Old Apartment Building - Caloocan

21 1 0
                                    

OLD APARTMENT BUILDING - CALOOCAN.

Hi! Sharing you my 2nd #LTaPReal entry. This was in an old apartment building near a popular landmark in Caloocan City. Btw, please know before this series of occurrences, depende sa panahon, may ability na ako to perceive kung may strong entities sa paligid ko.

2017 lumipat kami ng partner ko sa isang lumang residential building. Sa 2nd floor kami. Sa floor na to may 6 units. Nung una okay naman dito, tahimik at  presko. Until...,

Mga after a year dun na nagsimula ang lahat. May time aalis ng maaga partner ko kasi may pasok sya. Naiiwan ako mag-isa na natutulog pa. One time, nag alarm ako ng 9AM. So, nung inabot ko na yung phone ko para patayin yung alarm, WatDaFudge pare.. may biglang humawak din ng phone ko nakipaghilahan sa akin! Napabangon ako bigla! Inopen ko yung lights para lumiwanag. Wala ako nakita pero natakot ako nun. Sumunod na week ganun ulit naiwan ako mag isa na natutulog. Naalimpungatan ako. Medyo malabo pa mata ko pero napansin ko may nakaupo sa paanan ko. Shockers eto nanaman sabe ko sa isip ko. Habang tumatagal, lumilinaw na nakikita ko. May Nakaupo sa sahig, nakasandal sa kama sa tagiliran ng paanan ko, malinaw kong nakita lalake, nakagreen jersey sya. Nakakatawa kasi sinusubukan ko syang sipain pero di tumatama. Lumalagpas sa kanya yung paa ko! So, sabe ko kaluluwa nga to. Bumangon ako para buksan ang ilaw. Pag open, sabay nawala sya.

Sumunod na mga araw, mas malala. Mag isa ako naiwan ulit, umalis na si partner para pumasok. So, nahiga lang ako nagtalukbong dahil malamig. Maya maya  naramdaman ko tumunog yung pinto, may pumasok. Akala ko si partner ko bumalik kasi malakas ulan nun sabayan pa na pareho kami puyat baka kako tinamad pumasok. So, lumapit saken habang nakatalukbong ako. Ramdam na ramdam ko umuga yung kama ng malakas, umakyat sya, pumatong saken at pumwesto sa tabi ko. Aakapin ko na sana. So, nag alis ako ng talukbong na kumot.  Wow, pagtingin ko walang tao sa tabi ko! Natulala ako ng bongga ke aga aga. Gustuhin ko mang magtaka pero gets ko na nung oras na yun may kasama ako na di ko nakikita.

Mula nuon tuwing maiiwan ako, sinasabihan ko partner ko na wag magpapatay ng ilaw tuwing aalis sya. Hayaan lang maliwanag kahit tulog pa ko.

Sumunod na  mga araw bangungot naman. Yung usual na may aninong itim na biglang lalapit sayo at tatayo lang sa tabi mo pagmamasdan ka habang natutulog. Pag ganun alam ko na yun kasi ilan beses na nangyayari saken yun kahit nakatagilid ako matulog. "In Jesus Name“ lang ako ng pasigaw at paulit ulit saka ako magigising. So, eto na ulit, sumunod na week, bangungot nanaman! Pero this time nagawa kong bumangon sa panaginip. Dati kasi hindi, para akong naninigas na di makagalaw pag nandyan na yung aninong itim.  Pero this time sa bangungot ko, namulat ako sakto nakatingin ako sa pintuan, naisip ko shet alam ko na to bangungot nanaman. Alam ko na yung aninong itim ay papasok sa pinto. Ilang sandali lang dumating na nga yung entity. So, pinilit kong bumangon. Nakita ko pa sarili ko nakahiga. Pag lingon ko sa anino, ewan ko ba naglakas ako ng loob na lusubin sya bago pa sya tuluyang makapasok at makalapit sa tulog kong katawan sa kama. Ginawa ko pinagtulakan ko sya with matching dialogue na "ako ang tao dito, ako may ari ng bahay na to, hindi ka welcome dito umalis ka!" In Jesus Name, lumayas ka dito!" Nung nasabe ko yun habang pinagtutulakan sya palabas ulit ng pinto namin, para akong lumakas at tuluyan ko sya natulak palabas at nawala sya. Nilingon ko yung katawan kong tulog. Nag apura ako makabalik dahil sa totoo lang 1st time ko nakita sarili ko  sa bangungot. Natakot ako dahil baka maunahan ako nung entity at sya ang magtake over sa katawan ko. So, nakabalik ako sa katawan ko. After nun nagising kagad ako. Ramdam ko naghahabol ako ng hininga at ang bilis ng pintig ng mga ugat ko.

Mula nung nangyari yung mga yun, kinuwento ko na sa partner ko. Ayoko muna nung una dahil ayokong matakot sya. Dahil saming dalawa mas sanay talaga ako sa ganyan.
2020 umalis na kami dun. Naghanap na talaga ako ng malilipatan dahil feeling ko di rin kami patatahimikin nung ibang nilalang dahil mukhang dito talaga sila nakatira sa lumang apartment building na ito.




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon