Hi floks i had this dream
talagang nag exist sya sa buhay ko,Ganito kasi yun diba usually kapag nanaginip tayo ee kinabukasan makakalimutan natin lalo pag ang ganda ng panaginip nayun diba., yung akin kasi naalala ko hanggang sa pag gising ko very clear at detail gabi gabi ganun pero mag kakaibang senaryo pero iisang lalaki yung nasa dream ko and this lalaki in my dream is may gusto sakin ., halos gabi gabi noon nasa panaginip ko ang masugid na manliligaw, hanggang na attached ako sakanya ako ba naman kasing gabi gabing dinadalaw talaga sa dream ko. pero mga sis hindi ko nakikita ang mukha pero nakikita ko yung katawan nya maputi sya, makisig, laging naka damit ng puti at naka maong na pants ganun itim ang buhok at malaking lalaki sya,
Madalas kaming magka kwentohan, magtawanan super sweet and caring nya sakin at doon unti unti akong na fafall sakanya ng hindi ko namamalayan,. meron pa yung time na nasa gubat kami nag kwekwento lang sya, while me nasa may lamesang puno ng pagkain ang atensyon ko gustong gusto konang kumain nun kasi gutom na gutom na talaga ako pero pinigilan nya ako at ang sabi nya huwag daw akong kakain doon kung gusto ko padaw maka balik.,
Hanggang sa tumagal ng bwan andoon parin sya napaka consistent nyang dumalaw sa panaginip ko at hanggang sa sinagot ko sya ,naging KAMI mga mars! totoo ito baka akala nyo nag dedelulu ako haa.. at hindi nag tagal yung mga panaginip ko nagiging wild na nag kakaroon na kami ng intimate relationship yeess as in para talaga syang totoong nang yayare sakin uiy!. Ramdam na ramdam ko sya na gigising ka ng umaga blooming ka ganun inlove talaga ang person,
Pero noong may nangyayare na saamin dina sya gaya ng dati na gabi gabi ba na andoon sya,. nung naging intimate kami sa isat isa is yung pag sulpot na nya is parang sa isang linggong tulog ko 3 o 4 na gabi lang syang present ganun hanggang sa yung apat, tatlong naging 2 hanggang sa dina sya nag pakita bigla ., Nagtagal kami ng taon yeesss ganun katagal ang pagsasama namin sa panaginip hanggang sa di inaasahan ghinost na nya ako ng tuloyan 🥹 naghintay din ako sakanya baka bumalik kako sya yung linggo naging buwan at ang bwan naging taon hanggang nag sawa ako kakahintay at nakalimutan ko nalang sya bigla .,
Hanggang sa nag karoon ako nang manliligaw oho! this time totoong tao na sinagot so naging kami di nag tagal nabuntis ako 6 months ata yung tyan ko noon bigla ulit syang nag paramdam sakin napapanaginipan ko nanaman sya ., Galit sya sakin as in galit na galit hinahabol habol nya ako sa panaginip kahit saan ako mag tago nahahanap nya ako at kapag na huhuli nya ako nirarape nya ako paulit ulit yun tas natigil sya nong 8 months na ata tyan ko tas hindi ulit sya nag pakita hanggang manganak ako ., days after ko manganak namilipit sa sakit ang puson ko yung para bang mag lalabor nanaman ako ganun yung feeling, nag punta ako ng CR nun halos nag tagal ako ng isang oras kakaire kahit wala naman lumalabas saakin kahit uttot wala akala ko nga noon baka kinakabag lang ako., then sa bigla nalang din nawala yung sakit grabeng ginhawa ang naramdaman ko noon.
Lumipas ang bwan nanaginip ulit ako yung senaryo nasa magandang lugar ulit ako may matataas na bahay mga building as in akala mo nasa ibang bansa ka sa ganda, tas ako naman tamang palinga linga lang ako sa paligid habang nag lalakad may nakita akong bata na umiiyak napaka gwapo nakapa puti at itim na itim yung buhok lumapit ako sakanya alam nyo ba na habang naka titig ako sakaanya umiiiyak narin ako i dunno why basta naiyak ako tas may biglang nag buhat sa bata tas sabay sabing sasama kaba samin ? Ang sabi ko naman kailangan pa ako ng anak ko maliit pa sya sasama ako pero di ngayun sabi ko tas ayun tinanguan lang nya ako tas nag lakad palayo after nun wala na hindi na talaga sya nag pakita kahit hilingin kong mag pakita sya,sila kahit saglit wala na talaga hasyt maniwala man kayo o hindi talagang nangyare ito sakin 💔
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.