Paro-Paro

22 0 0
                                    

PARO-PARO (2020)
Nngyare to, 3yrs ago. Dun kase kame nakatira sa mama ng asawa ko sa pasay, nagkaron ng lagnat yung panganay kong anak, akala ko simpleng lagnat lang kase nawawala naman pag umiinom sya ng tempra btw, 5yrs old plang anak ko non. After ko sya painumin ng tempra bumaba lagnat nya pero ang pinagtataka ko pinagpapawisan sya pero ung likod nya hindi. Hinilot na sya ng mama ng asawa ko, pinapagpapawis namen after nyang mahilot, pinatay ko ung electricfan namen tapos pinagkumot ko sya pra talagang pagpawisan sya buong katawan, take note wala syang pilay, kaya akala ko dahil sa klima lang dahil pabago bago at may ubo din kase ung anak ko. So days passed, 3days na pabalik balik ung lagnat ng anak ko, hindi naman ako nag isip na baka may something, kase sanay nako na pag may ubo sila may tendency tlaga na magkalagnat sila, walang tigil na pag inom ng tempra at punas gingawa ko, bababa sya tapos pag dating gabe pagtulog nya mataas ulit lagnat nya, pinagpapawisan sya pero ung likod nya hindi tlaga. Simula nagkalganat pnganay ko lagi nlng may paro paro sa bhay namen, maliit lang so akala ko dinadalaw lang ako ng kpatid ko dahil namatay kpatid ko way back 2015, malapit na din kase bday ng kapatid ko non, so akala ko talaga sya lang yun, pero 5 days na may lagnat pa din ung pnganay ko, so napagdesisyunan na namen ng asawa ko na ipatawas, don't get me erong pero mas naniniwala kase ako sa tawas. So eto na napatawas na ung pnganay namen, sbe ng asawa ko saken hindi nmn nya sinbe sa magtatawas na 5days ng nilalagnat anak namen pero ang tnong agd saknya nung nagtatawas "5 days ng may lagnat anak mo baket ngayon mo lang dinala?" Shempre yung asawa ko na shock, dinasalan ung anak ko tapos nag sindi na ng kandila at nagtunaw tapos nilagay na sa tubig, pag tingin nung magtatawas, sbe nya "hindi napapawisan ung likod ng anak mo dahil 5 araw na may nakayakap sa likod ng anak mo" natakot asawa ko, kaya pala limang araw din na may paro paro sa bahay namen, tapos nakapwesto pa ung.paro paro sa malapit sa higaan namen. After mapatawas ng anak ko, nwala ung lagnat nya as in agad nawala. Iniisip ko nalang tuloy nung time na yan kubg sino ung nakayakap sa anak ko. Bata din daw na mas maliit ng konti sa anak ko.
Anonymous.




📜Spookify
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon