Disaster Series: Payatas
A few years ago, may masaklap na nangyari dyan sa Payatas landfill. Nagkaroon ng hindi inaasahang pagguho ng mga mala-bundok na trash pile. Daig pa daw ang landslide na nangyayari sa mga kabundukan kung tag-ulan, kasi para bang wlang ligtas ang mga biktima dun. Nagkasunog pa kasi pagkatapos matabunan ang ilang bahay na nakatayo sa tabi ng landfill.
Sabi nila, inevitable na raw yng disaster kasi dekada na rin ang mga basurang tinatambak dun. Sobrang dami ng tinatapon dun kasi one time ay para sa buong Metro Manila na raw ang Payatas na tambakan. Dahil dun ang kabuhayan ng ilang mahihirap natin kapwa-Pilipino, dun na rin sila tumira. Hanggang sa napakaraming barung-barong na ang nakatayo dun. Henerasyon na rin ng nangangalakal/nanga-ngalkal ang mga pamilyang nakatira.
Sabi nila, may ilang nangangalkal ng umaga na yun, karamihan mga bata at teenager. May mga nanay at mga paslit na nasa mga bahay lng, habang ang mga tatay ay nasa labas na para magtrabaho. May ilang araw din bago nuon na naguulan sa buong QC kasi rainy season. Bigla na lang daw sila may narinig na parang ugong ng tren o malaking sasakyan na tuloy2x, tapos may ilang pagputok na parang mga yero at kahoy na naiipit o nadurog. Pagtingin daw nila, isang malaking bahagi ng mga tirahan wla na...parang bumaba o lumiit din yng bundok ng basura at nakikita na ang langit. Umuusok daw ng bahagya at maaalikabok kaya poor visibility, hiyawan at sigaw lng daw ng naghahanapan na mga magkakapamilya. Maya2x pa, sumiklab na yng sunog sa ilang kabahayan. Sinisikap man saklolohan at bungkalin sa pagkakabaon ang iba, mabilis rin daw kumalat yng apoy dahil sa mga materyales ng kabahayan. Sabi nila, di man namatay sa pagkakalibing, yun iba ay nasunog o naSuffocate na lng sa usok. Ang reports sa news ay daan2x daw ang namatay, pero libo ang mga pamilyang nakatira dun. May mga bangkay na nakuha, pero maraming hindi na na-recover. Mabilis din kasi nabulok ang mga katawan, mahirap na ma-detect ng sniffing dogs kasi nahalo na rin sa basura.
After nuon, may mga kwento na similar sa mga biktima ng landslide sa Southern Leyte at Cherry hills, lalo na sa panahon ng tag-ulan. May mga impit na iyak, sigaw na humihingi ng tulong, mga boses na nagkakagulo, etc. Ilang swerteng nabuhay, na ayaw pa rin lisanin yng lugar, nagsabing binisita sila ng nawalang kapamilya at pilit tinuturo kng saan sya nalibing ng buhay. Meron naman pinakitaan sa panaginip ang kamag-anak, at sinabing patay na sya at mahirap na mahanap yng katawan nya. Sabi rin nila, after nung nangyari, madaming nakikitang "orbs" na lumilipad sa lugar. Kahit na yng mga subdivision at villages na sosyal malapit dun, pero ang daan ay dun sa Filinvest-Bagong Silangan tulad ng Spring Heights, may mga kwento. Kapag nagwa-walk sila ng dogs dun sa mga bakanteng lote ng subd/village na malapit dun sa Payatas, marami daw bilog-bilog na ilaw na lumilipad. Altho mas nakakatakot yng isang kwento ng mga basurero na minsan hinabol sila ng santelmo. Op kors, may mga scientific explanation ito na kesyo mga alitaptap o insekto lng yun, o dahil sa gas emissions ng nabubulok na basura kaya may parang apoy na lumilipad. Kanya2x paniniwala na lang...
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.