Sumpa

9 1 0
                                    

SUMPA

Hello po first time ko po magpost dito. Gusto ko lang po sana malaman ung thoughts niyo kung sumpa ba ung nangyayaring kamalasan sa pamilya namin o sadyang malas lang talaga kami 😅

Simula kasi nung pinalayas kami sa unang tinirahan namin na bahay sunod sunod na yung kamalasan na nangyari samin hanggang ngayon. Yung bahay na yon actually binili ng papa ko nung nasa taiwan siya pero si mama ko ang nag asikaso ng papel since si mama ko ang nasa pinas. si mama ko kasi hindi nakatapos ng highschool kaya hindi siya ganon kagaling sa english kaya naloko siya. House and lot ang binayaran ni mama pero ang nilagay sa papel is bahay lang ang binili namin and 10years contract lang ang pagtira namin doon sa biniling house and lot na nakasulat don sa papel. After 10yrs sapilitan kaming pinaalis at sabi ng pinagbilihan ni mama, kung gusto daw namin, buhatin daw namin ung bahay namin. Hndi nanalo sa kaso dahil may pirma si mama na agree siya sa usapan kahit hindi niya na binasa ung nakasulat sa papel noong binili niya yung house and lot. Sayang kasi sagana pamumuhay namin sa bahay nayun. Sobrang lakas ng sari sari store ni mama. Sikat siya sa buong barangay dahil sa tinda niyang masasarap na meryenda tuwing hapon.

Fast forward..So, after kami paalisin nagsanlang tira kami for I believe 16years.nakauwi nadin si papa ko that time sa pinas. Nagpalipat lipat kami. Apat na bahay ang nalipatan namin sa loob ng 16years. Unang bahay 2yrs contract, nag umpisa na kalbaryo ng family namin. Nagkaron ng kabit si papa at nakulong siya ng isang buwan dahil nahulihan siyang naglalabas ng tanso galing sa abandonadong building. 2nd house another 2years contract mejo kinakapos na kami dahil naubos na ipon ni papa at wala nadin pinagkakakitaan si mama. By the way, lima kami magkakapatid at lahat kami nag aaral palang neto. 3rd house, 10years kami inabot tumira sa bahay nato dahil kakilala ng papa ko may ari. Dito sa bahay nato laging nag aaway si mama at papa dahil may bagong kabit si papa ko na taga visayas. Nagulat kaming lahat sa laki ng pagbabago ng ugali ni papa. Lagi mainitin ulo samin at halos hindi na siya umuuwi ng bahay. Isang beses nahuli sila ng mama ko sa salon magkasama ung kabit at si papa pero sinasabi ni papa ko lagi kay mama na wala daw siyang pera at magkalkal nalang daw kami ng basura para makakain. Nagtataka na si mama kung bakit naging ganon samin si papa. Parang ginagayuma nung babae. Isang araw nagpunta siya sa manggagamot at sabi ng manggagamot na ginagayuma nga si papa at kinukulam pa daw si mama. Kaya pala kung ano ano nalang yung tumutubo sa mukha at katawan ng mama ko parang pinapapangit siya. Lagi nadin kaming minamalas. Lubog sa utang at halos isang kahig isang tuka nalang hindi kagaya dati. At kahit anong gawin namin parang may humihila saamin pababa. Dito sa pangatlong bahay nakulong din si papa for 3years dahil may nakaalitan siyang pulis at finrame up siya para makulong. Sobra sobrang kamalasan ang nangyari saamin. 4th house, 5years kami tumira dito dahil kakilala din ng papa ko yung may ari kaso nascam kami dahil hindi alam ni papa na nakasangla din pala sa bangko yung bahay na sinangla din saamin. After 5years contract pinalayas nanaman kami ng bangko sapilitan at hindi na namin nabawi yung perang pinagsanlaan namin. Sobrang kamalasan sunod sunod hanggang ngayon hindi padin kami nakakaahon sobrang bigat ng buhay namin kahit anong sipag at tiyaga ang ginagawa namin. Parang may humihila samin pababa o para kaming sinumpa.

Tingin niyo po? Respect po please. Thank you 🙏🙏



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon