U.P. Ayala Land TechnoHub
Dahil ghost month ngayon share ko lang na experience ko sa technohub noong August 2016
Konti background lang ang technohub ay isang dating bakenteng lote na mahigit 380 libong metriko kwadrado. Naging amusemnet park din bago naging IT hub.
Nagkaron ng test shift yung company namin bali Sunday night shift ito. Isa ako sa nag volunter bali 3 kami nag G. Sayang din kasi yung night diff + allowance, free foods and walang din sup. :)
Mga 2am bumaba ako para mag break at manghuli ng Pokemon Yes Super hype ng Pokemon GO nun that time. Favorite spot ko sa may likod ng Starbucks(SB) andon kasi spawn ni Dratini.
Kaya super excited na din ako dahil for sure wala ng tao dun dahil close na din ang SB, wala ng ingay at kaagaw sa pwesto.
Mga 10 mins na din ako nag hintay bigla nag spawn na si Dratini pag tutok ko ng cp ko para hulihin biglang nag crash yung phone ko.
Nagmamadali akong iopen kasi baka biglang mawala pa si Dratini kaso napahinto din ako kasi may nakita akong isang lalaki mula sa kabila (jogging path) *check the pics below for reference ng distance naming dalawa.
Sobrang tangkad niya, mahaba yung buhok, naka shorts, yung damit nya di ko masyadong maaninag kasi natatakpan ng buhok at naglalakad siya ng mabagal ng naka paa lang.
That time hindi ko inisip na kakaiba nanaig yung takot ko sa security ng technohub kaya dali dali ako pumunta kay kuya guard para ireport.
Sabi ko kay kuya guard may lalaki dun sa may jogging path sa tapat ng SB na naka paa lang. Sabay turo at sabi ni kuya guard doon ba? matangkad at mahaba yung buhok?
Sabi ko Opo nakita nyo din ba?. Bigla siyang napa iling at nag sabi positive si Manong yun. Tinanong ko kung sino si Manong ang sabi niya sinaunang bantay ng technohub at madalas magpakita pag ma ulan (which is medyo gloomy weather ng time na yun).
Nabanggit din niya hindi lang ako ang unang nag report kay Manong. Doon ko palang na gets ang lahat para akong binuhusan ng malamig na tubig parang gusto na lang din umuwi na at huwag ng pumasok(5 mins walk mula sa entrace to bldg namin din kasi).
Natakot ako baka kasi makasalubong ko pa si Manong kaya nag wait muna ako saglit baka may pumasok na employee at sasabay na lang ako nakakahiya din kaya kuya guard magpahatid eh.
Sa awa ng Diyos may pumasok na din na employee kaya may kasabay na ako pabalik sa loob lalaki din siya at mahaba ang buhok.(coincidence) :|
Pang 9 yrs ko na this 2023 sa technohub(same company) after that incident hindi ko na nakita si Manong.
Baka may kwentong technohub din kayo? Share na guys lalo na dun sa mga nasa old bldg at mahilig mag jogging sa hapon.📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
De TodoAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.