WELCOME TO OUR BOARDING HOUSE

14 1 0
                                    

WELCOME TO OUR BOARDING HOUSE

2017 nangyari to, kaka-transfer ko lang ng Urdaneta. Sa boarding house kada-hallway may 5 rooms, sa buong hallway kwarto lang namin ang occupied, pinakadulong room kami at tatlo lang kami sa pang-apatan na kwarto.

Unang gabi ko pa lang, nagising na ko ng around 2-3 am, akala ko umaga na at nagtatrabaho na yung mga construction workers sa kabilang building, todo pukpok, at parang may mabigat na mesang hinihila. Pinipilit kong gumalaw para magising ko yung roomies ko. Todo dasal ang ferson hanggang sa nagawa kong gumalaw at matingnan ang oras. Puyat kung puyat dahil umaga na ako nakatulog ulit.

Sa ikalawang gabi, ganon ulit. Pero that time, may nakikita na akong babae sa gilid ng cabinet na katabi ng pinto. Sabay na yung tunog na hinihilang kädèná, shütá, mare, akala ko ako na si Kris Aquino. Tinatanong ko mga kasama ko kinabukasan kung may narinig sila, pero wala raw. Masasarap ang tulog!

Sa mga sumunod na araw, napag-alaman kong hindi lang pala ako ang naka-experience ng ganon. Kada may bagong boarders pala, nakikita or naririnig din yung ganon. Kumbaga, pa-welcome ng lola niyo! 

P.S. Kuya Vic, ipa-bless niyo na po yung dorm. Para di na rin nagpapakita yung batang patakbo-takbo sa kusina.

Sigurado magko-comment yung roommates ko at a-agree sila sa kwentong to dahil grabe ang panggagambala ko sa kanila sa mga sumunod pang gabi para lang makatulog ako. Hahaha!


📜FEU Secret Files Community
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon