Nagkakasiyahan ang lahat sa kaarawan ng Punong barangay. May maraming pagkain na inihanda at may nagdonate rin. Nagkaroon rin ng laro para sa mga bata.
Habang nanonood sa laro at busy ang iba, lumapit ang punong barangay kay Xian, " Xian!"
Napalingon si Xian." Kumusta na ang inaanak ko!?" masayang bati ng ninong niya na ang punong barangay.
" Happy birthday ninong!" bati niya.
Katabi ni Xian si Yasmin at napansin rin siya ng ninong niya. " Ang ganda ng kasama mo! Asawa mo?"
" Mukha po ba?" napangiti si Xian.
Nagsalita si Yasmin, " happy birthday po sir..."" Ang galing mong pumili Xian, nagmana ka sa akin!" pabirong sabi ni ninong.
Natawa si Xian at mukhang gusto ang sinasabi ni ninong.
" Hindi po ako asawa ni Xian.. " paliwanag ni Yasmin.
" Hindi ba?" nabigla si Ninong.Bumulong si Xian sa tenga ni Ninong.. " Secret lang natin po ito.. Girlfriend ko po siya!"
Napangiti si Ninong at natuwa.
Si Yasmin naman ay hindi alam kung ano ang ibinulong ni Xian sa ninong niya. Na - curious tuloy siya.Bumulong ang ninong niya sa kanya," huwag mo ng pakawalan ang magandang babaeng yan.."
Napangiti si Xian.Ilang minuto ang nakakaraan
Emcee: " Ngayon, palalaruin natin ang mga matatanda.. Maglalaro tayo ng tomato dance. Sasayaw kayo habang may kamatis sa noo ninyong dalawa ng kapareha ninyo at dapat hindi ito mahuhulog."" Sali tayo," yaya ni Xian kay Yasmin.
" huh?"
Hinila niya ang kamay ng dalaga at pumunta sila sa gitna. Binigyan sila ng isang kamatis.Nagcheer ang mga bata kina Yasmin. " Go kuya Xian at Ate Yasmin!!"
Napangiti si Tita Zita habang nanonood sa kanila.
Nagmusic at inilagay nila Xian at Yasmin ang isang kamatis sa noo nila. Iniingatan nilang hindi mahulog ang kamatis. Napakalapit ng kanilang mga mukha. Nakatitig sa mga mata ang bawat isa.
They were holding each others hand while dancing.Tita Zita's pov
Napakaganda nilang pagmasdan. Ang ngiti nila na abot sa tenga at nagkikislapan na mga mata. Nakatitig sa bawat isa. Masaya akong nakita na ni Xian ang babaeng talagang magpapasaya sa kanya at sana tuloy- tuloy na ito. Sana maayos na ang lahat. Sa pagbalik nila sa realidad na buhay, sana sila pa rin. Magpakatatag kayo at huwag kayong susuko. Ipaglaban ninyo ang inyong pagmamahalan." sayang! Hindi kayo nanalo!" malungkot na sabi ni Lolita.
" Okay lang iyon. Huwag na kayong malungkot," sabi ni Yasmin na pinapagaan ang loob ng mga bata.Natanggal sila Xian sa laro dahil hindi sinasadyang nahulog ang kamatis na nasa noo nito. At kung bakit? Nakalimutan ni Xian na may Kamatis pala at dahil sa kakatitig sa labi ni Yasmin ay hahalikan na niya sana.. but unfortunately hindi natuloy sa biglaang pagkahulog nito.
"I really smell fishy sa alaga ko at kay Yasmin," nakatingin ito kina Yasmin at Xian na nasa mga bata.
Lumapit naman si Tikoy at sumambat," what kind of fishy ate?"Napalingon siya kay Tikoy na nasa gilid niya.
" tikoy?"" Yun bang naghahalikan ng napakatamis na mapapalaway ka habang nanonood.. At tsaka hinihimas ang napakagandang legs na kagaya ni ate Yasmin, " nagpatuloy siya sa pagsasalita.
" huh?" naguguluhan si Dorara. " what do you mean?"
" Alam mo.ate.." then bumulong siya kay Dorara.
" WHAT!?" nabigla siya sa kanyamg nalaman. " Really!?"
----------
Nag- iinuman sila Manong at Tito ni Xian ng beer kasama ang celebrant at iba pang dalawang lalaki. Niyaya nila si Xian na mag - inuman.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomansaNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...