Red House

19 1 0
                                    

Naniniwala ka ba sa "Karma"? Kasi ako sobra.

Trigger warning: 1nc*st, dr*gs.

Simula ng ipinangak ako, marangya na ang buhay na kinagisnan ko. Bunga ito ng sipag at tyaga ng Lolo at Lola ko sa negosyo nila. Bumili sila ng lupa dito sa Hermosa, Bataan para may lilipatan silang bahay pag nag desisyon na sila na mag retiro sa pagnenegosyo.

Masipag talaga sa negosyo ang lolo't lola ko, pero mas naniniwala akong may kambal na swerte ang lola ko. Mommy ang tawag naming mga apo sakanya. Likas na mabait at matulungin si mommy. Sobra. Kaya siguro palaging nakaayon ang swerte sa kanya, at talagang lumago ang negosyo nila.

Ginagawa palang ang bahay namin dito sa Bataan, marami nang mga nagpaparamdam. Sila siguro yung mga naunang nakatira sa lupa na 'to. 6 years old ako noong sinimulang gawin 'to. Just to give you an idea, ito ang layout ng bahay namin. Since nasa bundok kami, pababa ang bahay namin...

Garahe ang una mong makikita, pababang hagdan tapos bahay (2nd floor), babang bahay (1st floor), at sa pinakababa, may malaking puno ng mangga at open area lang.

Naunang ginawa ang first floor since nasa bangin nga gagawin ang buong bahay. Sinama ako ni Mama dito dahil walang mag-aalaga sakin sa Manila, at siya ang nautusang umuwi ng Bataan para magbantay ng mga manggagawa kasama ang lolo ko. Ginawan kami ni lolo ng papag sa ilalim ng puno ng manga para matulugan at tinakpan lang ng kulambo since wala pa halos nasisimulan sa bahay at gumawa naman ng maliit na pawid si lolo para sa sarili nya.

Unang pagpaparamdam: 7:00 pm palang tulog na ang mga tao dahil nga probinsya. Ang katabi ng papag namin ay pader, at si mama ang nakapwesto sa parteng yon, ako sa naman sa malapit sa puno. Hindi ako makatulog agad dahil madilim at malamok ng gabing iyon. Lumipas ang ilang minuto, may nakita akong maliit na tao sa harapan ko. Kasing liit sya ng dalawang taong gulang na baby. Siguro 1 foot ang pagitan nya sa papag na hinihigaan ko. Dahil bata pa ako, hindi ako nakaramdam ng takot, bagkus ay na-curious ako. Tinitigan ko lang sya at pilit na inuusisa yung itsura nya. Kulay brown na kumikinang ang balat ng maliit na tao. Patulis ang dulo ng mga tainga, pero wala akong makitang mata, ilong o bibig. Pumikit ako. Lumipas ang ilang segundo, dumilat akong nasa harapan ko na sya. Nakahawak sya sa dulo ng papag at lumulundag lundag, para bang gusto nyang sumampa din sa papag. Hindi ko alam pero wala akpng naramdamang kahit anong takot ng mga sandaling yon. May tunog na nanggagaling sa maliit na tao pero ang hirap ipaliwanag kung anong klaseng tunog dahil walang kahit anong hayop o insekto ang kapareho sa tunog na nanggagaling dito. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Nagising nalang ako sa haplos ng malamig na bimpo sa noo ko, nilalagnat ako. Kinamusta ako ni mama at kinuwento ko sa kanya kung anong nakita ko kagabi. Hindi ako nagtanong kung alam ba niya o ng mga manggagawa kung ano yung nakita ko, basta ang purpose ko noon ay sabihin lang na may nakita akong maliit na tao. Naikwento ito ni mama sa lola ko. Ang sabi ng lola, baka daw yung maliit na tao ay isang elemento o "lamang lupa" na gustong makipag kaibigan sakin. Binalewala nalang namin yung nangyari hanggang sa makalimutan na ng lahat.

Ikalawang pagpaparamdam: Halos malapit nang matapos ang buong bahay, kaunting pintura at mga bintana nalang ang kulang ay pwede nang matirhan. Dumalaw ang mga tito ko dito para kamustahin si mama at tignan na rin yung bahay. May 5 malalaking bintana sa 1st floor. Lahat ito isang malaking butas palang. Ito ay kwento lang ng panganay na kapatid ni mama na narinig ko lang habang pinagkekwentuhan nila. Nagiinuman sila, nagtatawanan. Bigla nalang daw sumigaw si mama at nagiiyak dahil may dumungaw na babae sa bintana. Noong time na yon, wala pang mga bahay sa paligid ng bahay namin. Napapaligiran ang bahay ng mga puno at matataas na damo. Pina describe kay mama kung anong itsura ng nakita nyang babae. Puti ang mga mata, magulo at tayo tayo ang buhok, nakangiti. Simula non, pinabalik na kami ni mama sa Manila at ibang tao nalang ang nautusang magbantay sa bahay at mga manggagawa.

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon