Pinsan

19 1 0
                                    

"PINSAN"

My 1st entry. This was happened way back between 1997-1999 (basta I was in Elementary pa). Dahil nagwowork both parents namin, at bata pa kmi minsan sa bahay ng Lola namin kami pinapatulog kasama dalawa kong kapatid. Kahit na magkatabi lang naman mismong bahay namin.

Sa pag kakatanda ko netong time na toh, ako lang natulog sa bahay nila Lola. Kasama lang namin ay yung Tito ko, na bunsong anak ni Lola. Si lolo pala ay patay na this time, kaya si Lola at Tito nlng ang magkasama sa bahay.

Yung bahay nila ay tipikal na mga bahay na may terrace pag pasok ng pinto yung Sala, nasa right side yung dalawang room, sa dulo ng sala yung kusina at nasa right side din yung CR. Bale yung room ng Lola ko ay nasa harap. May malaking bintana na salamin katapat nung maliit na gate at mga halaman na santan. Sa tabi ng gate ay yung maliit na tindahan nila at harap na ng kalsada.

Eto na nga, gabi na. Dalawa lang kmi ni Lola magkatabi sa kama. Habang natutulog kami, bigla ako bumangon, at sumilip sa bintana, dahil naririnig kong may tumatawag sa pangalan ko. Paghawi ko ng kurtina, nakita ko yung babae na nakaputi, tinatawag ako. Sabi ko sa sarili ko, "ay c Ate (pinsan ko)" pero sa totoo, hindi ko xa kilala.

Tapos lumabas ako ng bahay at nilapitan ko siya. Sinasama nya ako pero ayaw ko sumama. Ang sumunod na naalala ko na lang at nagising na ko sa ulirat ay, tinatanong na ko ng Lola at tito ko kung sino ang kausap ko. Since nainis ako at nagtataka rin bat ako nasa labas, ay hindi na ako umimik. Pumasok na lang ulit ako sa kwarto at na-tulog.

Kinabukasan, kinuwento nila yung nangyari. Nakita daw ng Lola ko na may sinilip ako sa bintana, at sabi ko raw "sandali lang" at lumabas ako. Kaya sinundan nya ako. Tinanong nya daw kung san ako pupunta, sabi ko raw "tinatawag ako ng pinsan ko". Binuksan ko daw ang gate at sinarado ulit at umupo sa may hagdanan ng terrace at nagsalita na parang may kakwentuhan. Hinampas ko pa daw yung gate, kaya umingay at nagising pati si Tito.

Until now ang linaw pa rin na memory ko to kaya imposibleng panaginip lang. Pag-naaalala ko ito, thankful ako sa Lola ko na nagising siya that time at sinundan ako. Kasi kung hindi nya ko nasundan baka wala na ko at hindi na nakita 😨



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon