The one in my parent's room

22 1 0
                                    

The one with my parents’ room

So last time nag share ako dito was entitled “the one with the mirror “.

So this time im gonna share you one of my experiences don again sa room ng parents ko.

The first time I saw that entity in my parents’ room akala ko malikmata lang. I believe kasi sometimes our eyes combined with our imagination just wanted to play tricks on us kahit wala naman talaga diba.

So one time, its dinner time, tinawag kami ng mama ko from the kitchen kakain daw. So ako lumabas na ako ng room ko papuntang kitchen.

Na mention ko last time na katabi lang ng kitchen at cr yong room ng parents ko so dadaan ka talaga don everytime na papunta ka sa cr at kitchen. (See the terrible sketch below. 😂)

Pagdaan ko sa room ng mother ko, I saw someone there standing — babae. I didn’t stop walking — diri diricho lang ako but I know what I saw.

Naisip ko baka yong mama ko lang. Pagdating ko sa kitchen, naka upo na doon papa ko, sister ko and then yong mama ko na nakatayo sa may sink area ng kitchen. Kompleto kami.

Sabi ko, wait sino yon?

Di na ako naka pag pigil sabi ko “akala ko may tao sa room nyo ma”

Sabi ng mama ko “guni-guni mo lang yon”

Tapos tinakot pa ako ng sister ko. But then I accepted that it was nothing. Na guni guni lang talaga siguro yon.

Not until yong sister ko naka ranas din. One time nagmamadali daw sya galing cr nakita daw nya sa room ng parents ko while open yong door nila na may tao. She thought also that it was probably one of my parents. Pero nong papasok na siya sa room niya, nakita nya sa porch namin na andon parents ko nagkokwentohan.

So ginawa nya, dali dali syang bumalik sa pinto ng room ng parents ko. Wala namang tao.

Dumiricho sya sa room ko tapos kinowento nya. Sabi ko “sabi ko sayo eh”

We told our mom sabi nya wag nalang daw namin pansinin at wag na daw namin pag kwentohan. Wala naman daw kasi ginagawa. Yong father ko naman, he doesn’t really believe in ghost until daw na siya mismo makakita.

So thats what we did everytime na makikita namin. We just pretended na it was nothing. Hanggang sa naging normal nalang.

The problem was — when we have visitors. Akala namin sa amin lang magpapakita. We were wrong.

One time nagbakasyon yong ate ko tsaka husband nya sa bahay.

Nasa kwarto kami ng kapatid ko tsaka pinsan namin —nag kukuwentuhan. Biglang pumasok yong ate ko sa room ko. Sabi nya “sino yong nasa kwarto nila papa na naka green eh andon sila lahat sa labas?”

Nagkatinginan kami ng kapatid ko. Nasabi ko nalang sa ate ko “wag mo nalang pansinen.”

Tapos I saw how it registered to my ate’s face. Naintindihan nya agad pero natakot din sya.

Paglabas ng ate ko, sabi ng pinsan namin na babae na kasama namin ng kapatid ko that time sa kwarto na “akala ko guni guni ko lang yon. One time kasi nasa labas tayo lahat tapos pumasok ako sa loob para uminom sa kitchen nyo tas nakita ko may nakahiga sa room nila Ante (mama namin).”

It was probably one of the proofs na nasabi ko sa sarili ko na sometimes also our eyes doesn’t play tricks on us. We really see things as it is.




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon