Camp John Hay - Forest Cabin Rental
One time lang ako nakapunta ng Baguio at di ko na maalala kung anung year pero tanda ko yung medyo creepy na pangyayari.
Again I was an old sitter, malapit na Lenten Season ng umakyat kami dun. 8 kami lahat Kasama na 2kids. Maganda yung cabin na nakuha, kumpleto na sa gamit. 3rooms ata yung andun, Kasama ko sa kwarto Yung alaga ko. Sa room Namin may sliding door papunta sa parang terrace then may takip lang yun ng medyo manipis na kurtina. Sa labas ng cabin kami kumain ng hapunan with bbq at beers. Past 9 na ata kami pumasok sa cabin nun. Edi kanya-kanyang punta na sa mga kwarto. Nung nakatulog na alaga ko, binuksan ko ng kaunti Yung sliding door at lumabas ako , Wala lang gusto ko lang namnamin Yung simoy ng hangin na may kasamang Amoy ng kakahuyan at usok galing sa naiwang baga sa ihawan. Alam niyo Yung gesture na nakatayo ka sa labas tapos nakalagay Yung mga kamay mo sa bulsa ng pantalon habang nakapikit mga mata mo at sinasamyo mo Yung hangin. Feel na feel ko pa yun Kaso biglang nagbago Yung naamoy ko 🤔 naging Amoy kulob na parang mapanghi na masangsang basta ganun. Nagpalinga-linga ako nun kasi naiisip ko baka may hayop na malapit sakin kaya ganun Amoy , Wala Naman akong napansin. Nagdecide na kong pumasok sa loob, Nung isasara ko na Yung pinto may biglang parang natamaan kaya di dumiretso Sara Yung sliding, edi inusog ko uli ng unti pabukas tapos pasara ulit , ayun tumuloy na ng Sara.
Dumiretso na ko sa sofa bed para matulog ,Kaso di pa ko inaantok kaya nagbasa Muna ko ng pocketbooks na Dala ko. Sobrang tahimik ng paligid nun tanging tick lang ng orasan Yung maririnig sa kwarto Namin.
Nung antukin na ko eh nagtaklob na ko ng kumot at tumagilid paharap sa dingding. Di pa nagtatagal na nakapikit ako eh narinig ko boses ng alaga ko tinatawag ako , inalis ko pagkakatalukbong ng kumot at lumingon sa kanya. Napakunot-noo ako Kasi tulog naman sya at nakatalikod sakin🤔 edi tinawag ko sya di man sumagot, ginawa Kong bumangon tapos umikot sa side ng bed kung saan sya nakaharap, tulog talaga Siya eh. Inayos ko kumot niya, then bumalik na ko sa bed at nahiga ulit. Hinihila na ko ng antok ng marinig ko ulit na tinatawag ako but this time sobrang lapit na 🥶 medyo pabulong, at paglingon ko nangatal ako Hindi dahil sa malamig kundi dahil sa babaeng nakaupo sa paahan ko , pa sideview ,nakatalikod sakin at dahan-dahan inuuntog ulo niya sa dingding 😰
Ito literal na naestatwa talaga ako. Pinapanood ko lang sya habang inuuntog niya ulo niya na bumibilis na, hanggang Isang malakas na untog ulit (na nagpasigaw na sakin) eh dun na nagkamantsa Yung dingding! Abot-abot na kabog ng dibdib ko nito, tapos nakaramdam na lang ako ng malakas na sampal sa pisngi ko kaya bumalikwas ako ng bangon nasa palibot ko na mga Kasama namin tapos nagaalala mga Mukha nila. Tanghali na Pala , ako Ang napatanong anung nagnyari ? Bat ako sinampal 😅
Sabi nila maaga Sila nagsigising at magiikot nga daw Sila Kasama alaga ko , di na ko ginising para makapagpahinga din ako dahil uuwi na din kami kinahapunan, pagbalik daw nila eh dun nga daw nila ko narinig na sumisigaw kaya nagsi-akyatan sila at ginigising daw ako sa yugyog eh di raw ako dumidilat kaya sinampal na ko😅
Sinabi ko na lang na binabangungot ata ako kaya ganun ( pero napapaisip ako nun kung totoo ba o panaginip lang yun)
Inubos namin Yung natitirang Oras Namin sa pasyal at kain . Then nagimpake na para umuwi .
Nasa may Kennon road na kami ng magkwento si AteMay na di raw Sila makatulog kagabi dahil sa parang pukpok o untog na naririnig nila 🥶 eh katabing kwarto lang namin Sila, di kaya Yung paguntog ng babae ang narinig nila?
Ito Ang tanong ko noon pa , possible ba talaga na mangyari Yung ganun? I mean Gabi nila narinig pero ako ginising nila Umaga na at yun Ang nasa panaginip ko? O panaginip nga ba talaga yun?..📜Travel Horror Stories
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.