Mag aalas sais na ng gabi. Naiinip na ang lolo ni Arthur sa kahihintay sa dalawa. Nagsiratingan na ang mga bisita, mga kaibigan, mga kanegosyo at iba pa sa bulwagan. Nakakamangha ang naging dekorasyon ng bulwagan. Napakaelegante nito dahil sa mga kumikinang mga palamuti.
Napapa wow talaga ang pumapasok. Ang iba ay nagpapapicture na rin sa lugar.
"Happy birthday!" Bati nila sa matanda.
Kinamayan nila ang matanda sabay bati rito.
"Happy birthday!!"
"Happy birthday!!"
Binigyan nila ng regalo ang matanda nang lumapit sila sa kanya.
"Happy birthday!!"
"Thank you!"
Pero hindi maalis sa matanda na mapasulyap sa pinto kung dumating na ba ang hinihintay niya.
Lumapit ang mga kaibigan ng matanda sa kanya na mga Pilipino rin.
"Happy birthday!" bati ng isang matandang lalaki na kaibigan niya.
"Salamat!"
"Long time no see.. anong bago!?"
"May ipapakilala ako sa inyo.."
"Talaga? Sino?"
Napatanong rin amg isa, " Nasaan ba ang apo mo na si Arthur? Darating ba siya? May iaalok sana ako sa kanya na negosyo.."
"Siya ang hinihintay ko.."
Naiinip na yata ang matanda.
Hindi pa rin nagsisimula ang party. Tuloy ang paghihintay niya. Darating kaya sila?
Lumapit si Tita Nancy.
"Hindi pa ba tayo magsisimula?"
"Mamaya na! Kailangan narito sila. Tawagan mo kaya?"
"Sige po.."
Napansin ng kaibigan ng matanda ang kasabikan nito.
"Anong meron?"
Ngumiti lamang ang matanda sa kanila.
Tinawagan ni Tita Nancy si Arthur but unfortunately ay hindi niya ulit macontact. Nasa tabi niya si Leo na wala rin kaalam alam kung nasaan tumutuloy ang dalawa.
"Haist, bakit hindi na naman siya macontact? Nasaan ba siya?" naiinip na reaction ni Tita Nancy.
Pabulong naman na nagreact si Leo, "heto na naman kami..ano kaya ang nangyari sa dalawa?"
________
Pinunasan ni Yasmin ang mukha niya.
"Huwag na tayong tumuloy!" wika ni Arthur.
Lumingon si Yasmin sa binata na nakasalubong ang kilay nito. "No!!"
Medyo nagulat si Arthur sa expression ni Yasmin at sagot.
"Pupunta tayo!!" seryosong sabi ni Yasmin.
"Pero masama ang pakiramdam mo.."
"Ito na ang pagkakataon na makikilala ko ang lolo mo. Sasayangin pa ba natin to? Ayoko ng matulad sa dati at baka mas magalit pa siya. Ayaw mo bang magkasundo kayo at makipagkita sa kanya?"
"Inaalala ko ang kalagayan mo.."
"Huwag kang mag-alala, kaya ko naman. Medyo bumubuti na ang pakiramdam ko."
"Sure?"
"Basta pumunta tayo!" pilit ni Yasmin.
_____
"Haist! Anong silbi ng party na to kung wala sila!" Unti unti ng umiinit ang ulo ng matanda. Naiinip na siya at nawawalan na siya ng pasensya.
"pa, baka na -traffic lang."
Nasa isang silid sila Tita Nancy at ang matanda. Nakaupo ang matanda sa isang couch habang nakatayo si Tita Nancy na kinakausap ang ama nito. Iniwan nila ang mga bisita sa hall. Tumataas na yata ang pressure ng matanda. Malapit na siyang sasabog sa galit.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomansaNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...
