Busog

16 1 0
                                    

Busog
Hi guys! Gusto ko lang ishare yung naranasan ko kaninang umaga. G na agad wala nang paligoy ligoy pa. 🤪

Kasabay ko nagising kaninang umaga yung asawa ko mga bandang 6am, nagutom ako kaya nagsandok sya ng kakainin ko. Bale sa kwarto na po ako kumain kasi di na nya ako pinatayo, ang ulam ko ay nilagang itlog. Pagtapos kong kumain, bigla akong inantok at inaya ko na ang misis ko na matulog ulit since 7am pa lang naman at malakas ang ulan. Maya-maya habang nananaginip ako, bigla akong napunta sa daan kung saan may mga nag-aaway na mga kalalakihan, since medyo chismoso ako nakinood ako. Hindi familiar sakin ang mga mukha ng tao, maya-maya din ay umalis na ako at umakyat ako sa footbridge kung saan ay daanan papuntang sakayan ng bus carousel. Pagbaba ko ng hagdan sobrang dilim ng paligid, wala akong makita at hindi ko rin mabuksan flashlight ng aking cellphone. Sa sobrang dilim nakabangga ako ng isang babae na naka kulay puti, todo sorry ako kasi takot na takot ako sa daan wala akong makita akong makita. Maya maya may mga nagtatawanan, pinagtatawanan nila ko at tinatakot dahil nabangga ko yung babaeng hindi ko naman maaninag ang mukha. Sa sobrang takot ko nagmadali akong umakyat ng footbridge, pag akyat ko sa footbridge di ko namalayan na hagdan na pala ng bahay namin yung inaakyatan ko. Pagdating ko sa pinakataas may bigla akong nabangga naman na isang lalaki, wala syang imik ng mabangga ko sya. Dun na ako naghinala na nananaginip na ako. Pilit kong ginigising kong ginigising ang asawa ko, sigaw ako ng sigaw at walang lumalabas sa bibig ko, ultimo mga kamay braso at ulo ko hindi ko magalaw. Alam kong gising na ako at pilit kong tinatawag ang pangalan ng asawa ko at pilit ko din hinihila ang damit nya para magising sya. Biglang pumasok sa isip ko na tawagin ko na lang sya ng pabulong at sa wakas narinig na nya ako ang nahila na rin yung damit nya. Tinapik nya ko sa balikat para magising nung nagalaw ko na ang aking ulo at mga braso dun ko na nadilat ang mga mata ko. Sabi sakin ng asawa ko bakit daw kasi ako natulog ng busog. Alam kong masama yun pero diko alam bakit natulog pa rin ako.

Hanggang dito na lang guys. Sana nagustuhan nyo ang aking story alam kong hindi masyadong nakakatakot pero nakakatakot sya parang muntik na akong mamatay sa panaginip ko.  Akala ko hindi na ako magigising buti na lang at nagalaw ko mga kamay at sa pamamagitan ng bulong narinig ako ng asawa ko.

PS. Kapag maraming likes at comment magshashare pa ako ulit ng mga stories nung nag-aaral pa lang ako. Thank you

Mr. Kritiko
Mr. Kritiko



📜Spookify
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon