Last Ride

28 2 0
                                    

"Last ride"

Hello sa lahat, magandang gabe, ihi muna kayo kase marami na naman takutan mamaya 🤣 eto namang akin ay d naman mashado pero depende na din sa inyo. Ok chika time.

Yung husband ng aunty ko died way back 2016 if tama yung natatandaan ko. Minsan guard si uncle sa morning sa subdivision kung san lang din sila nakatira and bouncer sha minsan sa bar pag gabe (sidelines lang work nya diko alam bakit). Every morning pinapasakay sya ng family friend nila pag nakikita cya either pauwi or paalis. My kotse kase sila tas parating na sa front seat si uncle, binibiro nya mga bata kase mahilig yun sa mga kids eh.

So one morning sumabay daw si uncle sa kanila paalis ng sub kasama buong fam parin, papunta mga kids sa school and work yung husband and wife. As always, front seat si uncle, and todo chika and biruan sa lahat hanggang makarating sa drop off nya.

Pagkauwi ng kinagabihan ng buong fam friend nila uncle, laking gulat ni husband ng malaman na namatay na si uncle, and especially kaninang umaga pa daw. Sabi nya imposible daw yun kase nga, sakay nila si uncle sa kotse and kita naman ng buong fam pati mga kids. Eh alangan naman daw nag hallucinate sila lahat. Pero sabi ng pinsan ko, mas lalong imposibleng makasabay nila si uncle kase madaling araw palang nasa hospital na sha, nag fail yung liver nya and other complications, somewhere around 10-11am declared na d3ads na si uncle.

Sobrang hagulgol daw ng buong fam lalo na mga kids, nagpaalala pa daw sya sa mga bata na mag aral ng mabuti at makinig sa mga magulang nila. Yung nakakalungkot pa, nalaman ni aunty parang the following day na kase duty si aunty sa BPO company.

(I have more stories kung gusto nyo pa hehe)





📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[6] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon