DOPPELGANGER SA THAILAND

26 1 0
                                    

1st time ko po magpost, at sana maapprove ito.

[DOPPELGANGER SA THAILAND]
Ito ang una kong experience sa Thailand.

Pinuntahan ko ang apartment ng kaibigan ko, kasi Saturday na, para magbonding bonding sana. Nagpalengke ako at dinala sa village nila. Nakamotor ako, at huminto sa harapan ng gate nila. Nakikita kong bukas ang ilaw sa 2nd floor at may tao naglalakad lakad at naaaninag kong may shadow sa bintana kaya natuwa ako at may tao. So, nagknock-knock ako at tawag ng tawag sa name nya. No response. Di ako naririnig.

So pumasok ako sa gate dahil bukas naman ito para silipin sa bintana sa sala nila baka sakaling marinig ako pag tinawag ko sya, kako. Bukas ang bintana at tinatawag ko nang malakas ang friend ko. Walang sumasagot. (Nagtataka na ako at napakaimposibleng di ako marinig.)

Bumalik ako sa motor ko sa labas ng gate. Dahil matagal na ako dun sa labas, hinahanap ko ang phone number nya sa contacts ko, wala akong naisave. Paglingon ko sa sala, bumukas ang ilaw sa hagdanan, dali dali akong pumasok muli sa gate at sumilip sa bintana. At natuwa ako kasi may bumababa, babae nakashort ng black, naka black tshirt, at nagtatali ng buhok pababa. Naaninag ko na parang ibang tao at hindi sya ung friend ko.

Nagtataka ako kasi kahit nagtatawag ako ng "Miss Miss, excuse me, andito ba si Anne?" kako. Hindi lumilingon sa akin at di ako naririnig. Habang tinitignan ko sya sa bintana, napunta sya sa kusina at binuksan pa ang ilaw then pumasok sa CR.

Inantay ko syang lumabas at dahil nainip ako, labas pasok ako ng gate, at hindi talaga lumalabas ng toilet e 30 minutes na nakalipas.

Bumalik ako sa motor ko para may maupuan habang inaantay syang lumabas. Pagkaupo ko sa motor at pagtingin ko sa loob ng bahay sa baba, close na ang ilaw. Dali dali na naman akong pumasok ng gate para tawagin sya/sila. Pasigaw na ung boses ko that time kasi naasar na ako. Iniisip ko kasi na baka pangit ang mood ng friend ko at ayaw akong i-entertain.

Believe it or not, umabot ako ng 2 hours sa pag-antay at pagtawag sa friend ko sa labas ng bahay (5pm-7pm). Then umuwi na ako.

Nung nasa town na ako, napadaan ako sa apartment ng isang close friend ng kaibigan kong si Anne (ung pinuntahan ko sa village) para hingiin ang contact nito. Then binigay niya, tinawagan ko na...

"Anne, ano ka ba naman, galit kaba, antagal kong nagantay sa labas ng bahay mo, di mo man lang ako pinapasok." Ang sagot nya, "Ay sorry friend, nasa school ako kanina kararating ko lang ng bahay. May retirement party kasi sa school namin."

Mejo di pa ako kinilabutan, pero natanong ko ulit, "Dumating na ba ung bagong makakasama mong pinay? Kako.. sagot nya, "Oo, pero nasa Beach sila ngayon kasi may Camp sila ng colleagues nya"... Natanong ko muli, "So teka, ano pala kulay ng damit mo ngayon?", kako,, "Naka Red Gown ako friend", sabi nya.. saka palang nagsitayuan ang balahibo ko, pesti.

Dati di ako naniniwala sa multo/spirit na gala. Ok pa sana kung ako lang din ang nakakaramdam pero kung may iba narin na nagkukwento na nakita din nila ang nakita ko, dun na ako napapanatag na totoo nga ang mga multo.

Marami pang sumunod na experience ko dito sa Thailand mula nung pagka-encounter ko nitong Doppelganger. Hanggang sa susunod pag may tyaga na ulit akong mag-type. Salamat.




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon