Kare Kare

82 3 0
                                    

Itong bago kong story is kuwento lang saken ng kaibigan ko.

"Kare Kare"

Na ikwento saken to ng classmate ko a long time ago, siguro mga 2nd year college na kame nito pa sem break kaya umuwi muna sya sa province nila, di ko na babangitin yung name nung province basta somewhere in Visayas region.

So ito na nga, sabi nya fiesta daw nun sa province nila at syrempre maraming kainan, Videoke, palaro (typical na fiesta) sinabihan daw sila ng Lola at Tita nya na local dun sa lugar na wag tatangap ng kahit anong food, inumin at kahit anong bagay sa hindi nila kilala at kahit pa galing sa kapitbahay nila ( uso daw kasi yung manlalason dun) Lalo na nga  dayo sila, fast forward na tayo.

So nagkakainan na silang magkakamaganak sa may dining area.. dun daw sa dining area nila may bintana na may grills na kasya lang ang kamay ng Isang tao.. ito na yung creepy part, meron daw nagabot ng isang mangkok ng ulam dun sa kanya dun sa may maliit na butas sa may bintana, nung una daw Akala nya kasya yung mangkok dun sa binatana kasi busy daw lahat at di naman daw nya alam na hindi kasya ang mangkok dun and to think fiesta nga ang thinking nung classmate ko daw is normal.. nawala sa isip nya yung bilin sa kanila nung lola't Tita nya, buti na lang kamo kabisado nung Lola nya ang mga itsura ng mga gamit sa bahay nila. tinanong daw nung Lola nya sa kanya kung sino nagbigay nung kare kare sa mangkok (kare kare yung binigay kung sino man yun) Sabi nya di ko po Kilala lola inabot lang po dyan sa may bintana.. kinilabutan daw sya kasi sabi nung Lola nya, paano kakasya ang mangkok dyan apo tingnan mo nga! Nangilabot daw sya nung makita nya yung butas na napakaliit at napaisip sya kung paano nakalusot yung mangkok dun..pinagalitan daw sya ng bongga ng tita nya kasi nga di ba sabi kanila na wag ttangap ng kahit ano sa hindi nila kilala.

Ang ginawa nung Lola at Tita nya nilagyan ng asin yung Kare Kare tapos laking gulat nila naging mga insekto yung laman nung mangkok.. Sabi nung Lola nya kung may nakakain nun.. pwedeng mamatay or pwedeng mawala sa sarili kasi may orasyon at sumapa daw yun.

May ngeexist kaya talagang ganito at bakit nila gingawa ito sa mga dayo? Napapaisip din ako minsan.




📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon