Chapter 36.1

1.1K 23 4
                                    

Chapter 36.1
Nag-impake na nang gamit sina Yasmin at Arthur.
"Okay na ba ang mga gamit mo babe?" tanong ni Arthur na payakap sa asawa. Nagyayakapan ang dalawa habang nag-uusap.

"I'm ready.."

Aalis na sila at magtratravel para ipagpatuloy ang honeymoon nila sa ibang bansa. Napangiti si Arthur habang yakap ang asawa.

"I love you.." wika ni Yasmin.

"I love you more.." sagot ni Arthur. "Kahit saan lugar na gusto mo, pupuntahan natin. Lilibutin natin ang buong mundo.."

"Hindi ko kailangang libutin ang buong mundo.. ikaw ang mundo ko at si baby, nariyan ka lang ay sapat na para sa akin."

Mas napangiti si Arthur na abot sa tenga. "Ibibigay ko ang lahat para mapasaya kalang.."
Hinawakan ni Arthur ang pisngi ni Yas at sinimulang halikan. They kissed passionately.

--------
Samantala, nagising na rin si Mia. Bumangon siya sa pagkakahiga at tinakpan ang hubad na katawan ng kumot. Medyo nanghihina ito at kakaiba ang nararamdaman dahil sa ginawang milagro kagabi.
Napatingin si Mia kay Pete na may kausap sa cellphone. Nakatayo ito na nakatalikod sa kanya at nakasuot na ng magarang damit. Mukhang aalis na yata siya.

"Did you book my flight?" tanong ni Pete sa kausap.
Hindi maiwasang marinig ni Mia ang kanilang pag-uusap.

"That's good. Kailangan ko iyan as soon as possible.I don't have any business here."

Paglingon ni Pete ay nakita niyang nakatingin si Mia sa kanya. Nasa kama si Mia at nakaupo roon.

"Thanks!" Ibinababa na ni Pete ang cellphone. Nagkatinginan ang dalawa without any words from them. Ilang minuto ay hindi na pinansin ni Pete si Mia at pumunta na ito sa luggage niya at inaayos na ito.

"Aalis ka?" tanong ni Mia.

Nagsalita na rin si Pete, "By the way, you can go!" Hindi na ito humarap sa dalaga. Tumayo si Mia at nilapitan ang binata kahit na dala niya ang kumot na napakahaba.

"Anong ibig mong sabihin na you can go? Ganon na lang iyon? Sasabihin mo nalang na you can go?" Naaasar na reaction ni Mia.
Tumigil saglit si Pete at hinarap niya ang dalaga.

"Ano ba ang gusto mo?"

Nagkaharap silang dalawa. Nakataas noong hinarap ni Mia si Pete.

"Ang nangyari sa atin kagabi..."

"Anong tungkol doon?"

"Ginamit mo lang ba ako!?" Curious si Mia. Ang tanong na bumabagabag sa kanya.

"Tsk.. ano ba ang gusto mo?"

"Bakit may picture ka ni Yasmin? Iniisip mo ba na ako si Yasmin?"

Biglang hinawakan ni Pete ang magkabilang balikat ng dalaga.
"Alam mo naman na gusto ko si Yasmin, di ba? I like her."

"But may asawa na siya!" Sigaw ni Mia.

"Ganoon na nga. Kaya tinangka kong matikman siya.. Salamat sa iyo at nalaman ko kung nasaan sila ng asawa niya."

Nabigla si Mia sa kanyang nalaman. "Ano? May ginawa ka ba?"

"Pero, ano ang napala ko kahapon.. wala!"

"Kaya tinawagan mo ako para gamitin para sa sarili mong pagnanasa? Ganon?"

"Oo, tama ka!"

Nahulog bigla ang kumot na nakatakip sa katawan ni Mia kaya nakahubad na itong nasa harapan ni Pete. Pinagmasdan ni Pete ang katawan ni Mia mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo.

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon