Random Creepy Stories

15 1 0
                                    

Guro
Nagtrabaho ako sa isang daycare center syempre umaga lang un bukas tapos sa gabi bukod tanging gwardya lang ang nagbabantay...ayon aa kanila... gabi2x pagpatak ng alas 11 hanggang alas tres, may mga  narrinig silang Higit sa isang bata ang nagtatawanan sa loob. Tapos ung Mga laruan kinaumagahan nakakalat sa labas ng center tapps mga manikang tumatawa

Kahit walang mga baterya

- Aldy
.........
Nurse tale

Alam mo nman kung anong trabaho ko bro alam mo din na bukas ang 3rd eye ko... Gabi2x  Nakikita ko ung mga namatay na pasyente na lumakad sa pasilyo nh ospital na pinapasukan ko...tapos ung mga pinto kung asan ako o saktuhan pag ako lang ang nakaduty don sa nurse station sa gabi..ung mga pinto palagungsumara o kaya may mga kumakatok sa loob pero pag titignan ko wala kahit isang tao...ang nakakatok pa ung babaeng nanghingi ng xray result nya... Yun pala 4 days ng nakaburol sa knila.

- pong
........
Call Center

Nagtatrabaho ako bilang back office sa isang kilalang call center company dito sa Bgc. 1 time. Ung kasama ko naka leave tapos nagkataon din na 3 tao lang ang nasa working station ng mga araw na un. 230am noon. Nung naisipan kong magpunta sa  Restroom. Mayroon kaming motion sensor kapag binuksan mo ang pinto eh automatic bumubukas ang ilaw hanggat hindi ka lumalabas hindi din mamamatay un. Nung pumasok ako sarado ung ilaw meaning ako lang ang tao sa loob.. Habang nasa stall ako. Nakarinig ako ng mahinang humuhuni. Hindi siya kanta eh parang ngumuguyngoy ung impit na iyak pero parang ungol...Nakaramdam ako ng goosebumps na para bang nanggaling ito sa katabi kong stall. Umupo ako dun. Nakinig.......Nakikiramdam.....
I ignored it n thought, baka nag over thinking lang ako. Habang naglalakad ako palabas ng stall ko. Tumigil ito saglit. Ipinagkibit balikat ko.... Lumapit ako sa lababo at naghugas ng kamay.maya mayang konti ayan nnmn Naririnig ko na naman. Kaya, napagpasyahan kong tumingin sa ilalim ng bawat stall at isa isang binuksan ko ung mga pintuan. Shet nagtayuan lahat ng buhok ko sa katawan kasi walang tao pero amoy patay sa isang cubicle ang bilis lumabas kong tumakbo habang nagtititili hahahaha. Hanggang ngayon. Iniisip ko pa rin. Hanggang ngayon d2 padin ako nagtatrabaho...

- Joice
..........
Them

Sabi ko Hinding hindi ako magduduty d2 sa home for the aged na pinapasukan ko kasi balibalita ung mga nagpapakita lalo dis oras ng gabi. Eh shutaness mattakutin ako alam mo nman yan kahit noon pa....isang araw nakipagpalitan sakin ung regular nightshift nurse kasi may date daw sila ng jowa nya. Bhe first time ko naexperience at ayoko ng maulit ulit kasi nakakita ako ng mga matatandang naglalakad sa isa sa mga kwarto Literal na ihihinto ko ang ginagawa ko para alalayan ang "residente" sa silid na iyon para madala ko sila sa kani-kanilang silid maya maya pinatawag ako ng head security tapos pinakita sakin ung cctv footage sabi pa.. maam ano ginagawa mo naka apat na balik ka don sa kwarto ng mga matatanda nakaalalay ka pero wala kang hawak. Panoorin po ninyo to sabay play..nagulat ako kasi nung nakita sa cctv nakaalalay ako pero wala akong hawak hawak na tao.... Apat sila hanggang ngayon naaalala ko padin ung lamig ng mga balat nila sa kamay ko.....mukha talaga silang mga tao...

- Rubie ann
........
Granny

Nagtatrabaho ako sa isang ospital kung saan ka nagtrabaho dati. Tanda ko ung isang story mo na naishare samin ung demonyang babae na nagpaparamdam sa isang kwarto nameet ko din si dok Ung nasa kwento mo noon..ung may 3rd eye... By the way pala ung room na un ginawang bodega nlang kasi kataka taka na lahat ng ipinapasok don kahit narenovate na ung buong ospital eh talaga ngang namamatay.... One time naground kami nila dok. Actually nakalimutan ko na unh story mo kundi ko naranasan to. Sabi ni dok sumama kayo sakin may ipapakita ako sa inyo nung una nagtatawanan pa kami kasi sobrang kalog ni dok... Dalawa kaming nurse noon.  Binuksan ni dok ung bodega na dating kwarto saka nya kami hinawakan sa braso. Halos masuka ako sa takot kasi may nakita akong matandang babaeng nakangiti nakaliyad saka nakaturo saming tatlo tapos amoy asupre ung loob ng kwarto. Nagpatakbo kami ng ilang dipa. Habang si dok parang wala lang na isinasara ung kwarto. Nung nakalapit samin. Sabi pa ni dok
Tinitigan nyo ba sa mata?

Kasi susunod yan hanggang sa bahay nyo.

Naiyak nlang ako saka kita naalala kaya napatawag ako sayo...

Kasi nakita ko ung mukha nya

Hawig ng nanay ko

Meldie
........

Kaibigan

Nagtrabaho ako sa isang kilalang mall dito sa makati. Kung natatandaan nyo noon may sumabog sa loob ng mall tungkol jaan ung kwwento ko. Magsasara na kami non nagaantay nlang ako na lumabas ung mga customer sa loob.. nung may isang lalake akong nakita na nakatayo lang sa loob nakaharap siya sa labas ng store. Pagkurap ko biglang nawala. Xmpre sarang sara na ko noon gs2 ko din makauwi ng maaga kaya hinanap ko ung lalake...nung hindi ko nakita inisip ko na baka nakalabas na. Umakyat ako sa itaas kung saan nakastocks ung mga sapatos namin. Patingin tingin lang ako nagulat ako kasi ung lalakeng nakita ko sa baba kanina, nasa taas din. Nakasilip sa kabilang side ng shoe rack kung saan ako nakatingin...nakangiti saka nakatitig sa akin... ...

Agad agad tumakbo ako sa mga nagiimbentaryo nagtawanan lang sila sabay sabi... Etong area natin ito ung sumabog dati. Sabi2x May namatay na empleyadong lalake dahil sa pagsabog... Masasanay ka din kasi kami gabi gabing kinukulit nyang "KAIBIGAN" Natin.

Alam nyo kung ano ang mas nakakatakot?

Wala siyang mga mata

- Willie



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon