Nag punta kami ng family ko sa Vigan at last minute we decided na isama mga kasambahay namin. Pero dahil Merong convention mga doctors nuon nahirapan kaming kumuha ng additional booking para sa kanila kaya duon na din lang sila Sa mga kwarto namin pina tulog. Ok naman yung hotel, medyo maliit at mukhang luma na ( ganun naman sa Vigan mga lumang bahay ginagawang hotel to maintain heritage) Pero Kumpleto naman sa amenities. Nung unang gabi dahil late na kami nakarating - nagdinner lang at dahil pagod sa byahe natulog kaagad.
Nuong 2nd day nagiikot sa mga museums, parks at churches. Ng gabi na yun at nagpapahinga na narinig kong umuungol yung si M (pangalan nung kasambahay) habang natutulog na nakatalukbong ng comforter. Buti at gising pa ako at pilit ko ginising.Isip ko napagod ng Bonggao kaya Baka binabangungot. Nung tumigil na cya Sa pagungol inisip ko na ok na cya kaya natulog na din ako. Nuong mga madaling araw mga 2 or 3 AM. Nagising ako ulit dahil sa malakas na pagungol ulit nya. Bumangon ako ulit at ginigising at pilit ko Tinatanggal yung comforter na nakabalot Sa kanya. NaGulat na lang ako ng bigla nya hinawi yung comforter bumangon na nanlilisik ang mga mata, yung mukha nya parang nababaliw at mga kamay nya parang mangdadakma at mang aatake. Yung itsura nya talaga parang nauulul na aso with growling pa talaga. Nagising at napabangon bigla husband ko at dahil sa pagka gulat sa nakita nya ay pilit ako hinihila Palabas ng hotel room. Ewan ko ano pumasok sa utak ko sa halip na tumakbo tinabunan ko ng comforter si M, pinukpok ko paulit ulit sa ulo nuong mga medyo matigas na mga unan at tinulak pabalik sa kama nya. Ang nakaka gulat nuong nakahiga na cya sa kama- umayos lang cya ng pagkakahiga at natulog na nakatalukbong pa rin sa comforter. Inobserbahan namin ng mga ilang oras at Dahil parang natahimik naman na cya ay nakatulog na din kaming mag asawa Pero on alert pa din. Kinaumagahan, tinanong ko si M kung Ano ba nangyari sa kanya, Kung nananaginip ba cya o Kung anu man. Sabi nya mahimbing nga daw tulog nya at Wala cya natatandaan sa mga nangyari.
Medyo napapa isip na tuloy ako sa kasambahay namin na yan. Cya yung laging May asin na dala at naglalagay nuon sa bawat sulok ng bahay namin. Dami nyang scapulars at nagdadasal ng rosary (daw) gabi gabi. Wala akong nararamdaman na kakaiba sa haus namin ( though I hav a gift ng ganyan tulad ng mga earlier stories ko dito). Pero mula ng dumating cya - may mga unexplainable na instances na nangyayari. Cya kaya ang source ng mga ito?📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎
BINABASA MO ANG
[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
RandomAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.