Iniabot ni Sam ang papel sa kanila. Bihira lang nagsasalita si Sam pero maaasahan ito pagdating sa research at angking katalinuhan.
"Ano ito?" tanong ni Jess.
Sabay tiningnan ng tatlo ang papel. Pinanood lang sila ni Mrs. Maddie. Sa papel ay naroon ang isang larawan at text.
Nanlaki ang kanilang mga mata. Napatakip ng bibig si Fatty.
"Omg!" reaction ni Jess.
"Totoo ba iyan!?" tanong ni Fatty.
"Gosh! Totoo nga!" ani ni Lin.
Napataas ang kilay ni Mrs. Maddie. "Ano ba ang nakasulat riyan? Bakit kayo nagulat?"
"Mabibigla ka talaga Mrs. Maddie!" Balita ni Jess at binigay nito ang papel. Tinanggap naman niya.
"Hmm..matingnan nga," taas noong tiningnan nito ang nakasulat sa papel.
At..
Napanganga si Mrs. Maddie sa kanyang nalaman. Hindi ito nakapagsalita. Para siyang nanigas at naging bato. Omg!
Tinanong ni Jess si Sam kung bakit niya alam.
"Sam, paano mo nalaman?"
Kinuwento ni Sam.
Flashback.
Nakita ni Sam na inilagay ni Leo ang bouquet sa mesa ni Yasmin. Nagtaka na ito kung bakit binigyan ng bulaklak ni Leo si Yas. Akala niya si Leo ang may gusto kay Ms. Yasmin. pero iba ang pakiramdam nito. Nagmasid pa siya at pinanood niyang nag-uusap sina Leo at boss. Narinig niya na kinukumusta ni Boss ang tungkol sa bouquet. She got curious.
Mas lalong nagpursige ito na malaman ang katotohanan. Niresearch niya sa internet pero mahirap kunin ang data nila. Mukhang pinagplanuhan na itago ang lahat ng personal data nila. But eventually, nalusutan ni Sam at may naungkat ito sa isang site tungkol sa kanilang dalawa.
Mag-asawa sina Yasmin and Arthur. They had civil wedding abroad. May anak sila pero namatay.
End of flashback.
"Mag-asawa pala sila.." napagtanto ni Jess. "Kaya pala super sweet nila. Napaka-caring ni Sir kay Yasmin."
"Nakita ko rin sila sa van, napakasweet. Parang lovers!"
"Hindi pala iyon panaginip na nakita ko silang naghahalikan sa balcony. Mag-asawa pala talaga sila!" dagdag ni Jess.
"Naalala ko, may naikwento si Mr. Leo tungkol sa kanila at tinawag siya nitong Madam!"kwento ni Lin.
"Tama! Diba natawag niya si Ms. Yasmin na madam! Remember? Pero iniba niya ito!" reaction ni Fatty.
Nagpatuloy sa pag-uusap ang tatlo at nanatiling nakatulala si Mrs. Maddie na hindi pa rin makapaniwala. Mukhang wala na siyang mukhang maiihaharap kay Yasminn sa pinagsasabi nito kanina.
Hindi maalis sa isip nila na bakit nilihim nila ang lahat.
"Bakit kaya nilihim nila?" Tanong ni Fatty.
"Nakapagtataka nga! Bakit kaya? Magkagalit ba sila.. pero hindi naman. Ano ba talaga!?" Naguguluhang sabi ni Jess.
"Siguro, may pinagdadaanan silang mag-asawa,"konklusiyon ni Lin.
"Siguro.. isa pa nawawala ang kwentas ni Ms. Yasmin."ani ni Fatty.
"Ang pagkakaalam ko, nasa kwentas ang wedding ring niya..kaya pala hinahanap niya sa kwarto ni boss!"
Napatayo si Mrs. Maddie at seryosong nagsabi, "Dapat makita ang kwentas! Tulungan natin siyang makita ang kwentas!"
Nagulat ang apat. Namangha sila sa sinabi nito.
--------------
Medyo naging okay na ang pakiramdam ni Yasmin. Habang nakaupo sa kama ay pinagmamasdan niya ang pocket size picture nila ni Arthur noong kasal. Malungkot ang kanyang mukha. She touch Arthur' s face on the picture using her index finger.
"Arthur.."
Pumasok na si Jess at agad tinago ni Yasmin ang picture sa ilalim ng unan. Napansin naman iyon ni Jess pero hindi niya pinahalata.
"Kumusta ka na? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Jess.
Napangiti si Yas at sinabing, "Okay na ako. Nakapagpahinga na ako kaya bumalik na ang lakas ko."
"Mabuti naman."
Napaupo si Jess sa kanyang upuan.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomansaNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...
