Chapter 55.4

336 14 1
                                        


Naglaro ng mag-isa si Aya ng bola. Sinisipa sipa niya ito na parang soccer. Si Lenard naman ay nanatiling nakadapa sa mat para magdrawing. Pasulyap -sulyap lang ito kay Aya na naaaliw sa kaibigan. Masaya naman si Aya sa ginagawa nito. Hanggang napalakas ang sipa ni Aya ng bola at napunta ito sa malapit sa lalaking nakaitim na nakatayo. May nakaitim na dalawang lalaking nakatayo sa may bola ni Aya. Pagkakita nito sa dalawa ay bigla siyang nanginig sa takot dahil naalala niya ang mga taong muntik na siyang kidnapin. Nagdalawang isip siya na lapitan ang bola na may isang metro lamang ang layo sa mga lalaki. "Naku naman.. anong gagawin ko?" Tanong ni Aya sa sarili. Hindi tumigil ang panginginig niya habang pinagmamasdan ang mga seryoso nitong mikha na may sunglasses. Hanggang nakita niya ang isang lalaking naka-wheelchair na natatakpan ng dalawang nakatayo. Pinagmasdan niya ang lalaki sa kinatatayuan niya. Naka-sideview ang lalaki pero parang pamilyar ang mukha. Tinitigan niya ito at inalala kung saan niya ito nakita. Lumingon ang lalaki sa mga kasamahan kaya nakita ng buo ni Aya ang mukha ng lalaking naka-wheelchair. "Daddy?" Sambit nito. Napansin ni Lenard ang pagtigil ni Aya at mukhang nakatingin sa tatlong lalaki na di kalayuan. "Tara na sir! Bumalik na tayo." Ani ng isa sa lalaking nakaitim. "Sige.." sagot ni Arthur.Pumunta ang isang lalaki sa likuran at itinulak ang wheelchair nito. Napatalikod na sila kay Aya. "Daddy? Si Daddy.."Naalala ni Aya ang mukha ng daddy niya na nakikita nito sa mga larawan. "Si Daddy iyon.." Tumulo ang kanyang luha habang pinagmamasdan ang pag-alis nila sa lugar. Sumakay na rin sila sa kanilang sasakyan."Daddy!" Sigaw ni Aya. Hindi na niya napigilan ang sarili at hinabol niya ang kotse kahit malayo na ito. "Daddy!" Humagolgol ng iyak si Aya habang tawag nito ang ama. Tumakbo si Aya sa abot ng kanynag makakaya at sinundan ang kotse pero mabilis ito kaya hindi na niya naabutan. "Daddy..daddy ko.." Hindi na tumigil sa pag-iiyak si Aya hanggang nakauwi na sila. Nag-aalala na tuloy si Lin kung anong nangyari kay Aya at ayaw nitong huminto sa pag-iyak. "Ano bang nangyari Lenard? Bakit umiiyak si Aya?" usisa ni Lin sa anak."Naglalaro lang naman si Aya tapos pinagmasdan niya ang tatlong lalaki sa malayo. Iyon, paglingon ko wala na siya sa kinatatayuan niya. Bumalik siya na umiiyak na.." paliwanag ni Lenard. "Naku naman. Hindi mo kasi binantayan si Aya!" Sermon ni Lin sa anak."Sorry po. Nalingat lang po ako.."Dumating na rin sa wakas si Yasmin sa bahay. Hindi mapakali si Yas at alalang alala sa anak."Anong nangyari Lin? Ano iyong sinabi mo na di humihinto sa pag-iyak si Aya?" Natatarantang tanong ni Yasmin sa kaibigan."Kanina pa siya umiiyak mula pa sa park kanina. Nakauwi nalang kami, ganoon pa rin." Paliwanag ni Lin.Agad na pinuntahan ni Yas si Aya sa kwarto. Nasa kama si Aya at yakap yakap ang maliit na teddy bear na nakayuko. Patuloy parin sa pag-iiyak ang bata. Sa may gilid nito ay ang frame na naroon ang daddy niya kasama si Yasmin. "Aya!"Nang narinig ni Aya ang boses ng ina ay napaangat ang kanyang ulo. Namamaga na ang mga mata nito dahil sa kaiiyak."Mommy.."Nilapitan niya si Aya at umupo sa kama. Niyakap niya agad ang anak."Anong nangyari Aya? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ni Yasmin."Mommy, nakita ko si daddy.." direktang sagot ni Aya.Nagulat si Yas sa sinabi ni Aya. Pinaharap niya si Aya sa kanya. "Huh? Anong ibig mong sabihin?""Nakita ng dalawang mata ko. Si daddy iyon.. ""Ang daddy mo? Saan?""Sa park kanina. Siya iyon mommy! Sure po ako!" Giit ni Aya. "Buhay si daddy! Babalik siya!" Hindi alam ni Yasmin ang kanyang isasagot sa anak. Naguguluhan siya sa mga oras na iyon. Gusto niyang maniwala pero natatakot siyang masaktan sa paniniwalang babalik si Arthur na buhay. "Anak...""Mommy, gusto ko makita si daddy. Gusto ko siyang yakapin at sabihing mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko kayo. Aalagaan ko kayong dalawa." Naiyak si Yas sa mga sinabi ni Aya. Siya ang nagbibigay lakas sa kanya sa hamon ng buhay. Masaya siyang nakikita si Aya. Masaya si Yas na si Aya ang kanilang anak. Niyakap ng mahigpit ni Yas si Aya. Di na niya napigilan ang kanyang luha na dumaloy sa kanyang pisngi."Mahal na mahal kita anak.." Tumahan na si Aya at agad itong nakatulog sa bisig ng ina. ---------Nasa kwarto na si Arthur at nakaupo sa kama nito. Nasa bahay siya ng tita Grace niya, isang mansyon sa lugar. Medyo mukhang haunted dahil sa itsura sa labas dahil sa mga halaman at antigong gamit at statue. Malapit lapit lang ito sa bahay ni Yasmin. Hindi nga lang nila nadadaanan dahil nasa kabilang daan ito. Pinuntahan ng isang detective si Arthur na nakasuot lamang ng ordinaryong damit. Ang akala nila ay isang manghihilot. Pinatuloy nila agad ito sa bahat at sa kwarto ni Arthur. Habang minamasahe ang paa ni Arthur, na alam nitong gawin, nag-uusap sila ng palihim."Kumusta ang pinaggagawa ko sa iyo?" Mahinang tanong ni Arthur."Malapit na po sir. Inaasikaso ko na." Sagot ni Mr. Detective. "Good! Sana mapadali ang lahat." "Yes sir!"Nagpatuloy ang pag-uusap nila sa mga bagay na palihim na ginagawa ni Arthur. Sa mga oras na iyon ay hindi pa nagdududa si Tita Grace sa manghihilot. Magaling din itong manghihilot kaya nakapagbalat kayo talaga ito. Paminsan ay minamasahe pa nito ang mga katiwala o kahit si Madam Grace din. "Mauna na po ako sir.""Sige, mag-ingat ka.""By the way sir, may ibibigay ako sa iyo.." "Ano iyon?" Inabot ng manghihilot ang isang larawan. Tinanggap naman ni Arthur at napaluha ito ng makita ang larawan ng mag-ina niya. "Siya po ang anak ninyo. Si Hyacinth!" Nasa larawan si Yasmin na yakap ang anak na si Aya. Pareho itong nakangiti."Napakasaya nila rito.." ani ni Arthur na pinipigilan ang mga luha hanggang masipon nalang. "Ang ganda ng anak mo sir..""Syempre, mana sa mommy at sa akin!" Pagmamayabang nito.Napangiti ang manghihilot sa mapagkumbabang sabi ni Arthur. Iniwan na nito ang boss para makapag-emo saglit ito. "Ang laki mo na baby. Mahal na mahal ko kayo ni mommy.." sabi ni Arthur habang hawak ang litrato. Napatingin din siya sa kanyang paa at bumakas ang lungkot sa kanyang mukha. -------

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon