Chapter 53.3

1.2K 42 47
                                        


Nasa balcony ang mag – inang Yasmin at Aya. Minamasdan nila ang mga bituin sa langit. Maririnig nalamang ang mga ingay na gawa ng mga kuliglig.
“Mommy, nakikita po ba tayo ni daddy mula sa langit?” Inosenteng tanong ni Aya na nakasandal ang ulo sa may dibdib ni Yasmin.
“Sympre naman. Palagi tayong binabantayan ng daddy mo!” Sagot ni Yasmin sa anak.
“Abot niya po ba ang mga bituin sa langit? Marami na po ba siyang nakolektang mga bituin?”
“Hmm.. marami na! Kinolekta na yata niya lahat ng makikintab na mga bituin para sa iyo anak.”
“Ibibigay niya po sa akin? Kailan?” Napaharap siya sa kanyang ina.
“Nakikita mo ba ang lahat ng bituin sa langit?” Tanong ni Yas na tinuturo ang mga bituin sa langit.
Napatingin sa kalangitan si Aya at tumango ang ulo nito na may inosenteng mukha.
“Ang lahat ng nakikita mo na mga bituin ay mga nakolekta niya. Kapag mabait ka, ipapakita niya ito at hindi tatakpan ng ulap.”Paliwanag ni Yasmin.
“Mommy, makikita ko pa ba si daddy?” Seryosong tanong ni Aya na nangungulila sa ama. Hanggang larawan lamang nakikita ni Aya ang mukha ng ama niya.
Natahimik saglit si Yasmin na tila naaawa sa anak na hindi man lang nasilayan ang ama na mahal mahal siya. Naaalala niya kung gaano kasabik si Arthur na makita at makarga ang baby nila noon.
“Mommy?”
Pinagmasdan ng bata ang mukha ng kanyang ina.
Kahit masakit para kay Yas ang pagkawala ng asawa, pinapalakas niya ang kanyang kalooban at hindi pinapakita ang pagiging mahina ang loob sa anak. Ngumiti si Yas at sinagot ang anak.
“Kahit wala man ang ama mo at hindi natin siya kasama, nasa puso naman natin siya. “
Tumulo ang isang luha mula sa mata ni Yas na hindi niya namalayan na nakita ni Aya. Inangat ni Aya ang kanyang kamay at pinunasan ang pisngi ng ina niya. Napatitig si Yas sa kanyang anak at napangiti. Nawala man si Arthur, nariyan naman si Aya para samahan siya.
Niyakap ni Aya ang kanyang ina.
“I love you mommy!”
“I love you anak!”
Kinabukasan, pumunta na ng paaralan sina Aya at Lenard kasama si Lin na isa sa mga preschool teacher sa paaralan na pinapasukan ng dalawa. Nasa preschool ang dalawang bata at magkaklase sila.
Habang hindi pa nagsisimula ang klase, nasa playground pa ang mga bata para maglaro. Masayang naglalaro ng bola sina Aya at Lenard. Naglalaro sila ng basketball. Ang ibang bata ay nasa swing, seesaw at naghahabulan.
May dumating na isang magarang kotse at isang van. Pagkaparada sa harapan ng gusali ng paaralan, lumabas ang isang mayamang matanda na may hawak na tungkod at kasama niya ang isang batang lalaki na kasing – edad nila Aya. Sumunod din ang mga kasamahan nito. Pumunta sila agad sa opisina ng punong – guro.
Napahinto ang bata nang mapansin ang paglalaro ng mga bata sa playground.
“Aya, punta muna ako sa CR! Iihi muna ako,”paalam ni Lenard sa kaibigan. Tumakbo ito agad dahil di na niya mapigilan.
“Ok!” Sagot ni Aya na hawak hawak ang bola nila.
Hindi sumunod ang batang lalaki sa lolo niya bagkos ay pumunta siya sa playground. Pinagmasdan niya ang mga batang naglalaro roon.
Hanggang, may nagsalita. “ Salo!”
Nagulat ang bata pero nasalo naman niya ang inihagis na bola sa kanya. Tinitigan naman niya ang bolang nasalo.
“Ang galing! Ihagis mo sa akin!” Utos ng isang boses babae.
Umangat ang tingin ng batang lalaki at nakita ang isang batang babae na nakatayo.
“Dali! Ihagis mo na!” Utos ni Aya na siyang humagis sa bola.
“Pa – paano ba?” Sagot ng bata.
“Huh?” Reaction ni Aya.
Ito ang unang beses na makahawak ng bola ang batang lalaki. Natatakot siya sa gagawin niya at sa utak ay di niya kaya.
“Iangat mo lang ang kamay mo tapos bitawan mo ang bola!” Tugon ni Aya.
Ginawa ng bata ang sinabi ni Aya pero hanggang pagbitiw lang ito at sa may paanan lang niya napunta.
“Naku! Itapon mo sa akin! Huwag sa paanan mo!”
Napaka – inosente ng mukha ng batang lalaki at hindi alam ang gagawin. Nakatayo lang ito roon at dinampot ang bola na nasa paanan niya.
“Try mo ihagis ulit!”
Inangat uli niya ang kamay na may hawak ng bola at inihagis niya ito pero hindi umabot kay Aya. Pero kahit ganoon, naging masaya si Aya na nagawa ng bata.
“Yehey! Nagawa mo!”
Napatitig ang batang lalaki kay Aya. Hindi napigilan ni Aya na mapatalon sa tuwa. Pinagmasdan niya si Aya na tumatalon talon at di na niya namalayan na napangiti na siya.
Dumating si Lenard at nilapitan si Aya.
“Anong nangyari?” Usisa ni Lenard.
“Nagawa niya! Nagawa niya!” Paulit – ulit niyang sabi sa kaibigan.
Napalingon si Lenard at tiningnan ang batang lalaki na nakasalubong ang kilay. Napalitan naman ng seryosong expression ang mukha ng batang lalaki.
Ilang minuto lang ay tumunog na ang bell. Hudyat ito na magsisimula na ang klase. Nagsitakbuhan na ang mga bata papasok sa kabilang gusali. Hinawakan naman agad ni Lenard ang kamay ni Aya at hinila na ito. Bago umalis si Aya ay nagpaalam pa ito.
“Bye Bye!”
Tumakbo na rin ang dalawa papasok sa gusali. Sinundan naman ng tingin ng batang lalaki sina Aya at Lenard.
“Nathan!” Tawag ng matanda na nasa likuran ng bata.
Lumingon ang batang lalaki sa tumawag sa kanya.

“Halika na!”

“Opo lolo!” Sagot ng batang lalaki.

--------
Nalulugi na ang kompanya na pinagtratrabahuan ni Yasmin na isang advertising company. Maliit lang itong kompanya sa kanilang lugar. Kaya naisipan ng dating amo nila na ibenta ito at may bumili naman na pananatilihin pa rin ang pangalan ng kompanya. Isa rin sa napagkasunduan na walang tatanggalin na mga empleyado at ang magpapatakbo ay ang dating may – ari na magiging manager ng kompanya.

“Salamat naman na pumayag ang bagong may – ari na manatili pa tayo rito.” Wika ni Trixie.

“Oo nga!” Tugon ni Sandy.

Habang nag – uusap sila, nakikinig lamang si Yas sa kanila. Nagiging curious ang lahat kung sino ang bagong may – ari ng kompanya. One of these days, ipapakilala raw sa kanila.

“Sabi nila, gwapo raw!” Kinikilig na sambit ni Jetty.
Nag – react naman si Aiden. “ May asawa na kaya huwag ka ng mangarap!”

“Aie! Ganon ba!” Tugon ni Jetty.

Nagsalita rin ang isa nilang kasamahan na si Gray, “ Oo, may anak na nga! Nakilala namin siya noon.”

“Anong name niya?” Usisa ni Sandy.

“Uhm… teka… nagsisimula sa letter L yata iyon!... hmmm.. Le… uhmm.. “Napapakamot ng ulo si Gray habang inaalala ang pangalan ng kanilang bagong amo.

Napakaseryoso ng lahat nang inaabangan nila si Gray na banggitin ang pangalan. Natawa si Gray na di niya maalala. Pero dumating ang dati nilang amo na naging manager na ngayon na si sir Mateo.

“Ang pangalan niya ay Leam. Siya si sir Leam!”

------
Familiar!? Abangan ang susunod.

------Familiar!? Abangan ang susunod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon