lungkot.

Samantala, pumunta si Xian sa bahay ng kanyang lolo.

" Narito ka pala kuya, " hindi inaasahan ni Fara na darating si Xian.

" Kumusta na si lolo?" tanong ni Xian habang papunta sa kwarto ng lolo niya.

" Medyo okay na si Lolo," sagot ni Fara.

Natutulog ang lolo nina Fara at Xian sa kwarto niya. Pinagmamasdan ni Xian ang kanyang lolo.

May naaalala siya sa mga sinabi ng lolo niya noong bata pa siya.

Flashback

" Hindi mo alam kung kailan darating ang babae na para sa iyo. Hindi mo alam na nariyan na pala siya sa tabi kung nakatingin ka sa iba.." sabi ni lolo. Naka - upo sila sa isang bench na nakaharap sa karagatan.

" po?"

I was 13 years old that time.

" Hindi mo malalaman hangga't hindi mo aaminin sa sarili mo na mahal mo siya at may gusto ka!"

" huh? Ano po ang inyong ibig sabihin?"

" Kapag nawala siya,.. pagsisisihan mo ito. Ma- rerealize mo ito kapag wala na siya."

" Paano po kung hindi niya ako gusto?" tanong ni Xian.

" Ang tanong, paano mo malalaman na gusto ka niya kung hindi mo aaminin at tatanungin?" tanong ng lolo.

" hindi ko po alam!"

" pero bago mo itanong sa kanya, tanungin mo muna ang sarili mo.." payo ng lolo.

" Kayo ni lola.. paano kayo nagkakilala?" tanong ulit ni Xian.

" Napakahaba ng kwento.. Pero sa huli, kami pa rin!" sagot niya.

Xian smiled.

" Tandaan mo rin ito Xian.. Kung kayo ang nakatadhana, kahit lilipas man ang panahon, at maraming pagsubok na daraan, magkikita't magkikita pa rin kayo. Ipaglalapit kayo ng tadhana."

-----end of flashback--

At rhe park

" Ayokong mawala si Xian sa akin. Malapit na kaming ikakasal, bakit ngayon pa kami nagkakaganito!!? Natatalo rin kami noon pero hindi ganito na pagkatapos ay napakalamig niya. Anog gagawin ko?" umiiyak na sabi ni Marga na nakayakap kay Yasmin na nakaupo na sila sa bench.

Yasmin comforted her.

" Napakalamig ni Xian ng sabihin niya na he needs space. Para bang.. parang sinasabi niya na kailangan niyang mapag - isa at ayaw niyang makasama ako."

Sinagot ni Yasmin, " Baka gusto lang niyang mapag - isa at mag - isip."

Nabigla si Marga sa sagot ni Yasmin and she reacted," Bakit? Iniisip ba niya na hiwalayan ako? Bakit siya mag -iisip? Di ba dapat mag - usap kami?" pasigaw na sabi ni Marga.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon