HINDI AKO TAO
Hi, Spookify! It would be a privilege on my part if this will be posted. I badly need answers.
2005. I was seven years old back then at nirerenovate yung rooms sa nilipatan naming condo kaya sa sala pa kami natutulog. I woke up at midnight and it was dark and cold. Initial reaction ng bata ay wag imulat masyado ang mata sa takot. Dahan dahan ko yun binuksan nang mapansin kong may paang nakatayo sa paanan ko. Paa din ng bata. Hindi ako makagalaw habang unti unti kong inaaninag ang katawan nya. Nakasuot sya ng violet na silk dress na pantulog. Tulad ng suot ko. Pero yung ribbon nya sa dibdib, nakatali. Sa akin at hindi na dahilan sa pagkakatulog. Mahaba ang buhok nya na medyo chubby at may bangs na gaya ni Dora. Nilagpasan nya ang paa ko nang diretso lang ang tingin.
Akala ko tapos na. Pero nagulat ako sa sumunod na nangyari.
May isa pang pares ng paa ang dadaan sa paanan ko. Batang lalaki na nakaslacks ng itim at barong tagalog. Halos magkasintangkad lang sila ng nauna.
Pagkatapos ng insidenteng yon, madalas magkasakit si mama. Nandon sa bahay yung Tita ko kasama ang asawa nya na galing sa pamilya ng mga albularyo (laking probinsya ang pamilya nila daddy). Alas sais ng hapon ng lumabas ako sa kwarto at patakbong lalapitan si mama nang bigla akong hatakin. Sabi ni Tita wag daw muna ko lumapit. Nakikita kong may binubulong si Tito sa ulo ni mama. Tapos tinitigan ko sila at napansin kong may nagtatakbuhang dalawang bata paikot-ikot sa kanilang dalawa. Yung mga batang nakita ko nung isang gabi. Tinuro ko sa Tita ko. ""Tita, bat sila pwedeng lumapit kila mama? Bat ako hindi."" At dun sila napatingin sakin lahat.
Dun ko nalaman ang earth-bound spirits na ipinaliwanag sakin ni Tito.
Nalaman ko din kay mama na bigla bigla na lang daw akong nawawala nung sanggol palang ako. Natatagpuan daw nila ko sa ilalim ng lamesa na may kausap kahit di naman nila naiintindihan ang pinagsasabi ko. At mag isa lang naman daw ako non. Napagpasyahan tuloy nilang umalis kami ng Taguig at sa Fairview tumira.
College na ko ngayon sa sintang paaralan. Hindi na kami sa condo nakatira kung saan kami lumipat matapos umalis ng Fairview. Sa Calabarzon na kaya nagdodorm ako sa loob ng school.
Dumalaw kami nito lang May sa Fairview dahil namatay yung kapitbahay namin na syang pinag iiwanan samin nila mama pag papasok na sila sa trabaho. Sila na halos ang pangalawa naming pamilya/magulang. Lumapit ako sa kabaong ni Papa pero hindi ko nakita ang presensya ng kaluluwa nya doon bagkus ay nandon sya sa may pintuan ng CR. Oo, nakikita ko ang mga kaluluwa ng patay ilang oras bago sila tuluyang ihatid sa sementeryo.
College na ko nang matuklasan ko to nang mamatay ang Lola ko na sobrang close samin.
Akala ko yun na ang pinakamataas na kakayahan ko. Hindi pala. September/October non at magkakaron ng fun run ang university namin. Dahil first yr. kami non, mas okay na sabay sabay kaming pumunta at nagkanya kanyang overnight. Kung hindi dahil sa kaklase ko, hindi ko malalaman yung isang bagay na kaya kong gawin. Ang makita ang lugar at mga kaluluwa na nandon kahit sa tanang buhay ko at di ko pa naman iyon nakikita o napupuntahan. Nakapikit kong dinescribe sa blockmate ko yung lugar at mga kaluluwa. Tapos pagmulat ko, gulat yung itsura nya at agad na kinuha ang laptop nya para ipakita sakin ang ilang pictures. Isang building sa school nya ang naidescribe ko ng tama kasama ng mga madreng multo na nandon. Ultimo tangke ng tubig alam ko ang kinalalagyan.
Ngayon, maraming kababalaghan pa ang nangyayari sakin lalo sa dorm at kaya na nila kong hawakan pati ang mga tao sa paligid ko. Kung dati ay wala lang sakin yon, ngayon kinakabahan na ko.
Dahil nandito na naman ako sa Taguig. Kaharap ang salamin at nakikita ko sya. Ang babaeng nakakapit sa kisame sa taas ng aking ulunan. Ang sama ng tingin nya sakin.
Girl with two demons
📜Spookify
▪︎2015▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.