NANAY
6 years old ako nung namatay si Nanay (Lola), inatake daw sa puso habang natutulog. After ma-embalsamo si Nanay ay dun lang din sa malaking bahay ng Tita ko eto dinala at binurol, same house kung san siya nakatira at nawala. Sa sobrang laki ng bahay need talaga ng housekeeper. Pagkatayo kase nung bahay na yun kinuhang housekeeper ni Tita si Mama kase nasa ibang bansa na yung family nila. Dahil nga matanda na si Nanay at para may kasama daw eto. Everytime naglilinis si Mama sa bahay ay sinasama nyako at yung bunso kong kapatid na lalake na 3 years old pa that time at palagi kaming kini-kiss ni Nanay at pinapakain ng mga assorted biscuits na nasa malaking lata ng Rebisco (good old memories). Palagi rin kinakandong ni Nanay yung kapatid ko habang pinapakain nya eto ng apple. In short, sobrang pinaparamdam ni Nanay samen gaano niya kami kamahal.Fast forward sa burol, ginagawa parin ni Mama yung mga bagay na ginagawa niya dati pag nag hohouse-keeping habang nakaburol si Nanay. Dahil nga matatakutin din si Mama ay iniwan niya muna yung kapatid ko sa sala at pinaglaro habang ako ay sinama niya sa second floor habang naglilinis siya ng mga kwarto. Pagtapos niya linisin yung kwarto ni Nanay ay dun naman kami sa masters bedroom which is tapat na room ng kwarto ni Nanay nang narinig naming nagpapanic ang mga tao sa baba. Nawawala daw yung kapatid ko. Naghanap kami ng nanghanap kung saan saan. Nilibot yung buong baba ng bahay (sa loob at labas) pero di namin makita talaga yung kapatid ko. Naiiyak na si Mama kase nga di namin mahanap yung kapatid ko at impossible namang makapunta sa kalsada yun kase gated yung buong bahay. Umabot din ng ilang oras yung paghahanap, lahat ng cabinet na pwede niyang pagtaguan ay binuksan pero wala talaga. Kahit sobrang impossible, naisip ni Mama na isama ako pabalik sa taas at icheck ang kwarto ni Nanay. Pano ba naman kase makakapasok yung kapatid ko dun eh sobrang haba ng hagdan at nakalock din yun after linisin ni Mama. Kinuha ni Mama yung susi at binuksan yung kwarto.
Humagulgol si Mama ng makita niya sa kama ni Nanay yung kapatid ko. Tumatawa eto na para bang may kausap. Agad kinuha ni Mama yung kapatid ko sa kama at tinanong bakit siya napunta dun ("Ba't ka andito, Nak?kanina pa kami naghahanap sayo.") nang biglang tinuro neto ang kama ni Nanay at binigkas ang pangalan ni Nanay. At umiyak na naman si Mama. Bago kami lumabas ng kwarto ay may sinabi si Mama. ("Salamat, Nay. Mahal mo talaga tong apo mo.")
Pagbaba namin ay dun na humagulgol ang lahat ng makita nilang kasama namin pagbaba yung kapatid ko. Nagka-goosebumps ang lahat sa nangyare at kahit pagbaba ay patuloy paring binibigkas ng kapatid ko ang pangalan ni Nanay. Naisipan ni Mama na ilapit sa kabaong yung kapatid ko habang kinakarga eto at ng masulyapan niya yung nasa loob ng kabaong ay tila ba nalito eto. Tinanong ni Mama yung kapatid ko: "Siya ba kasama mo sa kwarto kanina?" at tumango yung kapatid ko at tinuro si Nanay sa kabaong at dun na nag iyakan ulit ang lahat.
Na-kwento ko nga pala to sa Husband at kapatid ko last week lang nung bumisita dito yung kapatid ko. 21 years old na siya ngayon at di niya natatandaan lahat ng yun. Kinuwento ko sa kanya para malaman niya kung gaano kami kamahal ni Nanay. Di niya man maalala lahat ng biscuits at apple na kinain niya atleast alam niyang kinandong ulit siya ni Nanay sa huling sandali. Maraming salamat sa pagbabasa! /*dash out
Jett📜Spookify
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.