Lumang Bahay

24 1 0
                                    

Lumang Bahay

Fr Manila, no choice kaming manirahan ng probinsya kase dahil pareho kaming nawalan ng hanapbuhay mag asawa, naisanla ang bahay sa manila hanggang sa need na ibenta para lang mabayaran sa pagkakasanla at the same time magkapera pang simula.
Pag dating nmin ng probinsya halos araw araw umiiyak ako sa gabi. Naiisip ko paano na kami? paano na ang mga bata?
Dahil wala kaming ibang mapupuntahan ,dito kami napadpad sa lumang bahay ng Lola ng Mister ko.
Malayo sa mga kabahayan, halos puro punong kahoy ang matatanaw mo. Lalo na kapag maulan,cguro kahit magsisigaw ka ng magsisigaw, walang ibang tao na makakarinig sayo..nasa kaloob-looban kase at nasa gitna ng kakahuyan ang pwesto ng bahay.. gustuhin man nmin ipaayos ang bahay bago tirhan .wala din nman kaming budget.kahit anong linis mo un kulay ng paligid maruming tignan.
Dito namin naranasan yun sa gabi may sumisitsit labas ng bahay. May nanggagaya ng itsura, minsan nag bakasyon ang parents ko .naaaliw un father ko na pagmasdan sa labas un mga bituin kase subrang dilim kita mo talaga un dami at ganda ng mga bituin.pero ng mag sawa na sya at papasok na sya ng bahay . Wala na un bahay..puro puno na ang paligid. Naiba na raw ang itsura ng paligid. Naupo na lang daw sya habang tumatawag sa amin. Hanggang makita sya ng anak kong bunso at tinawag ang lolo nya ,bakit di papumasok ng bahay at mahamog na. dun lang nya uli nakita ang bahay
Isang gabi nman nagising un dalaga ko ,nagtataka sya bakit nakatayo ako sa bandang banyo nmin .nakatingin at pinapanood lahat ng natutulog, kinausap nya raw ako, "Ma,anong ginagawa mo jan? Bakit hindi ka pa matulog!!", Babangon na raw sana sya ng bigla nya akong matanaw sa tabi ng papa nya at himbing na himbing sa pagkakatulog,subrang kinilabutan daw sya .nandun pa rin un kamukha ko at nakakatakot un pagiging seryoso ng mukha na nakatingin sa kanya. Sabay talukbong daw nya ng kumot at pilit niyuyogyog ang mga katabi pero wala daw magising. Hindi na raw nya maalala paano sya nakatulog ng gabi na un.
Maraming beses na naulit na nagigising sya ng kalaliman ng gabi.wala na syang nakikita pero ayaw na raw nya ng pakiramdam na parang anytime may sasanib sa kanya.subrang down raw ng pakiramdam nya..mainitin ang ulo,madaling mairita.
Isang araw nag pilit na syang nagpaalam na luluwas ng Maynila at uuwi na lang sa bahay ng parents ko.
Ako minsan nag iigib ako ng gabi nasa 7pm un.
Parang naramdaman ko sa bandang gilid ng bahay parang may dumaraan o nakikiraan, lumingon ako, graveh ang nakita ko, lalakeng nakatalukbong ng itim na tela, may hawak hawak syang tukod na lagpas tao ang haba, medyo may part na madilim kase liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa paligid. Kinilabutan ako pero di ako nagpahalata na nakita ko. Nagkunware ako na patanaw tanaw lang sa paligid. Pero nagmamadali na ko buhatin ang timba papasok ng bahay.
Sumunod na mga araw Nilagnat at hinika na ako ng hinika .at tagal kong nagkasakit hanggang ipa albularyo ako ng mister ko..nag alay kami ng puting puting manok ..pati kuku o palong bayun ng manok dapat daw puti. At pinahid ang mga dugo sa paligid ng bahay.
Tumagal pa kami sa lumang bahay ng dalawang taon .bago kami nagkaroon ng sariling bahay malapit sa kalsada.
Paminsan minsan dinadalaw pa rin nmin ang lumang bahay. Wala ng tumira mula ng umalis kami. Pero marami na din nagtayo ng bahay sa malapit dito.

Actual Photo ng bahay ng bagong lipat kami.


Actual Photo ng bahay ng bagong lipat kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon