Hala si Lola

33 1 0
                                    

Hala si lola.

Gusto ko lang i-share yung pinaka creepy na naexperience ko sa buong buhay ko. I'm a business owner here in pampanga and i sell clothes online. So here's the kwento nanga, One of my buyer decided na i-deliver nalang yung items nya door to door (kami ang magdedeliver sa house nila) since di sya makakapunta sa meet up dahil aalis daw sila.

nagchat sya day before ng delivery namen if uubra nga raw na ideliver nalang sakanila at pupunta nga raw sya ng mall, maiiwan daw yung father nya sa house at mag door bell nalang kami if nandon na kami sa area nila, she even sent me her complete address even the land mark.

so ayon guys natapos yung maghapon at matiwasay kaming nakauwi ng bahay at naideliver naman namin yung item nya. 9-10 pm at night nagchat si ate girl,
sabi nyaaa... "miii, nagdeliver ba kayo today? bat sabi ni papa antay daw sya ng antay wala daw dumating"

me; "hala miii, nagdeliver kami. diba eto yung bahay nyo? (pinakita yung picture ng house)"

sya; "ahh oo sis, pero sabi ni papa wala daw dumating"

me; "sis nadeliver namen, si lola mo panga yung nag claim.."

tapos ang tagal bago sya nagreply. typing tapos biglang nawawala.. then sabi nya "anong lola?"
sabi ko  lola nya ung kumuha. tapos sabi nya ano raw bang itsura nung matanda, then inexplain ko, matandang babae na maputi ang hair na medyo grayish, naka duster na pula at medyo maliit.  tapos bigla nyang sinabi na, wala naman daw ibang taong nakatira sa bahay nila kundi yung papa at kuya nya lang..
then bigla nyang sinabi na

"sis wag kang matatakot no, Kakamatay lang kasi ng lola ko last last week. Yung pulang duster na sinabi mo yun yung suot nya bago sya mamatay"

syempre ako bigla akong natakot, kasi kay lola ko mismo inabot yung parcel. sya panga ung nag-open ng gate. so ngayon ang tanong, san napunta yung parcel? huhu

sinabihan ko si customer na i-rerefund ko nalang since baka nawala na ung parcel nya.. then after 2 days nagchat si mam sinabi nya na "mii, nakita ko yung parcel ko, nasa ilalim ng kotse"

then ayon, na convince kami na yung lola nya talaga yon. grabe ang takot ko. 🙂 since then di na kami nagdeliver ulit sa area na yon. 6 pm na din kasi nung nagdeliver kami sakanila.. ang nakakapagtaka lang. nung nag door bell ako, si lola talaga yung nagbukas ng gate, tao talaga. biniro ko panga sabi ko readyng ready sya mag claim ng delivery kasi isang click ng door bell bukas agad ng gate dj na kami nagantay talaga. pero hindi sya nagsasalita, naka ngiti lang sya. hindi mo talaga aakalain na mumu huhu. grabe creepy. hindi din daw sila compound kaya malabo talagang may ibang matandang babae sa loob🥹 i deleted the convo kasi for cleansing na din kaya wala na akong mapakitang proof, kasi baka mamaya sinundan na din ako :(( yun lang!!!

Ps: personal experience ko po ito at hindi po repost. :)



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon