Naniniwala ba kayo na may mga taong nakakaalam kung paano at kung anong petsa ma/ma/matay ang isang tao kahit sa isang tingin lang niya?
Bata pa ako nung nangyari ito actually hindi ko siya maalala ng 100%. Itong ike kwento ko ay based na lang din sa mga napaguusapan naming pamilya based sa actual na nangyari.
Year 2006-2007 month ng September nung nangyari ito. Birthday ng Lolo ko nung araw na yun at madaming bisita, may kantahan, basta masaya..
nung hapon kasama ng Mommy ko yung 3 niyang classmates/bestfriends sa College (Oo nag aaral pa din yung nanay ko kahit 2 na kami na anak niya that time) para maki birthday sa lolo ko at para manginain na din. Nursing Students sila at if i'm not mistaken 3rd year na sila non.So ayun na nga pagkadating nilang 4 nagpunta agad sila kay Lolo para batiin siya then kumain na din sila pagtapos...
fast forward...
Pauwi na yung mga classmates ng Mommy ko tapos yung isa niyang classmate na babae may binulong sa mommy ko bago umalis.....
(actually after almost 5-7 years saka lang nakwento samin ni Mommy kung anong binulong sa kanya ng Classmate nya nung birthday ng Lolo)
Ang sabi daw sa kanya ng classmate niya Sulitin na daw namin na kasama si Lolo at hindi daw maganda ang nakikita niya. . . Nakita din daw nung classmate ni mommy na walang ulo si Lolo nung nag eestima siya ng mga bisita niya...
After 1 month ng Birthday celebration ng Lolo ko namatay siya.
naoperahan pa siya before maging comatose at bumigay.. CABG yung tawag sa procedure na ginawa sa lolo ko at after ng operation nayun hindi na siya nagising at naging comatose na.. ang sabi nila dahil nasobrahan daw ata sa Anesthesia kaya siya nacomatose, ilang araw or weeks din siyang coma sa Heart center hanggang sa magdecide na ang mga Lola ko at mga Kapatid ni Lolo na ipatigil na ang life support ni Lolo. . . . .
Ang pinaka tumatak at naalala ko sa mga panahon na ito is yung isinama ako ng Lola at Mommy ko sa Heart Center para makapag paalam kay Lolo bago man maialis ang life support niya.. Pinalabas nalang nila na 15years old nako that time kasi bawal daw ang mga below 15 na pumasok sa Hospital since malaking bulas naman ako kaya di din siguro nagtanong pa yung guard....
malinaw sa memory ko yung pagpasok namin ng Hospital at pagsakay sa elevator papunta sa ICU room na kinahihigaan ni Lolo.. buong kwarto puro salamin na see through kahit saan ka tumingin makikita mo yung mga nasa labas.. ang daming nakalagay na aparato sa lolo ko. di pa ako nakakalapit sakanya pero sobrang lungkot ko at naiiyak nako, sabi ng kapatid ng lolo ko lumapit na kayo at para makapasok naman yung iba pagtapos niyo...
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.