Nasa isang bar si Marga kasama ang mga kaibigan niyang babae. Nagsasayawan sila na sumasabay sa mga tugtugin. Nagdidisco habang umiinom ng beer. May mga lalaki rin na kasama nila sa pagsasayaw. Pumapalibot ang mga ilaw na sumasabay sa tugtugin."Let's dance!!" sigaw ni Marga sabay taas sa isang bote ng beer. She was wearing a sleeveless dress and very short skirt. Napakasexy ng suot ni Marga sa mga oras na iyon. Mukhang lasing na ito n sumasayaw sa dance floor. Pasigaw sigaw habang umiinom sa bote.
-------------
"Kailangan lang niyang magpahinga.." sabi ng doctor. "Nahimatay siya dahil na rin sa pagbubuntis nito."
Nasa isang kwarto ng hotel sina Arthur at ang lolo niya kasama si Tita Nancy. Nakahiga naman si Yasmin sa kama na hindi pa nagkakamalay."Kumusta ang baby na dinadala niya?" tanong ng matanda na bakas ang pag-aalala.
Napatingin si Arthur sa lolo nito."Okay naman ang baby. Huwag kayong mag-alala."
"Maselan ba ang pagbubuntis niya?" tanong ni Tita Nancy.
"Hindi naman pero kailangan lang niya talaga ng pahinga at iwasan na mastress."
Lumapit si Arthur sa may kama at umupo sa upuan na nasa tabi nito. Nag-aalala sila pareho sa kalagayan ng dalaga.
"Mauna na po ako sir.." wika ng doctor.
"Ihahatid ko na po kayo," sabi ni Tita Nancy. Sinamahan ni Tita Nancy ang doctor paalis ng kwarto.Hindi mapakali at sobrang nag-aalala ng matanda sa dalaga.
Hinawakan ni Arthur ang kamay ni Yasmin at tinitigan niya ang mukha ng kanyang fiancee."Yasmin.."
Napaupo ang matanda sa isang couch sa may harapan ng kama. Mukhang gusto rin niyang bantayan si Yasmin habang nagpapahinga. Gusto niyang makitang gumising ang dalaga pagkatapos ng nangyarin nawalan siya ng malay.
Nagpatuloy ang party kahit wala sila roon. Medyo nag-aalala rin ang mga bisita at nag-uusap usap sila.
"Ano kayang nangyari?"
"Okay lang kaya siya?"
"Oh my.."
Hindi maalis sa isip nila kung bakit nahimatay ang dalaga.
"Bakit kaya siya nahimatay?"
"Naku naman.."
"Kumusta naman siya?"
Pumunta sa stage si Tita Nancy para ipaalam ang kalagayan ni Yasmin.
"Pasensya na po sa mga nangyari kanina. Paumanhin." humingi ng pasesnya ni Tita Nancy.
"Kumusta na siya?" sigaw ng isang bisita.
Sinagot siya ni Tita Nancy, "She's okay now. She will be okay kaya huwag na kayong mag-alala." paliwanag ni Tita Nancy.
"Ahh.."
"But you can still stay here if you want. Just enjoy the food and music."
Nagpatuloy ang pagtutugtog ng orchestra sa may gilid ng stage para ientertain ang mga tao.
Bumaba sa stage si Tita Nancy at sinalubong siya ng isa pang tita ni Arthur na kasama sa mesa ni Yasmin kanina.
"Lutha.." wika ni Tita Nancy na nakaharap si Tita Lutha. Nakataas ang kilay nito na humarap sa kanya.
"Bakit nahimatay ang babaeng iyon?"
Hindi sinagot ni Tita Nancy si Tita Lutha at binalewala niya ito. Umalis siya sa bulwagan pero sinundan siya nito.
"Nancy! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!!" pasigaw nitong sabi kay Tita Nancy.
Napatigil si Tita Nancy at hinarap si Tita Lutha."Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo. Nakita mo naman na nahimatay ang dalaga."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...