Apartment
Sobrang saya naming magkakapatid that time kasi bukod sa isa naming tinitirahan ay may inupahan din sina mommy at daddy na isa pang apartment para maging playground room namin that time. Grade four ako noong nangyari ito and hinding-hindi ko makakalimutan ang naging karanasan namin sa apartment na iyon. Magkatabi lang iyong dalawang apartment na tinitirahan namin, kumbaga pader lang ang pagitan.
Nag-iinoman sina mommy at mga pinsan niya that time kasama si daddy tapos kaming magkakapatid ay naglaro sa isang apartment kasi nandoon lahat ng laruan namin. Masaya pa kaming naglalaro that time pero napansin kong may nawawalang isang paborito kong laruan. Hinanap ko ito nang hinanap pero hindi ko talaga makita. Sa pagkakaalala ko noon ay nailapag ko iyon sa may upuan pero wala roon. Pinagbintangan ko pa ang dalawa kong maliliit na kapatid na si Jee at Dee noon pero bilang ate ay hindi ko na lang inintindi. Nang gumabi na, naisipan kong matulog na kung saan nag-iinuman sila mommy kasi nandon iyong tulugan namin at iyong dalawa kong kapatid ay naiwan doon sa apartment na isa.
Ilang minuto lang ang nakalilipas nang biglang umiiyak na nagsumbong si Jee. Nagising ako sa malakas na pag-iyak niya. Ang sumbong niya kanila mommy ay nakita niya si Dee na may hawak na kutsilyo at nilalagay raw niya sa leeg niya. Biglang nataranta sila mommy at daddy kaya dali-dali silang pumunta sa katabing apartment pati na rin iyong mga pinsan ni mommy, ako naman ay may pagka-chismosa that time kaya pumunta rin ako. Actually lahat kami and iyon nga nakita namin iyong kapatid kong si Dee na wala namang hawak na kutsilyo at naglalaro lang ng normal. Ang ending ay pinagalitan si Jee kasi pakiramdam nila ay nagsinungaling ito.
Binaliwala ko lang din pero pagkalipas ng ilang araw ay napansin kong nagiging balisa madalas ang kapatid kong si Jee pero iyong kapatid kong si Dee ay normal lang. So tinanong ko ang kapatid ko na si Jee that time kung bakit parang mailap siya sa aming lahat, at ang sabi niya sa akin, "Ate, I'm not a liar. I know what I saw." Tapos umiyak siya. Medyo matatas kasing magsalita itong si Jee kahit Grade 2 palang.
Mga ilang araw ang nakalipas laging nawawalan ng gamit kung saan kami natutulog and napapadalas din ang pag-aaway nila mommy at daddy noon sa hindi malamang dahilan. Iyong tipong parang lagi silang galit at laging may pinagtatalunan kahit sa maliit na dahilan which is not normal dahil sweet talaga sina mommy at daddy and never nila pinakita sa aming magkakapatid na nag-aaway sila.
Days passed, naging normal ulit ang lahat not until, umalis si mommy at daddy kasama si Jee na mag-grocery sa Isetann. Tulog kasi si Dee noon at sabi nila ay bantayan ko raw siya since dadating din iyong helper namin that time para may kasama kami sa apartment.
Pumayag naman ako kasi may pasalubong naman daw ako kapag uwi nila. And noong nakaalis na sila mommy, lumapit sa akin si Dee at nagsabing pupunta raw siya sa playground (apartment namin na isa). Syempre pumayag ako. Wala pang ilang minuto siguro na pumunta siya roon ay parang may bumubulong sa akin na sundan iyong kapatid ko. Since wala pa iyong helper namin ay pinuntahan ko siya.
Nagulat ako dahil hindi ko siya makita, kaya naman sinilip ko iyong mesa na banda sa dulong apartment, may kurtina kasi sa ilalim noon tapos kasya kapatid ko. Nilihis ko iyong kurtina at bigla akong napaiyak sa nakita ko dahil nakatingin sa akin ang kapatid ko at parang galit na galit siya pero ang pinagkaiba ay iba iyong mukha niya (I mean siya iyon pero iba iyong kulay ng mata, at iba iyong hugis ng mukha na parang demonyo na ewan. Until now, hindi ko makalimutan iyon.)
Mabilis akong nagtatatakbo noon sa kabilang apartment tapos saktong dumating iyong helper namin na si Ate Grace. Nagsumbong ako sa kaniya na ganoon ang itsura ng kapatid ko kaya sinamahan niya ako papunta roon sa kabilang apartment para tingnan pero normal naman na naglalaro iyong kapatid ko pero paulit-ulit ko ring sinabi na totoo ang sinabi ko. Dumating sina mommy at daddy, at nakwento ni Ate Grace iyong nangyari pero sa huli nagmukha akong sinungaling. Pero sobrang natakot na akong lumapit kay Dee kasi everytime na titingnan ko siya ay titingin din siya sa akin tapos biglang ngingiti. Takot na takot ako sa kaniya.
Hanggang sa nilagnat nang matindi iyong kapatid kong si Jee kaya naman nagtawag ng manghihilot sina mommy. Mapamahiin din kasi sila and naniniwala sa mga albolaryo ganoon. Nahulog sa hagdan iyong kapatid ko pero hindi naman kataasan, kasama niyang bumaba si Dee that time. Parang napilay siya nang bahagya. Nang dumating na ang manghihilot, pagkapasok niya pa lang sa bahay ay napatingin na siya sa kapatid kong si Dee tapos bigla niyang kinausap sina mommy at daddy. Nakita kong may inabot na parang bato iyong manghihilot kanila mommy, parang kwintas tapos iyong pendant ay bato. Hindi ko na masyado maalala pero parang ganoon. And after ng hilot, nakita ko sina mommy na isinuot kay Dee and every Saturday and Sunday ay may session si Dee sa pari. Hindi ko alam, basta may bumibisitang pari na kaibigan ng Sister na kapatid ni mommy. Tapos every time na dumadalaw ay lagi siyang pinapahiran ng holy water at kinakausap.
Simula noong time na iyon ay parang naging maayos na iyong pagsasama ulit ng magulang ko at nawala na iyong mabigat na aura ng kapatid kong si Dee. Binitawan na rin ni mommy iyong apartment na dalawa tapos lumipat kami sa isang condo na 2 blocks away sa dati naming tinitirahan.
Every time na kinukwento ko iyon sa kapatid kong si Dee na binata na ngayon ay hindi siya naniniwala pero kinakampihan ako ng kapatid kong si Jee at lagi niyang sinasabi na totoo iyon dahil siya unang nakakita. Hindi namin alam kung sinapian ba iyong kapatid namin that time pero one thing is for sure, hindi namin makakalimutan ang exact na detalye mula noong unang mangyari hanggang sa time na may session sa pari. Iyon lang po. Salamat sa pagbabasa. Marami pa akong kwento sa inyo dahil nagsisimula pa lang ako sa sobrang dami kong experience na kababalaghan at hindi maipaliwanag.
- R.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.