AAA HOTEL
Hello again THS fam! ✨ After sharing “pulang pinto” I’m now going to share our experience in our hotel in Palawan. Again not as scary as other stories here hehe but here it goes.
Unlike our Iloilo travel, our Palawan travel was well planned so this hotel was booked ahead. If you want a clue, this is super near the airport. 😉
When I booked this hotel ang ganda sa picture nung building, kala ko medj bago bago pa kasi glass yung labas ng hotel sa pics but when we checked in it looks a little old na both outside and inside pati mga furniture and beddings. Parang dating maganda/sosyal na hotel na naluma na ganern. That time parang konti lang yung guest kasi wala kaming nakasalubong. Pero eerie na talaga yung feeling ng hotel sa hallway palang.
After our gala that day gabi na kami nakabalik sa hotel. We went straight to shower. Nauna natapos yung jowa pero pinaiwan kong bukas yung door ng CR kasi nga takot ako. Hahahaha. Binuksan ng jowa ko yung TV and started browsing the channels (from CR kita yung TV, remember this part cause this is important). Eto naaaa biglang nagflicker yung lights sa tapat mismo ng CR shuta. 😭 Kinakabahan na ko ng sobra neto pero tuloy lang ako sa pagbbanlaw tapos mga beshy habang nakatungo ako at nagbbanlaw ako ng buhok biglang may bumulong sakin na boses sobrang lalim parang galing sa ilalim ng lupaaaa. Takbo ko sa labas ng basang basa pa yung buong pagkatao ko 🥹 Hindi ko naitindihan yung sinabi pero sobrang takot ako nanginginig ako. 🥲
The lights didn’t stopped flickering so nung nakabihis na kami and all tumawag kami sa front desk para ireport. May pumunta na electrician para palitan yung bulb. I asked him kung may multo ba sa hotel. He paused, then laughed, saka lang sumagot ng wala po. Hayss pano naman kami maniniwala nun. 🙃
Natulog nalang kami ng nasa mass lang yung channel and Thank God wala nang nangyari after that.After our trip pinaguusapan namin yung nangyari, remember when pinapalipat lipat ng jowa ko yung channel? saka ko lang nalaman sa jowa ko na sakto paglipat niya sa Vatican Mass na channel (si Pope yung nagmmisa) nagstart magflicker yung lights. Kwento pa ng jowa ko, parang nagiiba iba daw yung boses pag nandun sa mass na channel during that time. 🥹🥹🥹
Why AAA? initials yarn ng hotel. That’s it 😁 Thank you again for reading! Sana naman next time wala na multo sa hotel namin HAHAHAHA maybe next time i could share other experiences but not travel related na kasi eh hehe
-XM
📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.