Chapter 51.3

762 19 5
                                    

Chapter 51.3
"Welcome back Arthur and Yasmin! Kumusta ang bakasyon?" Bati ng lolo nila na nakatayo sa may pinto kasama si Tita Nancy.
Nakaakbay sa balikat ni Yasmin si Arthur. Sinagot nito ang lolo niya.
"It's great even may mga nangyaring hindi inaasahan. Still naging maganda pa rin. Thanks for that trip lo!"

"Mabuti naman!"

Nagsalita rin si Yasmin. "Salamat po sa binigay ninyo lo. Talagang nag-enjoy kami lalo na first time ko po makapunta sa mga lugar na iyon."

"Masaya rin ako na nag-enjoy kayo. At least nakakapagrelax kayo," ani ng matanda.

"Magpahinga na kayo at siguradong pagod kayo sa inyong biyahe.." payo ni tita Nancy sa mag-asawa.
Nanatili ang mag-asawa sa mansion ng dalawang araw para magpahinga. Hindi muna pumasok si Arthur sa trabaho at sa bahay lang tumambay kasama si Yasmin. They spent the day sa mga recreational activities sa loob ng mansion.

Pagkagising sa umaga ay exercise ang ginagawa nila. Sabay silang nililibot ang buong hardin para mag walkathon. Mainam ito sa pagbubuntis ni Yasmin na makapaglakad sa umaga. Nakasuot ng sando at shorts si Arthur habang si Yasmin naman ay naka-tshirt at leggings. Ang kanilang suot na rubber shoes ay magkatulad ng brand at desenyo na angkop sa mga couple. Pagkatapos ng ilang oras na paglalakad, pumunta sila sa gym na nasa loob lang ng mansion. May iba't ibang equipments ang naroon. Habang nag-eexercise si Arthur na gamit ang isang treadmill, si Yasmin ay nakaupo at pinagmamasdan lang ang asawa. Hindi na niya pinilit ang sarili dahil baka mapagod pa siya at makasama sa pagbubuntis. Sapat na sa kanya ang ginawa nilang paglalakad.
Pinanood nalang niya ang asawang pinapawisan.
Dumating ang maid na si Sissy, bagong personal maid ni Yasmin na nasa mansion. May dala itong mga pagkain na inutos ni Yasmin na dalhin sa kanila. Ginutom kasi si Yasmin sa kanilang walkathon.

"Madam, narito na po ang mga pagkain." Ani ni Sissy. Inilapag niya ang mga pagkain sa mesa.

Tumayo si Yasmin sa kinauupuan para pumunta sa mesa pero habang naglalakad ay nakatingin lamang siya kay Arthur. Di niya maalis ang paningin nito sa nakakatakam na asawa. Basang basa na sa pawis si Arthur habang tumatakbo gamit ang treadmill. Kitang kita rin ang mga muscles niya.
Dahil sa kakatitig ni Yasmin ay natapilok nalang ito bigla.
"Ay palaka!"

Pero salamat ay nakahawak siya sa mesa kaya hindi ito tuluyang natumba.

"Madam!" Sigaw ni Sissy pagkakita kay Yas na muntik ng matumba.
Narinig iyon ni Arthur kaya napatigil siya. Lumingon ito sa kinaroroonan ni Yasmin.
"Anong nangyari?"

Umupo na si Yasmin ng dahan dahan sa silya at pinagmasdan ang asawang papunta sa kanya. Napakaseryoso ni Arthur at talagang nag-alala ito.

"Anong nangyari?" Ulit nitong tanong.

Sinagot naman siya ni Sissy. "Muntik na pong matumba si Madam.. natapilok po siya."

"Haist! Mag-ingat ka naman Babe!" Sermon ni Arthur. Lumuhod ito sa harapan ni Yasmin.

"Opo! Ikaw kasi!" Sagot ni Yasmin.

"Bakit kasalanan ko?"

"Ang gwapo mo kasi kaya nakatingin ako sa iyo.." ani nito na naka-pout lips.

Napangiti lang si Arthur sa sinabi ni Yas. Hinawakan nito ang paa ng asawa at inangat ang isa.
"May masakit ba?"

"Wala naman..okay lang ako!"

"Sure?"
Minasahe niya kaunti ang paang inangat.

"Ipagpatuloy mo na Hon ang ginagawa mo!" Utos ni Yasmin.

"Huh?"

"Try mo kayang gamitin iyon!" Mungkahi ni Yas sabay turo sa nakaharap na smith machine.

Napasingkit ang mga mata ni Arthur. Nagtataka siya sa mungkahi ni Yasmin.
"Bakit gusto mong gamitin ko ang smith machine?"

PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon