Chapter 4.4

1.3K 23 0
                                    


  Pagkabukas ng pinto ni Yasmin, laking gulat niyang makita si Marga na nakatayo sa labas.
Ang ngiti ni Marga ay napalitan. Hindi niya inaasahang makita si Yasmin roon. Akala niya na si Xian ang bubukas ng pinto. Nang makita si Yasmin, tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo.

" Marga?"

" Anong..." hindi makapaniwala si Marga sa kanyang nakita.
Bigla niyang sinampal ng malakas si Yasmin. Nagulat si Yasmin sa hindi inaasahang gagawin ni Marga.
Napahawak sa kanyang pisngi si Yasmin at tiningnan si Marga na para bang sasabog sa galit.

" Anong ibig sabihin nito!!!??" sigaw ni Marga sa kanya.
" Mali ang iniisip mo!" umiiyak na sabi ni Yasmin. Nagpapaliwanag siya.
Sinampal sa kabilang bahagi ni Marga si Yasmin at naitulak pa ito.

Napaiyak si Yasmin.
" Anong ibig sabihin nito? Bakit mo suot ang mga damit ni Xian?" tanong ni Marga na may halong galit.

Lumabas sa kwarto si Xian dahil sa narinig na mga ingay. Nakita niya na sinasampal ni Marga si Yasmin. Tumakbo siya patungo sa kanila at inawat si Marga.
" Marga tama na! "
Hinarap naman ni Marga si Xian, " Kinakampihan mo siya? May relasyon ba kayo? Sabihin mo?"
" Mali ang iniisip mo! Wala kaming relasyon!!" sagot na napakaseryoso ni Xian.
" Eh bakit niya suot ang damit mo!?" tanong na pasigaw ni Marga. Paulit ulit ang mga sinasabi ni Marga at hindi siya naniniwala sa paliwanag ni Xian.

" haist! halika nga, mag - usap nga tayo!" hinawakan ni Xian ang kamay ni Marga at pumunta sila sa kwarto. Medyo napipikon na rin si Xian.

Umiiyak si Yasmin. Tiningnan niya sila habang papunta ng kwarto. Pagkatapos, isinara nila ito.
Umupo siya sa sofa na patuloy pa rin sa pag - iiyak. Naririnig niya sila na nagtatalo sa loob.

" tinulungan ko lang si Yasmin! Pinahiram ko siya ng damit dahil basang - basa siya."
" Bakit siya narito?"
" Di ba sabi ko nga, tinulungan ko siya. Ayaw niyang umuwi pa at gusto niyang magcelebrate ng birthday niya."

Napatigil si Marga sa pagsasalita. Birthday?

Sinusuyo ni Xian si Marga. " Huwag ka ng magalit babe."
Xian hug her from the back. " Sorry na.. Huwag ka ng magalit."
Hard to get naman si Marga. " hmmp"

" ngingiti na yan," pabirong sabi niya.
" hmmp"

" Sige babe, just tell me what should I do to make you happy? Gagawin ko 'yun para mawala ang galit mo."

" sige nga!"
Humarap si Marga at seryosong sinabi na, " Make love wtih me now!"

Nagulat si Xian sa kanyang narinig.

Napatingin naman si Yasmin sa may pinto ng kwarto kung saan naroon sila.
"huh?" reaction ni Xian.

" dare or not?" tanong na hamon para kay Xian.

"okay, dare!" sagot ni Xian na malakas ang loob.

Napatayo si Yasmin sa kinauupuan. " Kailangan ko ng umalis." bulong niya sa sarili.
Kinuha niya ang maliit na paper bag na bigay ni Xian kanina. Ayaw na niyang may marinig pa siyang hindi maganda na magpapasakit lang ng puso niya.
Dahan dahan siyang pumunta sa may pinto at umalis na nang tuluyan sa condo.

Naglalakad si Yasmin sa kalye. May malungkot na mukha siya at yakap yakap niya ang paper bag.
Tumigil na ang ulan at ang mga ilaw ng sodium lights ang nagpapaliwanag sa daan. May nakakasalubong siya at minsan ay nababangga niya ito.
" Sorry.."

Napatigil si Yasmin. Tiningnan niya ang loob ng paper bag na regalo ni Xian.

Nabigla siya.

Isa itong makulay na malaking pabilog na lollipop.
" huh?"
May naalala tuloy si Yasmin noong anim na taong gulang pa siya.

Flashback
" Ma, may batang babae po bang nakatira sa bagong kapitbahay natin?" tanong ng batang lalaki.
" Oo anak, may anak sila na babae na kasing edad mo, " sagot ng ina niya.
" Pwede po ba nating bisitahin at pwede po bang makipaglaro sa kanya?" tanong ng bata.
" syempre naman."

Pinuntahan nila ang bago nilang kapitbahay na may dalang adobong manok.

Tok tok tok.
Binuksan ng ina. Nakikipag - usap ang kanilang mga ina.

" Gusto ko pong makipaglaro sa inyong anak. Pwede po ba?" tanong ng batang lalaki.
" sige at pupuntahan ko ang aking anak,."

Pinuntahan niya ang kanyang anak na babae na nasa kanyang kwarto.
"Yasmin, may gustong makipagkaibigan sa ' yo. Halika, makipaglaro ka sa kanya. Kapitbahay natin sila." paliwanag ng ina.

" Ayoko po!" sagot ni Yasmin.

Bumalik ang ina ni Yasmin na malungkot, " Pasensya na hijo, ayaw munang makipaglaro ang anak ko. Sasusunod na lang."

Malungkot na umalis ang batang lalaki at ang ina nito.
" Xian, huwag ka ng malungkot. May susunod pa." sabi ng ina niya.

Sa bintana, tanaw ni Yasmin na paalis ang batang lalaki na si Xian. Si Yasmin ay palaging nasa kwarto niya dahil nahihiya siyang lumabas.
Palaging nagpapalipad ng eroplanong papel patungo sa bintana ni Yasmin. Minsan nakakaabot ito, minsan ang iba ay nahuhulog rin.

Pagkalipas ng ilang araw, kaarawan ni Yasmin.

" Auntie, pakibigay po ito kay Yasmin. Paki sabi po, happy birthday!!" masayang bati ni Xian.

Natanggap ni Yasmin ang munting regalo ni Xian. Isa itong lollipop na malaki na may iba't ibang kulay at pabilog ito. At nay liham ito na," hindi ko man makita ang iyong mga ngiti, sana ay napangiti ka sa munti kong regalo."

Ang araw rin yun, lumipat na ng bahay sila Xian.
Hindi man lang nagkita ang dalawa. Hindi man lang nakapagpasalamat si Yasmin sa batang lalaki.
" Ano po bang pangalan ng bata po mama?

" hmmmm... Teka.. "
Inalala ng ina nito.

Naalala na ni Yasmin ang sinabi ng kanyang ina kung ano ang pangalan.

" Xian!"

Napatakip bibig nalang siya at napaluha.

To be continued.
Drop your reactions! Tnx.  

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon