Mag-ingat ka Apo

17 1 0
                                    

Ever since nag join ako dito, I’ve been reading lahat nang mga stories. I felt safe habang nag babasa ako, no judgement! So I thought I should share my experience.

I grew up dito sa Canada, I normally take an uber rides ( parang taxi sya) sa morning papunta sa work kase walang bus around my area kapag 4:00 am, nag sisimula mga bus around 5:45 am.

Hinde ko Alam kung pagod lang ako or what since 2 jobs ako and student, Pero there was one morning nag book ako nang uber around 4:30 am, yung profile nang driver is Indian, na May beard, tapos naka turban sya.

I was waiting patiently outside para ma pick up ako, when he arrived, tinignan Ko yung license plate kung match ba sa booking ko, and Bago ako pumasok sa car Tinanong ko para kanino yung ride, and ni mention nya name ko. So pumasok ako sa car, I felt heavy, parang bigla sumama pakiramdam ko, Na light headed ako, parang mag kaka panic attack ako na Ewan? So I asked if I can roll down the window, Tinanong ako nung driver if okay lang ako, hinde ako maka sagot kase parang hinde ko malabas yung words na gusto ko sabihin, tinignan ko yung rear view mirror ba yon, nakita ko yung mata nang lolo ko, tapos kalbo, nanginig ako, nag double look talaga ako sa mirror, tinignan ko yung driver sa harapan ko, naka turban sya? Pero yung nasa mirror is mata nang lolo ko,  as in kalbo talaga sya sa mirror, Sabi nya “ darling are you sure you’re okay? Should I pull over?” hinde ko maalis yung mata ko sa rear view mirror, Sabi ko ” I should be okay” Kahit sobrang Nanginginig na ako sa takot, Nag back and fourth ako sa driver and sa rear view mirror para lang tignan kung totoo talaga nakikita ko. I remember iniisip ko kung Nanaginip ba ako or what, Pero totoo talaga

The ride was silent for 10 minutes, iniwasan ko Tignan yung mirror. Pinapawisan na ako non, nag pray ako sa sobrang takot HAHAH Sabi ko sa sarile ko 4 minutes na lang malapit na ako
Maka baba.

Then finally naka arrive na kami sa destination ko, tinignan ko ulit yung mirror, this time you can see sa mata nya naka Ngite, tinignan ko yung driver he’s not smiling, then Sabi ko sa driver “ thank you so much, drive safe” Pag labas ko nang car Bago ko isarado yung pinto nang car parang narinig ko “ mag ingat ka apo”. Sinarado ko yung pinto nang malakas, tumayo ako sa one spot NANG ILANG minutes to process talaga ano nangyare.

Alam nyo hinde ako naka pasok nang 1 week and half Dahil sa sobrang sama nang pakiramdam ko at sa kakaisip sa situation na yon.
Hinde ko Alam kung nababaliw ako or what


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon