My Longing Heart

24 1 0
                                    

My Longing Heart
Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan . Hindi ito creepy story or what . More of kailangan ko ng advice from you guys .

2019 nung namatay ang mom ko from cancer , sobrang biglaan ng mga pangyayari. Kagagraduate ko lang from college , si kuya nasa ibang bansa , nung mga time na yun  nagsisimula palang kaming bumawi sa parents namin .

Kapag naaalala ko , naiiyak pa rin ako. Parang kahapon lang nung nangyari yun .

Hi di kami ganun ka-close ng mom ko, in fact ako ang lagi nyang kaaway saming tatlong magkakapatid , ako lang kasi yung kasama nila n daddy since yung dalawang kapatid ko eh nasa dorm nung mga panahon na yun.

She was able to ve with me on my graduation day , and alam ko , nakita ko na super proud sya sakin .

Fast forward .

Nung mga times na hindi namin alam kung anong sakit nya dahi puro normal naman yung lumalabas sa results nya base sa mga tests na kinuha sa mga hospitals dito sa Bulacan , palaging may mga sumasakit sa kanya at ako yung lagi nyang hinahanap para himasin yung mga parts ng katawan nya na sumasakit.

Alam ko sa sarili ko na iba-iba kami ng sakit na nararamdaman nung nawaa yung mommy ko. Saktong pag-uwi ni kuya Frim business trip sa US , pagpasok na pagpasok nya sa kwarto na seizure si mommy , nung araw na nasa eroplano na si Kuya pauwi ng Pilipinas lagi kong sinasabi na "ma , laban lang . Pauwi si kuya  Di ba gusto mo sumama sa pagsundo kay kuya"isasama naman dapat talaga sya kaso nung pag-uwi ko galing sa sm dahil may pinabili sakin , hindi na nakakausap yung mommy ko. Hindi na sya nagsasalita , pero humihinga pa sya ..

It's very painful to see her that way pero nung mga time na yun hindi pa ako hangang i let go sya. Kaya hinawakan ko yung kamay nya sinabi kong " Ma, wag muna , hindi ko pa kaya".

Hindi namin kaya . 3 days syang nasa comma , nandito sa bahay.

Bantay ako sa oras ng pag-inim nya ng gamot . Then isang araw pag gising ko ng unaga para painumin sya ng gamot , nakita ko kung gano na sya hirap sa paghinga .. talagang hirap na hirap na sya .. Kaya hinawakan ko ulit sya sa kamay .. kahit takot at alam kong hnd ko pa kaya , pinigil ko yung luha ko tsaka ko sinabing "ma , kung pagod ka na, pwede na .. kaya ko na .. kakayanin ko na". Lalabas na sana ko n pintuan ng kwarto nun para umiyak kaso biglang nag stop yung paghinga ni mommy . By that time inisip ko , ako lang ba yung hinintay nya ? Naging selfish ba ako masyado ??

Up until now iniisip ko kung nung mga time na yun nakikita ba nya yung sakt sa mga mata ko, nahhrapan ba sya na nakikita akong umiiyak araw-araw ??

Mula nung namatay yung mom ko , dalawang beses ko lang sya napanaginipan .

Yung pangalawa at huling beses na nakita ko sya sa panainip ko eh nung nagdasal ako , itong ito ung mga words na sinabi ko nun "Lord , an hirap pala. Gusto kong makita yung mommy ko, gusto ko lang malaman mung maayos ba sya , kung anong nararamdaman nya" then nakatulog ako habang umiiyak . Bigla akong nanaginip tapos nakita ko sya , kumakain kami ng mangga and nakaniti sya.

After nung panainip na yun nabawasan yung mga araw ng pag-iyak ko ..

Gusto ko sanang malaman kung totoo ba na may mga tao na kayang kausapin yung taong namatay na ? Hanggang ngayon , hindi pa rin ako okay, minsan iniisip ko na may mga bagay kaming hindi nasabi sa isat isa na dapat sinabi namin . Gusto kong makausap yung mommy ko, gusto kong malaman mung kamusta sya ..

Alam ko sa sarili ko na hanggat puro what if lang ako, hindi mawawala yung longing ko na makausap sya .. Hindi maiging at peace yung utak ko ..

Any advice from you guys will do :(
Miel





📜Spookify
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon