Chapter 10.6

1K 21 1
                                    

Bubunot na si Yasmin.
Hmmm..
Ano kaya?
Kinakabahan sila...
Sari -sari na ang nasa isip ng lahat pati sina Xian at Yasmin ay kung anu-ano na ang nasa isip.

Bumunot na siya!
Excited ang lahat.

Ano kaya!?

Pagbukas niya sa papel na naka-roll ay..

"Noo"

Toinks! Mukhang gumuho ang mukha ng dalawa.. Ano ba ang iniexpect nila..

" Yehey!!" tuwang tuwa si Helen. " Tama ako!"
Natuwa rin ang mga lalaki noong nalaman nila kung saan pati ang mga may gusto kay Xian. Pero may nalungkot rin na umaasa at kinikilig sa dalawa.

"Sigh." napabuntong - hininga si Yasmin pati na rin si Xian.

Emcee: " Sayang at sa noo lang mapupunta ang mga halik ni Yasmin. Pero okay lang, that's life.. Minsan ang gusto mo ay hindi mo talaga makukuha kung hindi ito para sa iyo!!"

Binigyan ng upuan si Xian at umupo ito roon. Tumayo naman  si Yasmin sa harap ni Xian.

Emcee: " Okay.. Timer starts now.. 5 minutes.!!"

Hinawakan ni Yasmin ng dalawang kamay niya ang ulo ni Xian. Lumapit ang mukha niya sa ulo ni Xian. Dahan dahan siyang nagbend at yumuko para mahalikan ang noo ng binata. Hanggang, dumampi ang labi ni Yasmin sa noo ni Xian. Pumikit ang mga mata ng dalaga habang nananatili ang labi nito sa noo ng binata.

Omg!
Nakadilat naman ang mata ni Xian at harap niya ay... nice view ng dibdib ni Yasmin. Nahiya tuloy siya at napapikit nalang.

Nagvivideo ang iba habang ginagawa nila ang challenge.
Wheew!

Natapos na rin ang limang minuto. Nagpalakpakan silang lahat. Ang mga nanonood ay natuwa at na enjoy.

Emcee: " Okay, next game na tayo!!"

Umalis agad si Yasmin sa gitna at pumunta ng ladies room.

Sinundan nang tingin ni Xian si Yasmin nang umalis na ito.

At the ladies room

Mag - isa si Yasmin sa ladies room.
Nakaharap sa malaking salamin si Yasmin. Sinampal ni Yasmin ang sarili ng hindi naman gaanong masakit. Para lang matauhan siya at magising sa pagpapantasiya.

" Ano ba Yasmin!! Ano ba ang iniisip mo!" kinakausap ni Yasmin ang sarili.
Napabuntong hininga na lamang siya. Sigh!

Naka pout ang lips ni Yasmin na halatang naghihinayang. Teka, bakit naman?
Namumula si Yasmin habang iniisip niya na maaring sa labi ang mabubunot niya. But unfortunately, minalas siya.
" Haist! Bakit ba ako naiinis?"
Naiiritang reaction ni Yasmin.. " I hate this feeling! Yasmin! Tama na!! Tama lang yun na hindi sa lips dahil baka makita pa ni Marga.. But .. "

Napatingin siya sa may kisame.. " but sana.. Sa lips nalang.." napangiti ito.
Bumalik ang tingin niya sa salamin.

" Xian.. Bakit ba ako in love sa iyo?"
Pulang pula na ang mukha nito.

Lumipas ang ilang minuto..
Nagkakatuwaan na sa loob ng hall dahil sa mga laro.

Lumabas na sa ladies room si Yasmin na mukhang malungkot. But laking gulat niya..

Nakatayo sa may harapan niya si Xian.
" Xian!!"

Nakatingin na napakaseryoso ni Xian sa kanya.

" Anong ginagawa mo rito sa harap ng ladies room?" nagtatakang tanong ni Yasmin.

" Syempre, hinihintay ka.. Ang tagal mong matapos at lumabas.." sagot niya

" huh?" nagulat si Yasmin sa sagot ni Xian.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon