Permission to post admin
Hindi ito connected sa mga multo at mga myhtological creatures or sanib, Pero naalala ko to dahil nga nangyari ang incident na to kasagsagan din ng bagyo tulad ngayon na dumadaan sa pilipinas ang bagyong egay
Wayback mid 2000s, may nangyaring sobrang nakakabaligtad ng sikmura ang nawitness namin ng kasamahan ko sa duty bilang guard ng isang kilalang subdivision around sa qc area. Hindi ko na babanggitin ang name ng subdivision pero malapit to sa malalaking mall(S) sa qc.
Ung subdivision na pinagdutihan namin na ito ay maraming mga malalaking bahay pero madalang ang umuuwing mga tao, sa buong maghapon na pagupo sa guardhouse sa front ng subdivision wala pa sa 15 na sasakyan ang pumapasok at lumalabas. para daw ghost town sabi ng bago kong kasamahan, sobrang tahimik talaga. Pero minsan nakakarinig kami ng mga kahol ng aso na siguro pagmamay ari ng mga home owner.
pero nagbago yun nang may simulang construction sa likod ng subdivision sobrang ingay ng mga gamit nila doon, nagaabang nga kami ng mga magrereklamong mga home owners pero wala,siguro dahil hindi naman nagtatagal sa bahay ang mga nakatira doon.
Dalawang buwan nang simulan ang construction dumating na nga yung bagyo, at kamalas malasan ko, sa limang guard na dapat magduty, dalawa lang kami ng bagong guard ang pumasok.
Kasagsagan ng ulan nun nakasilong lang kami sa maliit na guardhouse sa gilid ng gate ng subdivision, around 9pm need namin magreport kay S.O sa status ng peremete nung subdivision kaya ronda kami kahit tinatangay kami ng hangin.
Anlakas ng ingay ng mga dahon sa mga puno dahil sa hangin, halos wala kaming marinig puro buga ng hangin tsaka malakas na tama ng ulan sa kalsada at mga bubong. Zero visibility na nga pero may napansin kami sa nadaanan namin imburnal, may kulay pula na nakahalo sa tubig.
Inisip ko kagad na dugo yun, sinundan kagad namin, nakaflashlight pa kami at nakafocus un sa tubig na naagos. Inclined kasi yung kalsada na yun, pataas ba. Tapos sa taas ng kalsada may isang bahay ,sa gate nung bahay nanggagaling yung napakaraming dugong nalabas tinutulak ng tubig
Kumatok kagad kami sa gate walang sumasagot, ung kasama ko sumilip sa siwang ng gate. May nakita syang paa ng tao, pero di nya makita ang kabuuan ng katawan kasi natatakpan ng bahay edi ako nagreport kay s.o pero walang nasagot sa call, nakailang try pa ako kaso d talaga nasagot at biglang unattended.
So bilang protocol, kapag may ganoon na ngang pangyayare tatawag na kami ng pulis para pasukin na yung bahay. Binawal na kasi kaming mga gwardya ang umaksyon kasi nga yung mga pinalitan namin mga bantay salakay.
So habang tumatawag ako sa pulis yung kasama ko, naunahan ng kuryosisad, umikot sa likod bahay at may nakita kaming hagdan pataas sa pader ng bahay.
Umakyat si kumag, at hihilahin ko palang sya ng biglang baba kagad sya, tinanong ko kung bakit sinabe na lang nya na "ubos na sila"
Ito ang pinagsisisihan ko, umakyat ako sa hagdan para tignan yung nasa likod ng pader, napamura na lang ako sa nakita ko
May limang malalaking aso! As in napakalalaki nila, ibat ibang breed. basang basa na sila ng ulan pero hindi sila matinag sa ginagawa nila, nakasubsob sila sa mga wakwak na mga upper torso ng tatlong lalake, wala nang ulo ang dalawa, yung isa nakakabit pa sa katawan pero wala nang panga, na hulo ko unang kinain ng mga hayop. halos kalansay na mga hita nila, at yung paa na nakita namin sa gate wala na pala talagang katawan, as in paa na lang talaga.
Ilang sandali pa nagagawan yung dalawang aso, kulay black yung isa tapos yung isa brown na makapal ang balahibo, nagaagawan sila sa bituka nung lalakeng may ulo pa, dumilat yung mata nung lalake tapos nakattg sakin inaangat pa yung kamay nya tapos sinagpang ng payat na aso yung kamay nya, hinakot nya yung tao sa isang sulok tapos d ko na makita ano ginagawa nyang pagatake doon sa lalakeng walang panga.
Natauhan lang ako sa panonood nang sumagot yung mga pulis, address na lang nasabi ko at nakiusap ako na pumunta na sila sabi ko baka wala na silang abutan pa. Kaya ko siguro nasabi iyon dahil nga nakikita ko sa mga aso na desidido nilang ubusin yung tatlong lalaki
12:30am na ng dumating yung mga pulis. Sinabi namin ang nakita namin. Maski sila nasindak din sa naabutan, pinalayo na kami at putok ng mga baril na lang narinig namin, after nun nalaman namin na anim na malalaking aso ang pinatay ng mga pulis, yung isa daw nakita sa loob ng bahay at ngumangata pa ng buto ng tao habang yung lima nasa bakuran. Limang tao ang namatay. Dalawang maid, at tatlong lalake na nakumpirmang mga construction worker sa tinatayong building sa likod ng subdivision.
Isang linggo akong di pumasok, natrauma ako sa nakita ko pero the next day pinatawag ako ni S.O sa opisina nandoon din yung kasama kong guard.
Inabutan kami ng tig 10k ni S.O kapalit ng pananahimik namin, ililipat din nya kami ng pagdutyhan na lugar basta hwag kaming magsalita tungkol sa nangyari kasi hindi na daw pinayagan ng pamunuuan ng subdivision na malaman yung nangyari sa lugar, bayad na daw yung kamag anak ng mga namatay, at ang nagbayad e yung mga may-ari ng bahay.
Nalaman namin na pinagkatiwala pala ng mga amo ang mga aso sa limang maid, dahil magbabakasyon ang mga amo, pero yung tatlo na matatagal na e umalis din sa bahay naiwan ang dalawang bagong maid
Yung mga construction worker naman ay stay in sa site at nagbalak magnakaw sa bahay
Pero palaisipan parin sa aming lahat maging sa mga pulis kung paano nakakawala ang mga aso at naging mabangis ng ganoon
Ang hula ko, matapos umalis yung mga amo, hindi pinakain ng mga maid ang mga aso sa halip nagwalwal at iniwan ang mga bagong maid na walang alam din, isang linggo na daw kasi bago ang incident nung umalis yung mga amo kaya tyak gutom na gutom na ang mga hayop at hula ko din sa sobrang desperado ng mga hayop kaya sila nakakawala
After nang nangyari until now, natotrauma ako sa malalaking aso at malakas na bagyo, naaalala ko kasi palagi to...buti na nga lang at hindi namedia
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.