Poy
"Hindi ko alam pero sa tuwibg naaalala ko yung cellphone kong N70. Nakadikit na sa ala-alang yun na minsan may batang multong humingi ng tulong sa akin .
Hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan . Pero nung naranasan ko yun . Nasabi ko nalang na ""Nakakatakot pala"" at halos hindi ka niya patulugin kakaisip . Yes ! Hindi ako pinatulog non . Daig ko pa nabroken hearted sa pagmumove-on don .
2014
Tago nalang sa pangalang ""Poy"" . Gabi na nun quarter to nine . May naligaw na text sa cp ko . ""Humihingi ng tulong"" . So nireplyan ko , boring din kase ako that time . Tinanong ko kung bakit nahingi ng tulong . Medyo matagal din magreply ""Binubugbog daw sya ng mama niya at itakas ko daw siya"" . Natawa ako . tinanong ko kung ilang taon na siya . Sumagot ""8 please lang daw itakas ko siya"" . Isa pang text ule sinend ko , itulog nalang niya . Tas natulog na ako .
Kinabukasan . may natanggap akong dalawang message mula don . ""Di niya raw kaya pambubugbog ng mama niya"" at yung isa ""Kung sino ka man sana matulungan mo ako parang awa nyo na"" . Kibit balikat lang ako . Hindi ko na nireplyan . Pero nung naliligo ako . Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko si ""Poy"" . Ang batang nakaburol sa kapitbahay . 4days ng patay . Sa busy ko kasi sa school di ko alam kung ano kinamatay nung bata . Kagaya nung nagtetext kuno . Walong taon lang din siya . Kawawang bata pa nga nasabi ko bigla . Nung papasok na ako sa school nagtext nanaman pero iba na yung sinasabi . Doon ako kinilabutan ""Pasalubungan mo ulit ako ng lumpia pag-uwi mo mamaya ha"" . Same number . Natakot ako , sobra . Biglang naalala ko lahat Lahat . Bago siya mamatay narinig ko siyang sumigaw ng ""TAMA NA PO , AYOKO NA"" . Si Poy . si Poy ang katext ko . Tumakbo ako sa tita ko para tignan ang number ng mama nya . Lalo akong nanghina nung pareho yung number . Tas tinanong ako bakit ako namutla . Pinakita ko mga texts saken ni Poy kagabe . Pati tita ko kinilabutan . Tapos tinanong ko siya kung nasaan mama niya . Nagulat ako nung sinabing nakakulong kasi namatay sa bugbog si Poy . Yung huling sigaw ni Poy nung gabing bago siya mamatay yun daw pinakagrabeng bugbog na naranasan ng bata .
Hindi na ako nakapasok nun kase sobrang nawalan ako ng gana . Nanlumo at natakot . Hanggang sa maraming nakaalam ng nangyari . Pero hindi sila nagtaka , kase si Poy ang inuutusan ko lagi bumili ng yosi at kape ko . Kinilabutan ang karamihan yung iba hindi naniniwala pero ayos lang .
Lagi kong sinasama sa dasal si Poy . Ang mama niya nakakulong pa rin . Lasenggera kasi . Buti sa kanya ng matauhan .
Salamat Spookify !"
MnDng
Cavite📜Spookify
▪︎2016▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.