Tiniente Gimo

32 1 0
                                    

“TINIENTE GIMO”

Hi, does anyone know about the story of TINIENTE GIMO?

My father was born and raised in Iloilo Province and very well-known daw si Tiniente Gimo sa kanila. Panakot siya sa mga bata nung panahon nila. I don’t know if he became a famous local urban-legend in the said province

Ganito lang pagkaka-kwento sakin ng father ko.

Ang isang buong angkan daw ni Tiniente Gimo ay aswang at nakatira sila sa isang baryo sa Iloilo. May anak siya na nag aaral ng college sa bayan and meron itong roommate. Inimbita nito ung roommate niya sa baryo nila dahil Fiesta. So nung nagkakainan na sa hapag-kainan, pinagmamasdan ni Tiniente ung kilos ng kanilang bisita. Napansin ni Tiniente ang suot na singsing nito at ito ang magiging palatandaan niya sa plano nilang kunin ito ng gabi.

Nung oras na ng tulugan, nasa magkaibang kwarto ang anak niya pati ang bisita nito. Since sinauna pa lang to nangyari, wala pang kuryente at tanging mga lampara o kandila pa lang ang nagbibigay liwanag sa bahay. Ngunit kapag gabi, madilim at walang bukas na lampara. Pumasok si Tiniente sa kwarto at nakita ang kamay ng isang babae na suot ang singsing, pinatay nila ito at kinain. Ngunit, napansin nila na iba ang babae, ANAK PALA NIYA ITO.

Bago pala matulog ang anak niya at ang bisita nito, nagandahan ang anak niya sa singsing ng roommate niya at hiniram niya ito at suot pa din niya hanggang pag tulog.

So ayun lang po, not sure if accurate or complete pa ang pagkaka-kwento sakin ng Father ko since bata pa lang siya that time nung usap-usapan na sa lugar nila ito.

Thank you! 😊




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon